September 18, 2019
Hoy Diablox,You'll only know if you're deeply in love once you're being jealous. Jealousy in a relationship isn't a sign of toxicity, it's a sign of love. Why I am even writing this here? It doesn't matter. Anyway, all the written experiences of mine here is between you and me only, Diablox.
I guess it's too obvious. You're right, Diablox, I'm jealous.
“Jeremae!” tawag ko nang makita siyang papasok pa lamang sa campus. Agad naman akong tumakbo palapit sa kaniya pagkatapos kong makababa sa sasakyan.
“Alron. Mabuti at napaaga ka,” aniya. Katulad n'ong isang araw, wala pa ring sigla. Since n'ong Monday, kapag nagkaka-text at nagkakausap either through calls or personal, napapansin kong parang wala siyang ganang kausapin ako. Mabilis kaming maubusan ng topic at ako naman ay mag-iisip agad pero ang titipid lang ng sagot niya. Kinuha ko naman ang ilan sa mga librong dala niya at ako na ang nagdala nito. Mukhang nag-aaral na rin siya ng mabuti.
“Are you on your red days? Pansin kong parang wala kang ganang makipag-usap sa akin,” biglaan kong tanong sanhi para mapatingin siya sa akin.
“Hindi. Kulang lang ako sa tulog,” saad niya. Mayamaya pa'y narinig ko ang pagtunog ng cellphone niya.
“Sino 'yan?” Not intruding her privacy, I somehow have the right to ask kung sino ang nagte-text sa kaniya.
“Si tito. Nangangamusta lang,” sagot nito at itinago ang cellphone.
“Ganoon ba? Okay,” tugon ko na lang at napatango. “P'wede bang sa room niyo lang muna ako? Hindi pa naman magfa-flag ceremony eh.”
“Huwag na. Mas mabuti kung dumiretso ka na lang sa may office. Sigurado akong hinihintay ka na nina Heysel.” Nalungkot ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay ayaw niya akong kausap.
“Sigurado akong wala pa sila dahil mga late comers 'yon tulad ko. Napaaga lang ako ngayon, siguro dahil iyon sa 'yo. Para makausap ka,” giit ko habang nagpa-puppy eyes para pumayag siya.
“Huwag na.” Nasa harap na kami ng room nila at kinuha na niya ang mga libro. “Doon ka na lang sa room niyo,” dagdag pa niya.
“Sorry,” saad ko at humakbang na paalis. Napahinto naman ako nang magsalita siya.
“Sorry saan?”
“Dahil sa nagawa ko. Kaya mo naman ako ipinagtatabuyan ay dahil may nagawa ako.” Hindi ko talaga alam kung may nagawa man ako o wala. I just claimed it.
“Wala ka namang kasalanan. Ako ang dapat na mag-sorry,” aniya. Muli akong humarap sa kaniya at niyakap siya.
“Don't say sorry. Whether it's your fault or not, kasalanan ko pa rin dahil ako ang boyfriend mo,” bulong ko. “Sa room na lang muna ako gaya ng sabi mo. I love you,” dagdag ko pa. Nang maghiwalay na ang aming katawan ay hinawakan ko ang pisngi niya.
“I-I love you too,” nag-aalangan niyang tugon. Nginitian ko siya at naglakad na ako papunta sa homeroom.
“Brother Alron, kararating mo lang?” tanong sa akin ni Nehamas na kakalapag lang ng kaniyang bag.
“Dito sa room, oo. Pero ang totoo niyan ay nauna pa talaga ako sa 'yo. Naparaan lang ako sa room nina Jeremae dahil hinatid ko siya,” sagot ko at umupo sa tabi niya.
“Boyfriend na boyfriend. Ano, kamusta kayo? Hindi ka na nagkukuwento sa amin dahil abalang-abala ka na sa review mo.” Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa tanong ni Nehamas. Huminga muna ako nang malalim saka nag-isip.
BINABASA MO ANG
Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED)
HumorStudying is one of the important pillars in succeeding but for Alron, it's a waste a time. He's not into taking down notes but updates his Diary most of the time. Diablox, that's what he calls his diary. The diary that know his idiosyncrasies and ma...