September 26, 2019
Hoy Diablox,Hindi ko alam kung paano sisimulan. Hindi ko alam kung paano ko isusulat dito ang nangyari ngayong araw.
My hand want to tell you but my tears are stopping me. Just how fast the night changes, just how fast the color fades, and just how fast I got her “yes!”.
Everything went fast, even the race of hearts, it finally reached the finish line.
After the unending doubts and questions, nalinawan na ako.
It ended.
“Mr. Filipos, you're finally back! We heard what happened to you,” saad ni Mrs. Dela Rama nang makapasok siya sa room. “You're excused for three days yet you're not exempted. Naibigay ko na rin ang project niyo, you can ask your classmates,” dagdag pa niya. Pagpapasok ko pa lamang kahapon pero bumungad na agad sa akin ang bagong project namin.
“You can reach me out, Alron,” biglaang saad naman ni Heysel kaya halos magtilian ang mga kaklase ko. Yuck!
“And why would I? I'd rather ask Ripoc or Nehamas,” maldito kong saad at halos humiga na sa upuan kung umupo.
“Hindi na ba masakit ang sugat mo?” tanong naman ng katabi ko.
“Hindi na. Nakapagpahinga naman na ako,” saad ko. “Kung may masakit man sa akin ngayon, iyon ay ang ulo ko. Ang aga-aga kasi nakikisagap ka agad ng balita.”
“Ulo saan?”
“Kung ihampas ko kaya 'yang ulo mo sa desk? Huwag mo muna akong kausapin, magulo pa ang utak ko.” Sobrang gulo. Dumagdag pa 'yong anak ng tupang mother na project.
Pagka-recess ay agad kong tinanong sina Ripoc kung ano ang project namin. Tanong lang, wala pa akong balak gawin. Nakakatamad kaya.
Pumunta kami sa room nina Jeremae kaya lang hindi raw ito pumasok. Sinubukan ko siyang tawagan nang makabalik kami sa room pero hindi ito sumasagot. Ni-text ko rin ito pero walang reply.
“Team MasAlPoc!” sabay-sabay kaming napalingon nina Nehamas sa lalaking nagsalita sa likuran namin. “Oh, good to see you. Mabuti at ayos ka na,” dagdag pa nito.
“Thanks, Sir Julian,” saad ko na lamang.
“Since andito na rin naman na kayo, gusto kong kompirmahin kung balak niyo bang ituloy ang request ng mga estudyante at staff ng campus. Kung itutuloy niyo man, maghanda na kayo dahil inaasahang gagawin niyo ito sa October 1.”
Nagkatitigan kami nina Ripoc. Pare-pareho ang sinasabi ng mga mata namin.
“Yes, Sir. Itutuloy namin,” sagot ni Ripoc.
“Nice! Sana nakakaiyak naman ang kantang piliin niyo.”
After lunch, pumunta na naman ako sa room nina Jeremae dahil baka pumasok na ito pero wala, hindi pa rin ito pumasok. Muli ko siyang tinawagan at ni-text pero ni isang tugon ay wala akong natanggap.
Nasa sakayan na kami at hindi na muna sumakay sina Ripoc dahil baka raw may mangyari na namang masama sa akin. Tumunog ang cellphone ko, may nag-text. Si Jeremae.
“Sorry ngayon lang ako nakapag-reply. Nilalagnat kasi ako.”
Nakaisip agad ako ng idea. Nag-aalala kasi ako kay Jeremae.
“Ano payag kayo? Libre ko naman ang pasahe papunta r'on eh,” saad ko.
“Sige total hindi pa naman madilim,” saad ni Ripoc.
BINABASA MO ANG
Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED)
HumorStudying is one of the important pillars in succeeding but for Alron, it's a waste a time. He's not into taking down notes but updates his Diary most of the time. Diablox, that's what he calls his diary. The diary that know his idiosyncrasies and ma...