August 13, 2019
Hoy Diablox,Hindi ko alam kung good news o bad news ba ito, Diablox. Gusto ko lang na malaman mo na sa wakas ay nalaman ko na ang pangalan ng engkantong nanakit kay Jeremae. All thanks to Nehamas. Kanina niya lang kasi sinabi sa akin.
Kakarating ko lang kanina sa room nang harangin ako ni Venus. Bumungad tuloy sa akin ang labi niyang parang nilaplap ng aso.
“Alron, dos!” saad nito sabay abot ng kaniyang palad sa akin.
“Ano? Para saan?” tanong ko sabay pasok ng aking kamay sa aking bulsa.
“Para sa copy ng math formulas at reviewer,” sagot naman nito. Agad ko siyang binigyan ng hinihingi niya para makapasok na ako. Umagang-umaga may ambagan agad. Hindi pa nga ako nakakapasok siningil agad.
Nagtungo na ako sa aking p'westo at inilapag ang aking bag. Uupo na sana ako nang tawagin ako ni Nehamas. Magkatabi sila ni Ripoc at mukhang may pinapanuod na naman.
“Bakit?” tanong ko nang makalapit ako sa kanila. Akala ko porn ang pinapanuod nila, Glorious lang pala.
“Alam ko na ang pangalan ng engkantong mabaho ang hininga,” abot tainga ang ngiti nito nang sabihin iyon.
“Talaga? Ano?” interesado kong tanong at napausog pa ako palapit sa kanila.
“Secret. Siyempre, dapat may kapalit,” aniya at napahalumbaba.
“Sabihin mo na lang, manyak. Huwag mo na kaming pag-antayin,” saad ni Ripoc habang napapakamot ng kaniyang ulo.
“Ano kayo, chicks? Kailangan may kapalit. Kahit load lang, Al,” paninindigan naman ni Nehamas.
“Oh sige bibigyan kita. Pati ikaw na rin, Ripoc.” Para silang nanalo sa lotto dahil sa sinabi ko.
“Ayos! Mapapanuod ko na namang muli ang scandal ni Goku at Bulma.” Napailing na lang kami ni Ripoc sa sinabi niya. May gan'on ba, Diablox? 'Di ba si Vegeta ang asawa ni Bulma? Ma-search ko nga kung totoo ang sinasabi ni Nehamas.
“So, ano na? Ano na ang pangalan n' on nang mapabugbog na natin o 'di kaya' y maipabarang?” atat na atat kong tanong sabay ayos ng aking kwelyo.
“Maru Miho Leevagnos, iyon ang pangalan niya,” sagot ni Nehamas. Nagkatinginan kami ni Ripoc at pagkatapos ay tumawa nang sobrang lakas.
“Gago! Pangalan pa lang nangangailangan nang paliguan,” birong sabi ni Ripoc na hindi matapos kakatawa.
“Paliguan? Gusto mo akong paliguan, Alron?” Nagulat kaming tatlo sa biglang pakikisali ni Heysel, ang babaeng pinandidirihan ko. Nagsisisi talaga ako na nagandahan ako sa kaniya.
“Maligo ka mag-isa!” bulyaw ko rito.
“Maldito ka talaga. Sayang, crush pa naman kita!” wika pa nito. Para siyang hindi honor sa mga sinasabi niya. Nakita ko naman na bahagyang natahimik si Ripoc. May gusto kasi siya kay Heysel.
Nagsibalikan na kami sa aming p'westo nang pumasok na si Mrs. Dela Rama. Good mood siya ngayon kaya hindi ako tinamad sa lesson niya. Kaya lang, nainis na naman ako sa kaniya dahil inutusan ako nito na pumunta sa may Principal's office. May ipinapabigay siya sa principal, may pagka-sipsip 'ata si Mrs. Dela Rama.
Kumatok muna ako nang tatlong beses bago ko buksan ang pintuan. Hindi mahagilap ng aking mga mata ang principal.
“Excuse me, Sir. Sir? Sir?” magalang kong tawag pero wala pa ring sumasagot.
Naglakad pa ako papasok hanggang sa natapat ako sa may C. R. Naalala ko tuloy ang ginawa niya sa isa sa mga C. R. sa campus.
“Ugh, malapit na!” Habol hininga nitong usal na tila ba'y umuungol ito. Don't tell me sa tanda niyang iyan ay nalilibugan pa rin siya.
Mas lumapit pa ako sa may pintuan hanggang sa napahawak na ako sa busol ng pinto.
“Ito na,” muli nitong sabi. May nag-udyok sa akin na buksan ang pinto at silipin si Mr. Principal. Napaatras naman ako dahil sa naguguluhan ako sa ginagawa niya. Mabilis na kinakabayo ng kaba ang aking dibdib. Hindi ito 'yong kinakabayo na katulad ng iniisip mo, Diablox.
Bakit gan'on. Ang tanda na niya pero nagjaja—. Diablox, hulaan mo kung ano? Tama! Nagja-jackstone siya sa loob ng C. R. Bakit may ungol? Iba talaga basta matanda na.
P'wede pala iyon? P' wede naman sa labas, bakit sa C. R. pa? Pero to be honest, ang linis ng C. R. niya.
“Oh, ikaw pala. Sasali ka ba sa laro?” tanong nito sa akin. Hindi man lang siya nahiya.
“Hindi ho. May ipinapabigay lang po si Mrs. Dela Rama at pagkatapos po nito ay babalik na ako sa room dahil may klase pa kami,” tugon ko saka ipinakita sa kaniya ang supot na hindi ko alam kung ano ang laman.
“Oh sige, bago ka pa man umalis, tingnan mo muna nang mabuti ang C. R. ko, ” pagmamalaki nito.
Pumasok naman ako at kay kikintab ng sahig, ng bowl, etcetera.
“Malinis 'di ba? Hindi ko pa kasi ito nagagamit. Ayaw ko kasing madumihan,” saad pa nito at inakbayan ako. Sabay na kaming lumabas at saktong pagpasok pa lang naman ni Mrs. Dela Rama.
Hindi mawari ang pagkagulat sa kaniyang mukha. Iba' ata ang iniisip niya. The hell she is! Napahawak ito sa kaniyang dibdib at akmang babagsak kaya lang pareho kaming napasigaw ng principal.
“Huwag! Baka mabasag ang tiles!”
Awtomatikong umayos ang tindig nito at pinagmasdan kami.
“Ipinakita ko lamang sa kaniya ang napakalinis kong C. R. Huwag kang mag-alala, ikaw lang ang dadalhin ko sa C. R. na iyan para—” Agad akong tumakbo papunta sa may pintuan. Ayaw ko nang may marinig pang kung ano-ano.
“Para maglinis,” paglilinaw ni Mrs. Dela Rama at tuluyan ko nang nilisan ang Principal's office.
Hindi naman siguro baliko si Sir. Kung hindi man, hindi rin sila p'wedeng magkaroon ng relasyon ni Mrs. Dela Rama. May asawa na iyon. Baka siguro nami-misinterpret ko lang ang lahat.
He, who finally got the monster's name,
Alron
BINABASA MO ANG
Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED)
HumorStudying is one of the important pillars in succeeding but for Alron, it's a waste a time. He's not into taking down notes but updates his Diary most of the time. Diablox, that's what he calls his diary. The diary that know his idiosyncrasies and ma...