June 28, 2019
Hoy Diablox,Sa susunod na linggo July na. Dahil sa Nutrition Month ang ipinagdiriwang sa buwang iyan, binigyan kami kahapon ng MAPEH Teacher namin ng gawain.
Alam mo naman ako Diablox. Ako ang pinakamasipag at pinakamabait na estudyante kaya wala pa akong nasisimulan. Ang dami kasi ng ibinigay niya. Gagawa ng headdress, Hugot Lines, arko para sa buong section at pagkatapos ay magdadala ng prutas.
Diablox tulungan mo naman ako kahit sa Hugot Lines lang. Dalawa kasi ang kailangan ni Ma'am sa bawat estudyante at dapat seryoso ang ipapasa sa kaniya.
Si Miss Cathlyn nga pala, maayos na siya. Kahapon nga at kanina, binigyan ako ng saging. Hindi ko alam kung ano ang nais niyang ipahiwatig sa saging na ibinigay niya sa akin. Pakiramdam ko kasi nasagi niya n'ong isang araw ang aking kutsilyo. Bahala na si Ma'am kung nalakihan, nahabaan, naliitan o napayatan man siya. Para sa akin sakto naman na 'to. Nakakahiya lang dahil baka kung ano ang iniisip ni Maam.
Sa tingin mo Diablox, iyon ba ang punto ng pagbibigay niya sa akin ng saging? Ano ba 'tong si Miss Cathlyn, kung kailan tumanda saka pa umarikingking. May asim pa kaya si Miss Cathlyn o 'di kaya'y nireregla pa kaya siya?
Basta Diablox, sa Lunes na lang ako muling susulat. Kailangan kong gumawa ng ipinapagawa ni Ma'am. Sisimulan ko pa lang mamaya, hindi ko pa sure kailan matatapos. Gusto ko na kasing mahiga at matulog nang mahimbing.
Adios, Diablox!
Student with overloading works,
Alron
BINABASA MO ANG
Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED)
HumorStudying is one of the important pillars in succeeding but for Alron, it's a waste a time. He's not into taking down notes but updates his Diary most of the time. Diablox, that's what he calls his diary. The diary that know his idiosyncrasies and ma...