June 5, 2019
Hoy Diablox,Kaninang umaga ay ginanap ang Class Officers Election. Kakasimula pa lang ng klase pero may eleksyon na.
Alam mo ba Diablox, kabilang ako sa mga naging nominado para sa posisyong Pangulo. Ayaw ko ng gan'on, ibang posisyon ang gusto ko. Hindi sa paaralan ha. Basta alam mo na 'yon kung ano ang tinutukoy ko.
Dahil nga sa kabilang ako sa mga nominado, ang kami ay inanyayahang tumayo para magpakilala na naman. Nagbingi-bingihan ako at hindi tumayo. Hindi sa nahihiya ako, tinatamad lang talaga ako. Pinipilit nila akong patayuin pero hindi ako nagpatinag hanggang sa mapagdesisyunan nilang tanggalin na lamang ako sa listahan ng mga pagbobotohan.
Dumako na kami sa magiging kalihim. Si Ann ang naging Pangulo at si Janina naman ang sa kasunod nitong posisyon. Walang nagno-nominate sa posisyong iyon kaya ako na lang ang nagpasimula sa nominasyon. Batid kong mapapagod lamang ako kung itataas ko pa ang aking kamay kaya naman ang paa ko ang itinaas ko. Hindi ko naman namalayang tumilapon ang footrag ko sa ere at paglingon ko ay sa ulo pala ni Sir Julian ito tumama. Agad akong tumayo para kunin ang footrag kaya lang nang hugutin ko ito, hindi lang ito ang natanggal, pati ang wig ni Sir. Nasaksihan tuloy ng buong klase ang ulo niyang mas maliwanag pa sa kinabukasan naming lahat.
Humingi ako ng tawad kay Sir at mabilis na naipatong sa kaniya ang footrag sa pag-aakalang wig iyon. Nagkapalit pala sila sa aking kamay. Nagmukha siyang advertiser ng Mr. Clean na may part-time job as chef.
Nanlisik ang mga mata ni Sir at itinuro sa akin ang pintuan. Walang pagdadalawang-isip akong nagtungo roon para isara at bumalik. Mas lalo lang nag-init ang kalbong ulo ni Sir at sinigawan ako para lumabas.
Alam ko naman talagang pinapalabas niya ako. Sinara ko lang iyon para mas magalit pa siya sa akin. Ang ulo niya ang nagsilbing halimbawa ng bula na pumutok dahil sa galit.
The President they never had,
Alron
BINABASA MO ANG
Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED)
HumorStudying is one of the important pillars in succeeding but for Alron, it's a waste a time. He's not into taking down notes but updates his Diary most of the time. Diablox, that's what he calls his diary. The diary that know his idiosyncrasies and ma...