July 16, 2019
Hoy Diablox,Ito 'ata ang isa sa paborito kong araw kung hindi lang ako napagbintangan. Kanina kasi, hindi pumasok si Mrs. Dela Rama dahil daw may sakit ito. Dahil d'on, nanatili lang kami sa homeroom at kahit bawal ang pag-iingay, halos mag-concert na ang iba kong mga kaklase. Kinakanta nila ang mga kanta ng My Chemical Romance. Gusto kong makisali kaya lang tinatamad ako.
May ilang kumpulan naman ng mga babae na kahit ang aga, ang dra-drama. Nasa gilid sila habang hinihimas ng isa kong kaklase ang likod ng isa ko pang kaklase na umiiyak. Ang isa naman ay nakatayo at sinusuklayan at inaayos ang buhok ng umiiyak. Sa baba naman nito ay naroon ang isa ko pang kaklase na nagmumukhang love guru at may kung anong sinasabi.
Nang mapadaan ako malapit sa p'westo ni Nehamas, nakita kong nanonood siya ng porn. Ibang klase talaga 'tong si Nehamas.
Papunta na ako sa aking p'westo nang may maapakan ako. Ballpen, isang G-Tech pen. Kahit tinatamad akong magsalita, kailangan kong magtanong kung kanino iyon. Diablox, G-Tech iyon 'no.
“MGA HATDOG NA HINDI PA NAIIHAW, KANINONG BALLPEN 'TO?!” sigaw ko. Wala lang lumingon sa akin at hindi lang ako pinansin. Hindi naman masakit, medyo lang.
Bumalik na lang ako sa aking p'westo habang hawak ang ballpen. Mayamaya pa ay nagpunta sa harapan ang OA kong kaklase at umiiyak pa ito kaya naman umagaw agad ito ng atensyon.
“Guys, nakita niyo ba 'yong ballpen ko?” tanong nito habang umiiyak. Hindi na ako nag-alangan pa at tumayo saka lumapit sa kaniya.
“I think this is yours,” saad ko sabay abot ng ballpen. Sa halip na pasasalamat, iba ang natanggap ko.
Agad ako nitong sinampal matapos makuha ang ballpen saka sinipa ang tweety bird ko. Pakiramdam ko ay napisa na ang mga itlog kong matagal ko nang pinapainitan para mamisa.
“Magnanakaw!” pambibintang pa nito sa akin.
Naghiyawan pa ang iba kong kaklase dahil sa ginawa ng OA na octopus na iyon. Dinamdam ko muna ang namimilipit na sakit at nang pakiramdam kong handa na ako para maghiganti, lumapit ako sa may chalkboard at kumuha ng eraser.
Mahina pa rin itong naglalakad pabalik sa kaniyang upuan kaya naman agad kong ibinato sa kaniya ang eraser. Nasapol ko ito sa kaniyang ulo at bigla itong natumba. Dahil sa kaniyang pagkakatumba, naging sanhi ito para malipad ang saya niya at makita namin ang panty niya na may butas pala sa likod. Napatingin ito sa akin kaya naman dinilaan ko lang siya saka kinindatan.
N'ong hapon na, ipinadala na naman ako sa Guidance Office dahil nagpunta sa campus ang ina ng octopus na iyon at inireklamo ako.
Revengeful student,
Alron
BINABASA MO ANG
Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED)
HumorStudying is one of the important pillars in succeeding but for Alron, it's a waste a time. He's not into taking down notes but updates his Diary most of the time. Diablox, that's what he calls his diary. The diary that know his idiosyncrasies and ma...