August 7, 2019
Hoy Diablox,N'ong isang araw ay nag-friend request ako kay Jeremae. Kinikilig talaga betlogs ko. Nakapag-sorry na rin ako sa kaniya at maayos niyang tinanggap. Hindi naman kami nagkita kahapon, parehong busy at nauna pa siyang lumabas.
Lunch break namin kanina nang mapagdesisyunan namin nina Ripoc na sa cafeteria na lang kumain. Pagkatapos naming kumain, lumabas kami ng campus para magpahangin saglit.
Dinala kami ng mga paa namin sa isang parke malapit sa campus. Akala namin walang tao kaya nag-aya si Nehamas na manood kami ng porn. Nang makarating kami roon, laking gulat namin nang makita si Jeremae na may kausap na lalaki. Hindi ako sure kung tao o hayop.
Napansin kong umiiyak si Jeremae kaya lumapit agad ako rito. Nakaupo siya samantalang nakasandal sa puno ang lalaki. Hindi mo siya makikita kung hindi siya naka-uniporme. Magkasing kulay lang kasi sila ng sunog na puno.
“Bakit ka umiiyak?”nag-aalalang tanong ko sabay hawak sa balikat niya. Inayos ko naman muna ang strap ng bra niya dahil naka-swirl ito.
“So, ito ba ang bago mo?” saad ng lalaki at napatakip agad ako sa baho ng hininga nito.
Nagtakbuhan naman sina Nehamas palapit sa akin at halos mahubaran ako sa ginagawa nila.
“Kapre!”
“Unggoy na engkanto!”
“Ano ba kayo hayop 'yan!” pagtatama ko sa kanila.
“Aba'y gago ka pala.” Hindi ko napaalalahanin sina Nehamas na magtakip ng ilong kaya nang magsalita ng kapre na mukhang unggoy, nahimatay sila. Mas mabilis pa sa label.
Kinuha ko ang panyo ko at ginawa ko itong pantakip sa ilong ko. Itinali ko ito sa likod ng ulo ko para hindi na matanggal.
“Sino ka ba?” matapang kong tanong.
“Ako lang naman ang ex-boyfriend ni Jeremae.” Nanlaki ang mga mata ko sa aking nalaman.
“Pinatulan ka niya?” tanong ko dahil hindi ako makapaniwala. Bigla namang napabangon sina Nehamas at inulit ang tanong ko sa kaniya.
“Sinasabi niyo bang pangit ako?” Akala niya siguro hindi.
“Oo. 'Di ba?” Hindi na naulit pa ang sinabi ko dahil nahimatay na naman sina Nehamas.
“Jeremae let's go. Huwag mong iyakan ang lupang dapat tinatapakan lang,” wika ko at hinawakan ang kamay ni Jeremae. Hinawakan naman ng kapre ang kamay ko at nang tanggalin ko ang kamay niya mula sa pagkakakapit sa akin, may marka na ng libag ang kamay ko.
Tinulak ko ito palayo sa amin at bigla itong sumugod at sinuntok ako. Hindi ako napuruhan sa suntok niya kaya naman nakaganti agad ako. Pero sa halip na siya ang masaktan, kamay ko ang nagdugo at ako ang namilipit sa sakit. Natusok kasi ako sa magaspang at may mga mala-tinik na tigyawat niyang mukha.
Nagising na sina Ripoc at muli ko na namang hinawakan si Jeremae para higitin siya. Habang mabilis naming nilalakad ang daan pabalik, tinanong ko siya kung bakit ito umiiyak. Ipinakita niya sa akin ang palad niyang dumudugo at ayon sa kaniya, sinampal niya kasi ang kapreng iyon. Kaya pala may mga blackheads na nakadikit sa palad niya.
Naghiwa-hiwalay na kami ng landas. Si Jeremae ay pumunta na sa kanilang classroom samantalang kami nina Ripoc ay bumalik na sa homeroom.
Hindi pa nagsisimula ang klase namin pero umupo na kami sa kaniya-kaniyang p'westo. I plugged my earphones in and naghintay ang pagdating ng teacher namin.
Naging bakante kami from 3:00 p.m. onwards dahil may special meeting ang mga TLE teachers. Nasa homeroom lang kami. I looked around and may kaniya-kaniya na namang mundo ang mga kaklase ko. Kung ano-ano ang pinagkakaabalahan nila except for our possible top 1, nagbabasa lang naman siya ng libro. Pahingi naman ng sipag mo.
Nag-online na lang ako sa facebook at saktong online din si Jeremae.
“Jeremae, p'wede ba tayong magkita?” I chatted.
She replied instantly, “o0 nAm4Ñ😀😀.”
Agad akong lumabas at pagkasilip ko pa lang sa may pintuan namin ay nakita ko siyang naglalakad papunta sa room namin. Mukhang nilinisan na rin ang palad niya dahil wala na itong mga dugo at nakabenda na ito.
“Doon tayo sa likod ng stage,” anyaya ko at tumango ito.
“Salamat nga pala sa kanina ah,” may bahid ng hiyang sabi ni Jeremae. Andito na kami sa likod ng stage.
“Ayos lang naman iyon. Sino ba ang lalaking iyon?” pagtatanong ko kahit pa sinabi na si akin kanina ng engkanto kung ano siya sa buhay ni Jeremae.
“Kakasabi niya lang na ex 'di ba? Paulit-ulit? Boomerang?” sarkastikong tugon ni Jeremae. Parang gusto kong busalan ang kapasmahan ng bibig niya.
“Bakit ka pa niya kinukulit? May gusto ka pa rin ba sa kaniya?” Sunod-sunod kong tanong.
“Gusto niyang makipagbalikan sa akin pero ayaw ko na. At sa pangalawa mong tanong, wala na akong gusto sa kaniya.”
Ibinaling ko na lang muna ang tingin ko sa malayo. Parang nasasaktan ako. Kakaiba talaga ang nararamdaman ko kay Jeremae. Taglay niya ang ibang katangian na pinandidirihan ko. Ang pagkakaroon ng putok, 'yong kuto at kabaduyan niya. Pero gaya ng sinusulat ko rito, hindi ako natu-turn off sa kaniya. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa kaniya.
“Alron, may ibibigay nga pala ako sa 'yo.” Napatingin agad ako sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi.
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at diretsahang ipinatong sa kanan niyang dibdib. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa gulat habang siya naman ay nasisiyahan. Idiniin niya ang palad ko saka ginalaw-galaw ito. Gusto kong tanggalin ang kamay ko ngunit hindi ko magawa dahil nasasarapan ako. Joke! Hindi ko matanggal dahil hinahawakan niya ito. Mayamaya pa'y siya rin mismo ang nagtanggal ng kamay ko. Mula sa ilalim ng kaniyang blouse, ipinasok niya ang kaniyang kamay patungo sa kanan niyang dibdib. Nang ilabas niya ang kamay niya ang kamay niya, may hawak na itong siopao. Oo, Diablox, siopao pala 'yong nalamas ko este nahawakan.
“Sana masarapan ka,” nakangiti nitong sabi. Naiilang kong tinanggap ang siopao at nginitian siya.
“Jeremae, 'di ba bobita ka?” paglihis ko ng topic. Nagtagpo naman ang kilay niya dahil sa sinabi ko. “I mean mahina ka sa klase.”
“Oo, bakit?”
“Wala lang. Ako kasi tamad akong mag-aral,” pagpapalusot ko. “Pakiramdam ko, we're destined for each other,” bulong ko pa. Ano kaya ang kahihinatnan namin ni Jeremae kung sakaling maging kami? Bobita siya tapos ako tamad mag-aral.
“Tamad ka pa lang mag-aral? Sayang, magpapaturo sana ako sa 'yo sa Math.” Nabuhayan ako sa sinabi niya. Pero, paano na ito? Tamad akong mag-aral tapos magpapaturo pa siya. Diablox, what to do?
“Pag-isipan ko muna,” saad ko na lamang.
Hanggang dito na muna, Diablox. Manonood pa ako ng anime. Isa pa, masyadong marami na ang iyong nalalaman. Punitin kaya kita? Huwag na nga lang, nakakatamad. By the way, may quiz kami bukas. Katamad magbasa ng notes.
Nakalamas ng siopao,
Alron
BINABASA MO ANG
Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED)
HumorStudying is one of the important pillars in succeeding but for Alron, it's a waste a time. He's not into taking down notes but updates his Diary most of the time. Diablox, that's what he calls his diary. The diary that know his idiosyncrasies and ma...