KATAMARANTADUHAN 36

28 14 1
                                    

September 23, 2019
Hoy Diablox,

Pagkatapos ng nakakaiyak naming usapan ni Mama, naabutan ko sina tita na nasa sala at halatang inaabangan ang paglabas ko.

“Nakapag-usap na ba kayo ng mama mo?” tanong ni tita na napatayo pa.

Hindi ako sumagot at naglakad na muna papunta sa labas. Narinig ko rin ang pagsigaw ni tito.

“Alron, saan ka pupunta?!”

Wala naman akong planong maglakad-lakad sa malayo dahil nakakahiya. Kagigising ko lang. Feeling ko nga mabaho pa ang hininga ko eh.

Umupo na lamang ako sa bench na katapat lang ng mga halaman. Pinagmamasdan ko ang mga bulaklak nito na nahamugan pa.

“David, ano'ng nangyari?” Napalingat ako sa kanan ko at nakita ko si Tito Davis. Umupo siya sa tabi ko kaya naman napausog ako.

“We just had a conversation, that's it.”

“Nasabi na ba niya sa 'yo?” Sa rami ng sinabi ni mama, hindi ko alam kung alin doon ang tinutukoy ni tito.

“Ang alin? Ang gusto niya akong isama sa pag-alis niya o ang paghingi niya ng tawad?”

“Pareho pero 'yong sa nauna, ano ang desisyon mo?” tanong nito.

“Kung kayo po ang tatanungin ko. Kung sakaling papayag akong sumama kay mama, papayag ba kayo ni tita?”

“The decision lies in you. Kahit ano'ng desisyon mo, desisyon na rin namin ni Coreen. Pero alam mo, sakaling piliin mo mang sumama, pareho kaming malulumbay.” Malungkot ang tono ng kaniyang pagkakasabi. “We're claiming you as our own child. I don't see you as a nephew but rather a little junior of mine. Ikaw ang dahilan kung bakit mas nagtatagal kami ni Coreen at ang naging tulay para maranasan namin ang pakiramdam ng may anak. Ayaw kong sumama ka, ayaw namin. Pero kahit ano mang pagtutol, nasa sa iyo ang desisyon. Kung gusto mong sumama, sumama ka. Masakit pero tatanggapin namin.” Awtomatikong gumalaw ang katawan ko at napayakap sa kaniya.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya nang may magsalita, “Alron.”

Si mama pala at kasama niya ngayon si Tita Coreen. Mukhang aalis na siya.

“I have to go. Kahit hindi mo pa man ako napapatawad, sana magbago ang desisyon mo at piliin mong sumama.” Nagsimula na siyang maglakad palabas ng gate ngunit huminto ito nang tumayo ako at nagsalita.

“Mag-ingat ka.”

“I will.” She almost stepped into the outside grounds when she spoke again, “Congratulations with your achievements. I'm so proud of you.”

It was the first time I received a congratulatory message from her. Though it's short, it hits me. Pansamantalang nawala ang galit ko dahil sa sinabi niya.

Diablox, up until now, iniisip ko pa rin ang possibilities kung sumama ako kay mama. With her actions, I know she's really sorry. Nagbago na siya and her sincerity was so true. I can forgive her but up until now parang ang hirap. I love her, pero parang hindi ko pa kayang magpatawad.

But I'm thinking, siguro kung sumama man ako kay mama ay baka mapatawad ko na nga siya. Kasi siyempre, magkakasama kami at babawi naman daw siya. I look up to rin na makita at makasama ang mga kapatid ko. Though may galit ako kay mama, wala namang kasalanan ang mga kapatid ko. Kahit pa pakiramdam ko ay napakabilis lang para kay mama na ipagpalit si papa and make a new family that doesn't includes me. Bakit kaya nagbago si Mama. What made her change?

Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon