August 22, 2019
Hoy Diablox,Dito ko na ipagpapatuloy. Gaya ng sabi ko, nakatulong talaga ang pag-aaral, kaya lang may mga tanong sa test na hindi ko alam na tinalakay namin.
“Start!” Hudyat sa amin ni Sir Julian. Hinati ang klase namin sa dalawa, morning session at afternoon. Pang-morning ako at gan'on na rin sina Ripoc.
Sinimulan na namin ang test sa subject na Math. Provided kami ng bondpapers na ginawang booklet, doon kasi namin isinusulat ang sagot.
Matatapos na ako kakasagot sa Math. Gamay ko ang subject na ito at kasama ito sa napag-aralan namin kagabi. Inilibot ko na muna ang aking tingin. Habang sinusuyod ng aking mata kinaroroonan nina Ripoc, bigla na lamang akong tinamaan ng chalk sa ulo.
“Kapag lumingon ka, tatamaan ka,” wika ni Sir Julian at mahinang natawa ang mga kaklase ko lalo na ang top 1 daw namin. Wews, wala pa ngang ranking eh.
Hindi ko na lang sila pinansin. Bahala sila, ang importante, matatapos na ako. Nagkunwaring magbabanyo si Nehamas pero bigla ako nitong sinenyasan na lumapit sa kaniya nang makalabas na siya. Nagpanggap din ako na iihi at nag-usap kami habang naglalakad papuntang C. R.
“Alron, mahirap 'yong 40-50. Hindi ko alam paano sagutan,” pagrereklamo nito. Mukhang matatapos na rin ito sa pagsagot.
“Akong bahala,” saad ko.
Bumalik na kami sa classroom. Sumilip ako sa booklet ng iba kong classmates at napakarami pa nilang blangko.
Nag-solve na ako sa isang scratch at nang matapos ay inilipat ang sagot ko sa booklet. Marahan kong pinaikot-ikot ang scratch ko at isinilid sa loob ng ballpen. Sinadya ko itong ilaglag at pagkatapos ay sinipa papunta sa likod, sa p'westo ni Nehamas. Hindi naman iyon napansin ni Sir kaya success.
Sinulatan ko rin iyon ng “pass it to Ripoc.”
Pagkatapos ng Math ay sinundan iyon ng Araling Panlipunan. Halos mapiga ang utak ko kakaisip sa isasagot. Although puro choices lang, wala ako masiyadong natutunan dito. Marahil tulog na naman ako nito o wala talaga akong pakialam sa subject. This sucks. You would only realize how important every lesson kapag examination day na.
Bahala na, I really have to finish answering this. Dahil sa papel lang namin isinusulat ang aming sagot, nakakasilip ako ng kaunti. Hindi ganoon karami ang kinopya ko. Mga 10 lang.
Hindi ko namalayan ang oras at mabilis na natapos ang examination hours. Pinaghandaan ko ang examination na ito hindi lang para sa akin maging para na rin kay Jeremae.
“Jeremae!” tawag ko rito matapos ang examination. Nauna nang mauwi sina Nehamas. May gagawin pa raw kasi sila.
“Alron,” pabalik nitong tawag.
“Kamusta ang exam?” tanong ko sa kaniya. Nagpresenta na rin akong dalhin ang bag niya, kaunti lang naman ang laman nito.
“May mga parts na nahirapan ako pero karamihan naman ay nakaya ko. Pinakopya ko pa nga ang iba kong kaklase. Mabuti na lang talaga at tinuruan mo ako,” aniya sabay ngiti.
“Uuwi ka na ba?” tanong ko rito. Palabas na kami ng gate.
“Ikaw?” tanong lang din ang naging tugon nito sa tanong ko.
“Hindi pa,” tila nag-aalangan kong saad. “Ah, Jeremae, p'wede mo ba akong samahan?” tanong kong muli.
“Pasensiya ka na, Alron. Wala akong dalang sapat na pera eh,” nahihiya ngunit matapat nitong sagot. Napayuko naman ito matapos akong sagutin sa aking tanong.
“No, it's okay. Ako ang bahala,” saad ko.
Agad kaming sumakay ni Jeremae papunta sa may Department Store. Hindi kami pinapapasok ng guard dahil naka-uniform kami pero nagmakaawa ako kaya pumayag rin ito.
“Bakit tayo andito?” tanong niya. Hindi kami nag-escalator, naghagdan lang kami dahil takot siya sa may escalator.
“Magpapatulong ako sa 'yo sa pagpili ng damit,” palusot ko.
Nagtungo muna kami sa third floor, ang clothing section.
“Bakla ka ba?” diretsahang tanong sa akin ni Jeremae. Dito kasi kami nagpunta sa may mga damit pangbabae.
“Slight,” pagbibiro ko saka pinisil ang ilong niya. Diablox, pakiramdam ko umaamo ako kapag kasama ko siya. “Biro lang. Andito tayo sa section na ito dahil bibilhan kita ng mga damit,” paglilinaw ko.
Tinitigan ako nito at mayamaya pa ay may namumuo na sa kaniyang mga mata.
“Jeremae, may muta ka,” ani ko at ako na mismo ang kumuha ng muta niya. Gusti ko rin siyang patawanin at pasiyahin dahil nagbabadyang bumuhos ang mga luha nito.
“Salamat, Alron.” Dumausdos na nga ang mga luha nito. Hindi ko inaasahang malakas itong hahagulgol, magtatatalon saka mapapaupo habang pinagtatadyakan ang sahig. May iilang tao ang nakatingin sa amin. Agad ko siyang tinulungang tumayo at iniharap sa mga dress. Pinunasan niya ang mga luha niya gamit ang dress kung saan ko siya itinapat.
Nakakahiya sa saleslady na naroon kaya naman binili ko na rin ito. Tinulungan ko siyang pumili ng mga damit. Binilhan ko rin siya ng pabango, malaking bote ng shampoo at lotion at maging sandals at sapatos.
“Ang dami naman nito. Saan ka ba kumukuha ng pera mo?” tanong niya. Bitbit ko ang mga pinamili namin at pauwi na kami.
“Sa akin. May ipon naman ako at hindi ako pinapabayaan nina Tita when it comes to financial needs. Sobra-sobra na ito kaya gusto kong makatulong,” paliwanag ko naman saka kinindatan siya.
Nasa labas na kami at naghihintay ng masasakyan. Biglang tumunog ang cellphone niya, may nag-text 'ata. Nakaramdam ako ng awa nang makitang basag-basag na ang screen ng cellphone niya. Diablox, balak ko siyang bilhan ng cellphone.
“Kailan ba ang birthday mo?” I asked her kahit na abala siya sa pagbabasa sa message ng nag-text sa kaniya.
“Sa September 12. Malapit na 'no?”
Nginitian ko na lang siya at pagkaraan ay nakasakay na kami sa taxi. Habang nasa loob ay nagsalita siya.
“Nag-text si Maru,” pagsisimula niya habang nakatingin sa labas. "Tutugtog daw sila this September at gusto niyang manood ako," dagdag pa nito.
“Bakit, ano'ng mayr'on?”
“Battle of the bands daw.” After the exam, may mas kailangan pa akong pagtuonan, Diablox. Makakalaban pala namin sina Maru. Hindi pa alam ni Jeremae na kami ang magiging representative ng campus.
“Pumunta tayo r'on. Manood tayo, siguradong masaya iyon,” paninigurado ko.
I will condition my voice para sa darating na Battle of the bands. Kung hindi man kami manalo, atleast mapanalunan ko ang puso ni Jeremae.
Diablox, hindi pala talaga maganda ang combination ng name ni Maru at Jeremae. Kapag pinagsama, magiging MaruMae.
Iyong sa amin naman hindi mawawalan dahil palaging, MaeRon.
Basta ako 'to,
Alron
BINABASA MO ANG
Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED)
HumorStudying is one of the important pillars in succeeding but for Alron, it's a waste a time. He's not into taking down notes but updates his Diary most of the time. Diablox, that's what he calls his diary. The diary that know his idiosyncrasies and ma...