KATAMARANTADUHAN 6

121 35 31
                                    

June 26, 2019
Hoy Diablox,

Pinadala ako kanina sa Guidance Office dahil nagsumbong ang batang isinubsob ko sa mga answer sheets, the day before yesterday.

Masaya naman akong nagpunta r'on sa Guidance Office dahil makakatakas na naman ako discussions. Pagkarating ko r'on ay naroon naman pala ang tatay ng bata. Tinitigan lang ako nito ng masama samantalang ang batang napakasarap tirisin ay napapangiti pang nakatingin sa akin.

Magkaharap kami ngayon sa dalawang magkabilang upuan ng office. Katabi ng lalaki ang kaniyang anak samantalang si Miss Cathlyn naman ang katabi ko. Si Miss Cathlyn ang matandang dalaga na siyang Guidance Counselor ng campus.

“Mag-sorry ka sa anak ko!” Iyon ang sigaw ng tatay ng bata sa akin matapos nitong mapatayo at idinuro ako. Sa totoo lang Diablox, bahagya akong natakot n'on.

Tumayo naman ako at sinubukang hilahin ni Miss Cathlyn ang uniporme ko para mapaupo pero napatayo na lang din siya nang hindi niya ako nagawang paupuin.

Dahil sa sinabi ng tatay ng bata sa akin, sarkastiko ko itong sinagot, “Hihingi lang ako ng tawad kapag natanggal na ang utong sa mukha mo!”

May maitim kasing nakadikit sa noo niya. Hindi naman ito pagkalaki para ikompara sa utong, gusto ko lang talagang inisin siya.

Sa kadahilang binigyang diin ko ang maitim na kung ano sa mukha niya, kinapa niya ito at nagulat ako nang matanggal. Akala ko nunal iyon, hindi pala.

Bigla niyang dinilaan ang daliri niya kung saan nakadikit ang itim na bagay na iyon at nagpakita ng pagkadismaya ang mukha niya. Mayamaya pa'y nagsalita ito habang pinapanatili ang kapaklaan ng lasa sa kaniyang mukha, “Gago, ipot ng butiki!”

Pareho kaming natawa ni Miss Cathlyn. Grabe, may kalakihan ang ipot na 'yon.

Akala ko talaga Diablox ay tapos na ngunit sinigawan na naman ako nito, Mag-sorry ka na sa anak ko!”

Tinawanan ko lamang siya at dinuro. Nakita kong napakuyom at mabilis na kumilos ang braso nito para suntukin ako mabuti na lang at nakailag ako.

Sa kasamaang palad, hindi nakaiwas si Miss Cathlyn kaya siya ang tinamaan ng suntok. Napabagsak si Miss Cathlyn dahil nawalan ito ng lakas at nang iharap ko ang mukha niya sa akin, may dugo ang ilong nito.

Itinayo ko si Miss Cathlyn at ako ang nagsilbing saklay niya. May malay pa naman siya kaya lang nanghihina na. Kailangan ko siyang dalhin sa clinic.

Bago lumabas ay nag-iwan ako ng malutong na pang-inis sabay tawa sa tatay nga bata, "Imong mom sorry!"

Lumapit ito sa akin at mabilis na sinampal si Miss Cathlyn. Dahil sa sampal, tuluyan nang nawalan ng malay si Miss Cathlyn. Sa totoo lang, ako talaga ang sasampalin n'on. Kaya lang ginawa kong shield ang mukha ni Miss Cathlyn.

Kung ako kasi ang masaktan edi dalawa kami ni Miss Cathlyn na manghihingi ng tulong. Ayos na 'yong sa kaniya na lahat ng pasakit total andito naman ako na tutulong sa kaniya.

Knight in complete school uniform,
Alron

Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon