KATAMARANTADUHAN 12

60 19 4
                                    

July 13, 2019
Hoy Diablox,

What happened a while ago is a disaster. Nagpa-surprise quiz ba naman ang teacher namin sa MAPEH. Ito pa ah, ang daming taong nabanggit sa aralin namin lalong-lalo na sa Music tapos iyon pa ang nagsilabasan sa mga tanong.

Lahat kami, pati ang naturingang top 1 namin ay halos magwala kakareklamo dahil sa surprise quiz pero wala, estudyante lang siya. Kahit pa kaming lahat ang magreklamo, si Ma'am pa rin ang masusunod at iyon nga ang nangyari.

Babasahin na ni Ma'am ang question number 1 pero wala pa kaming papel ng katabi ko, gan'on na rin ang nasa harapan at likuran namin. Pinahinto ko muna si Ma'am saka naglibot ako. Hindi ko kasi dinala ang papel ko kasi nakakatamad magdala n'on, dagdag bigat lamang sa aking bag.

“Leanne, pahingi naman ng papel,” maamo kong pagkakahingi pero wala akong natanggap. Naubos na raw ang papel niya.

“Ripoc pahingi naman ako ng papel. Sila rin d'on wala pang papel,” wika ko naman kay Ripoc.

“Pasensiya ka na Al, nakita ko lang ang papel na 'to na nakaipit sa may notebook ko.”

Ikot ulit ako.

“Nehamas bigyan mo nga ako ng papel. Bahala ka hindi ka makakapag-asawa kung hindi mo ako bigyan,” pagbabanta ko. Nanlaki naman ang mga mata ni Nehamas sa sinabi ko.

“Ano ka ba naman. Gusto kong mag-asawa at araw-arawin siya pero pasensiya ka na pare, wala talaga akong papel. Nanghingi lang ako at ako ang huling nakahingi kay Leanne ng papel kanina.”

“Venus! Nakita ko may papel ka. Huwag mo nang itago,” saad ko at tila nagulat ito.

“Ha? Wala 'no!" pagsisinungaling nito. Nakita ko talaga siyang may itinagong papel.

“Sige, kung 'di mo ako bibigyan, mamamatay kang virgin!" pananakot ko.

“Hoy Alron walang ganiyanan. Gusto kong makatikim ng rumaragasang patola at mawarak ng bonggang-bongga. Ilang papel ba ang gusto mo?”

Kaya ayon Diablox, nakahingi ako ng papel kay Venus. Pagbalik ko sa aking p'westo nakita kong may papel na ang katabi ko.

“Gago ka! Nilibot ko ang buong room para maghanap ng papel natin tapos ngayon, mayroon ka na pala. Huwag kang kokopya sa akin!”

“Al, akala ko kasi wala kang mahahanap. Ginawan naman kita ah.”

“Ginawan?”

“Ito oh,” inabot niya ang isang papel sa akin. “Pinunit ko 'yan mula sa wide notebook at inaayos ko ang bawat gilid para magmukha talagang papel na hindi pinunit mula sa isang notebook,” dagdag nitong paliwanag.

“Ano'ng ginamit mo to soften the edges?” tanong ko ulit.

“Laway.”

Hindi ko na tinanggap pa ang papel at pinunit ito gan'on na rin ang papel niya. Binigyan ko nalang siya ng papel na mas malinis at walang bahid ng kung ano. Ang papel na binigay ni Venus.

“Okay number 4.” Napanganga akong nakatingin kay Ma'am. Gago, kakahanap ko pa lang ng papel tapos number 4 na pala?

Nagpatuloy rin pala agad si Ma'am kahit hindi pa ako nakakabalik sa may upuan ko. Ito pa ang nakakainis Diablox, pagtingin ko sa pinunit kong papel ng kaklase ko, wala itong sagot. Hinihintay niya raw kasi ako at hindi niya raw alam ang sagot sa mga tanong.

Kaya ayon Diablox, kahit tinatamad akong mangopya, wala akong nagawa kung hindi ang mangopya na lamang para sa mga naunang numero. Katapos n'on, hindi na ako nangopya. Ginamitan ko na lamang ng magic ballpen at kung ano'ng sagot ang pumasok sa isipan ko, iyon ang isasagot ko.

Sa awa ng Diyos, hindi 14/20 ang score ko dahil 13 lang ang tama. Hindi na masama.

Natanga dahil sa surprise quiz,
Alron

Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon