SAVEOUR

46 16 4
                                    

"Pamangkin, sa amin ka na titira,” malumanay na sabi ng isang ginang sa binatilyong hindi matapos kakaiyak dahil kakalibing pa lamang ng ama.

“Doon sa amin, ituturing ka naming anak. Huwag kang mag-alala, nangako ako kay Kuya Davidson na ipaparanas namin sa iyo ang pakiramdam nang may buong pamilya,” sabat naman ng lalaki na siyang kapatid ng ama ng bata.

“Paano si Mama?” Matapos ang kanina pang pananahimik at puro iyak lamang, nagsalita na rin ang binatilyo.

“Hindi maganda ang pagtrato ng mama mo sa iyo. Pabayaan na muna natin siyang mapagtanto ang lahat. Sa ngayon, kinakailangan mong sumama sa amin.”

Pinunasan na ng binatilyo ang luha sa kaniyang mga mata at sumama sa kaniyang magiging pamilya.

-----

anong ng lalaking nagsisilbing ama nito.

“Kahit saan po. Pero sa totoo lang, ayaw ko nang mag-aral,” walang gana nitong sagot.

“Anak, gusto mo ba sa pribadong paaralan?”

“Ayaw ko po r'on, Tita Coreen.”

“Sige, pag-isipan mo na muna nang mabuti.”

-----

“Kamusta ang unang araw mo, David?” tanong ng Tito nito.

“Normal lang. Nakakainis ang mga pagmumukha nila,” sagot naman nito.

“Naku! Ganiyang-ganiyan ang Tito Davis mo n'ong Junior High 'yan. Palaging naiinis sa pagmumukha ng mga kaklase niya,” natatawang saad ng Tita Coreen nito.

“Ang importante ay nakapagtapos ako,” giit naman ng Tito nito habang tumatawa.

“Anak, ito ang tatandaan mo, hindi mahalaga kung honor ka. Bonus na lang iyon kung sakali. Ang mahalaga sa amin ng Tito mo ay makapasa ka.” Napangiti naman ang binatilyo sa sinabi ng Tita niya.

“Tama. Ang totoo talaga niyan ay nakapasa lamang ang Tita mo dahil nagmakaawa ito sa mga teachers niya. Kulelat kasi ito n'ong nag-aaral pa,” tila paghihiganti ng Tito nito sa kaniyang Tita. Sa halip na magalit, natawa na lamang ang Tita Coreen niya at gan'on na rin siya.

-----

“Tita Coreen, Tito Davis!” tawag ng binatilyo.

“Wala pa ang Tita mo. Bakit, David?” Hindi ito sumagot at inabot na lamang ng niya ang envelope na naglalaman ng kaniyang card. Hindi naman nagpabagal-bagal pa ang Tito nito at binuksan na ang envelope para tingnan ang nakuhang marka ng tinuturing anak.

“Punyeta naman, David!” Malakas na sigaw ng Tito nito kaya naman napapikit na lamang ang binatilyo dahil na rin sa takot. “Bakit wala kang line of 7? N'ong highschool ako puro ako palakol tapos ikaw, wala? Ang unfair!” dagdag pa nito. Bigla namang natawa ang binatilyo dahil buong akala niya ay galit sa kaniya ang kaniyang Tito Davis. Bigla namang bumukas ang pintuan nila at iniluwa nito ang kaniyang Tita Coreen. Agad namang nakisali sa dalawa ang tita nito.

“Wow, anak! Ang lalaki naman ng marka mo!” Mangha nitong sabi.

“Buti nga at hindi niya naman ang mga palakol mo,” pagbibiro ng Tito Davis nito.

“Hoy, huwag mong ipasa sa akin ang kahinaan mo sa klase,” pagtatanggol ng Tita Coreen niya sa kaniyang sarili.

“Anak, dahil sa mga marka mo, bibili tayo ng cake!”

Hindi alam ng binatilyo kung ano ang mararamdaman. Maiiyak ba siya, matutuwa o 'di kaya'y maiiyak dahil sa labis na tuwa. Ang saya-saya ng mga kumupkop sa kaniya at natataasan na sila sa marka nito gayong ang pinakamataas nitong marka ay 87 lamang. Hindi na rin kasi nagseseryoso ang binatilyo at nawalan na rin ng gana dahil sa pagkawala ng kaniyang ama.

-----

August 9, 2019
Hoy Diablox,

Sina Tita Coreen at Tito Davis na ang nagsisilbing ama at ina ko. Tinuturing ako nila bilang kanilang tunay na anak. Maswerte ako sa kanila dahil ang bait-bait nila.

Tanggap nila kung hindi man malalaki ang mga marka ko. Wala lang sa kanila ang marka, ang importante ay makapasa. Alam kong hindi na rin nila ako pipilitin pang magseryoso sa pag-aaral lalo batid nila ang naging sitwasyon ko noon at isama mo pa ang rasong namatay si Papa.

Sa totoo lang, natatakot na talaga akong magseryoso. Oo, tamad ako. Pero minsan, sumasagi rin sa isipan ko ang pagseseryoso. Kaya lang natatakot ako.

Natatakot ako na sa oras na magseryoso ako sa pag-aaral, biglang may mawala na naman sa akin. Siguro ang gago ng pag-iisip ko pero mali ba ang matakot matapos ang nangyari kay Papa?

Mag-aapat na taon na pero 'yong sakit, bagong-bago pa.

Mabuti pa't ipagpasalamat ko na lamang na dumating sina Tita Coreen. Si Mama naman, wala talaga siyang pakialam sa akin. May bago na siyang pamilya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nito naipapakilala sa akin ang bago niyang pamilya.

Kung sabagay, sino ba naman ako sa kaniya? Ako lang naman si Alron, ang anak niyang mahina.

Being grateful with a broken heart,
Alron

Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon