KATAMARANTADUHAN 30

27 18 0
                                    

September 5, 2019
Hoy Diablox,

Sorry kung ngayon lang ako naksaulat uli. Well, kung walang sinabi sa akin si Mrs. Dela Rama baka wala akong maisusulat ngayon. Pero bago ko isulat iyon dito, gusto kong malaman mo ang tila naging cycle ng buhay ko these passed few days.

Dahil nga naging mag-on kami kaagad ni Jeremae, gusto kong patunayan sa kaniya na hindi naman mauuwi sa wala ang mabilisang label sa aming dalawa.

Tuwing gabi, after ng practice namin, palagi kaming nagkaka-text at kung minsan ay inaabutan kami ng ilang oras sa pag-uusap sa cellphone. Binibigyan ko rin siya ng chocolates at sabay-sabay kami nina Nehamas kung mag-recess. Bilang ako ang nagmumukhang bangko sa samahan, palagi ko silang nililibre. It's not a problem for me. Last school years ay wala naman akong magastos dahil hindi ko sila ka-close. Hindi ko classmates sina Nehamas at Ripoc n'on pero we already knew each other.

After class naman, palagi kaming diretso sa music room para mag-practice. I've been receiving congratulations from some of my teachers dahil nga ako ang top 1. May nagsasabing they knew that I have potentials kaya lang tamad ako. May mga kaklase rin ako na nagtataka kung paano raw ako ang naging top 1. Ano raw ba ang cheating tips na maibibigay ko? It pisses me off pero pinabayaan ko na lang. Tinamad akong patulan sila.

Diablox, sabihin ko na lang sa 'yo ang napag-usapan namin ni Mrs. Dela Rama.

“Mr. Filipos,” tawag sa akin ni Mrs. Dela Rama nang makasalubong namin sila. Kasama niya si Heysel at si Houston. Nasa likuran ko naman si Ripoc at Nehamas samantalang nakapunta na sa kaniyang room si Jeremae.

“Why?” tipid kong tanong dito.

“Ikaw lang ang gusto kong makausap,” wika nito pero hindi nakatingin sa akin. Salitan niyang tinitigan sina Ripoc.

“Alis na kami. Kahiya sa tatlong musketeers,” saad ni Nehamas saka tinapik ako. Nagtungo naman sina Ripoc sa classroom samantalang ako naman ay pinasama ni Mrs. Dela Rama sa Principal's Office.

Pagkarating namin ay naroon ang principal namin na nagja-jackstone sa mesa niya.

Hindi lang namin siya pinansin at umupo kami sa mahabang upuan na siyang bubungad kapag buksan ang pinto ng office.

“Gusto ko lang namang sabihin sa 'yo na ikaw, kasama sina Heysel ang napili kong mga estudyante para sa gaganaping MTAP sa ikatlong linggo ng buwan,” wika nito. Wari'y naihian siya ng kabutihan dahil bumait ito. Para siyang killer clown na mabait sa piling tao, lalo na sa guwapong tulad ko.

“Bakit naman ako?” tanong ko. Hindi lang ako sanay. Hindi kasi ako napapasali sa MTAP simula n'ong Grade 7 ako.

“To prove that you're not a che—”

“Shut up, Houston!” pagsaway ni Heysel kaya hindi natapos ni Houston ang nais niyang sabihin. He's thinking I'm a cheater, slight lang naman.

“Because you're good in Math. Naalala ko kasi n'ong tinawag kita para sagutan ang nasa board at nasagutan mo iyon kahit pa hindi ka nakikinig,” pagsisimula niya. “I was also moved with your confidence kapag tinatanong kita. You're very sure with your answer,” dagdag pa niya.

“Pero ang mas nakatulong sa kaniya para piliin ka ay ang naging resulta ng rankings,” pagsabat naman ni Heysel na napapangiti pa sa akin.

“Kung gan'on, bakit sa office pa natin 'to pinag-uusapan? This isn't a confidential thing,” saad ko at isinilid ang kamay sa bulsa ng slacks.

“Dahil ayaw kong mainitan. Mabuti rito at naka-aircon,” casual na sagot naman ni Mrs. Dela Rama.

“Sa kapal po kasi ng make up mo, paano ka hindi maiinitan?” tanong naman ni Heysel kaya napalingon si Mrs. Dela Rama sa kaniya at binatukan ito.

“Are we all good? Aalis na ako,” saad ko at tumayo. Naiinis ako sa mga mukhang nasa harapan ko.

Tumayo naman si Mrs. Dela Rama saka tumayo, “We need your answer. Papayag ka ba?”

“I have no choice kaya oo, pumapayag ako,” saad ko at binuksan ang pinto para lumabas.

Pagkatapos ng afternoon classes ay inihatid ko muna si Jeremae sa may sakayan at pagkatapos ay nagtungo sa music room para mag-practice.

“Hindi mo pa sinasabi sa amin ang napag-usapan niyo ni Mrs. Dela Rama,” saad ni Nehamas habang pinapaikot-ikot ang drumstick. Tiningnan ko si Sir Julian at napangiti siya, siguro ay alam niya. May improvement din kay Sir, realistic ang wig niya ngayon.

“MTAP. Isa ako sa mgaiging contestant,” wika ko inilapag ang bag.

“Goodluck! Alam kong kaya mo 'yan, matalino ka pa naman sa Math,” saad ni Ripoc na mukhang tinotono ang gitara.

“Medyo lang naman,” mapagpakumbaba kong saad saka lumapit sa kanila.

Nagsimula rin kami kaagad sa pag-practice. Hindi ko na muna sasabihin sa' yo Diablox ang kantang napili namin para naman mapaisip ka kahit wala kang isip.

I unexpectedly learned something. Dahil sa pagsagot sa akin ni Jeremae ng napakabilis, napagtanto kong it's not about how long the coutrship takes. Ang mahalaga ay matutunan mo na ang panliligaw ay hindi lamang natatapos sa sagot na “oo”. Kailangan mong iparamdam na kahit kayo na ay parang nililigawan mo pa rin siya.

Kaya ako, kahit pagod ako kaka-practice, I make time para makausap si Jeremae kahit sa tawag man lang. Hindi na kasi ako p'wede pang pumunta sa kanila dahil gabi na kung makauwi ako at hindi na ako pinapayagan nina Tito na lumabas tuwing gabi simula n'ong basang-basa ako. However, I will never get tired on showing how much I love her. Kung ang pagtawag sa kaniya ang least thing na magagawa ko sa tuwing free ako, gagawin ko.

May isa pa akong napagtanto. Iyon ay kahit may mga natutuwa sa iyong narating, may iisa o higit pang pagdududahan ka. Kung may nasisiyahan sa iyo, asahang may mga galit din. Life favors no one. The doubts in some over my rank are just the shadows of my change. If it wasn't for Jeremae, I wouldn't do anything to impress her.

I trully understand na may mga nagdududa,  Diablox. Hindi ako napapasama sa honors list simula n'ong Grade 7 ako. Tamad ako mag-aral, that's what they know at totoo naman. Pero kahit tamad ako, nagco-comply at gumagawa pa rin naman ako ng paraan para makasagot. Tamad ako pero ayaw kong bumagsak. Sa takot kong bumagsak, hindi ko namamalayan na ginagalingan ko na pala.

Tamad akong mag-aral pero hindi iyon ang nagpapahina sa akin bilang estudyante. Tamad ako pero hindi ako mahina sa klase.

Legit na Math Wizard,
Alron

Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon