KATAMARANTADUHAN 20

42 14 7
                                    

August 8, 2019
Hoy Diablox,

Gaya ng sabi ko sa 'yo kagabi, may quiz kami. Pagkarating ko sa klase ay nakita ko ang ilang kaklase ko na nagbabasa ng notes. Hindi Math notes kung hindi Science. Nagtataka ako gayong Math ang first period namin.

“Bakit Science ang binabasa mo?” tanong ko sa katabi kong first time 'ata mag-study. “At isa pa, sinong anghel ang nagbasbas sa 'yo at ginanahan kang magbasa?”

“Ano ka ba Alron, hindi mo pa ba alam? Hihiramin ng Science teacher natin ang time ni Mrs. Dela Rama,” sagot nito at muling ibinaling ang atensyon sa binabasa.

Hindi nagtagal, biglang pumasok ang teacher namin sa Science at may hawak itong test papers.

Bagamat kararating niya lang, agad niyang ipinamigay ang test papers habang nagsasalita, “I don't want to waste my time that's why we'll start. I will let you answer on these test papers para hindi na abala ang pagkuha ng papel. This isn't the post test yet but rather a review. An advance and recorded review.”

Bahagya akong kinabahan sa sinabi ng teacher namin lalo na 'yong “recorded” na word. Alam ko lang may quiz kami sa Math pero mukhang nag-iba ang ihip ng hangin. Hindi rin ako nakabisita sa groupchat bago pumunta roon sa campus dahil akala ko late na ako. Kahit hindi nakapag-study, wala akong pagpipilian kung hindi ang sagutin iyon.

Nagsimula na sa pagsagot ang mga kaklase ko samantalang ako ay nakatitig sa krus sa harap ko at nakikiusap na makasagot nawa ako. Tiningnan ko ang questions at may iilan na alam ko ang sagot pero ang iba ay hindi. Siguro natutulog ako nito or busy sa pakikipag-usap sa katabi.

Himalang natapos ko ang test nang sakto sa oras kahit pa hindi ako nag-aral. Recess na at tinawag ko sina Ripoc para magtungo kami sa cafeteria.

“Feeling mo, papasa ka ba sa test kanina?” tanong ni Ripoc sa akin. Tiningnan ko siya saka tinawanan.

“Ripoc, papasa ako kahit hindi ako nakapaghanda,” kompiyansado kong tugon at pumila na kami sa counter. Maraming estudyante ngayon sa cafeteria.

“Sana lahat,” tugon naman ni Nehamas.

“Kayo ba, nakapag-study ba kayo kanina?” tanong ko na lamang at umusog dahil nabawasan na ng isa ang pila.

“Ano'ng babasahin ko sa notebook ko? Mga asul na linya? Alron, hindi ako nagsusulat,” saad ni Ripoc.

“Kay Nehamas, dapat humiram ka na lang sa kaniya ng notebook o 'di kaya'y sabay kayong nag-study n'ong free time.” Bigla akong tinawanan ni Ripoc gan'on na rin si Nehamas.

“Humiram nga ako at alam mo kung ano ang nabasa ko? Wala!” natatawang sagot ni Ripoc.

“May mga nakasulat naman, Ripoc,” giit ni Nehamas. Hinarap ni Ripoc si Nehamas na nasa likod lang niya at ako naman ay napalingon sa kanila na nasa likuran ko lang din.

“Oo mayroon pero walang mababasa. Ano'ng babasahin ko r'on, mga drawing mong burat at pu—” Agad kong tinakpan ang bibig ni Ripoc dahil baka kung ano pa ang masabi niya. Nasa cafeteria kami at maraming estudyante kaya nakakahiya. Agad ko silang pinaayos sa pila dahil halos lumuwa na ang mga mata ng ibang estudyante, kakatingin sa amin.

Pagkatapos naming makabili, agad kaming nagtungo sa homeroom para r'on na lang ubusin ang mga binili namin.

“Grabe naman ang lumpiang ito, puro wrapper!” reklamo ni Nehamas habang ngumunguya.

“Burger nga nila puro bread lang, nagreklamo ba ako?” sabat naman ni Ripoc.

“Because, Cafeteria's burger..” pagsisimula ko.

“Unang kagat, tinapay lahat!” sabay-sabay naming sabi.

“Nga pala, 'yong engkantong mabaho ang hininga, sa Mava Ho National Highschool pala siya nag-aaral,” biglang pag-iiba ni Nehamas ng usapan.

“Paano mo nalaman?” nagtatakang tanong ko naman.

Ano ka ba naman, teacher si Mama r'on,” sagot naman nito at ipinatong ang kaniyang paa sa mesa na malapit sa amin.

“Teacher pala mama mo? Bakit lumaki kang manyakis at bobo?” walang prenong tanong ni Ripoc.

“Kung sapakin kaya kita?” tila nagagalit na sabi ni Nehamas.

“Tama na nga 'yan!” pagsaway ko sa kanila. “May sasabihin ako sa inyo,” dagdag ko pa.

Kanina ka pa may sinasabi.” Inatake na naman ng pagka-pilosopo si Ripoc.

“Sml?” Nakakainis namang sabi ni Nehamas. Hindi ko alam kung paano ko naging kaibigan ang mga siraulong ito, Diablox.

“Kakausapin ko na lang ang sarili ko,” saad ko sa kanila. “Alron, gusto ko nga pa lang sabihin na balak kong mag-overnight ka sa bahay nina Tito. Bilang paghahanda na rin ito sa examination day, first time in the Philippine history lang 'to kaya sana pumayag ka,” wika ko habang nakatingin ng malayo.

“Alron, bakit mo kinakausap ang sarili mo?” Hindi 'ata nakuha ni Nehamas ang nais kong sabihin.

“Hoy, tol! Baliw ka na ba?” Nag-aalalang tanong naman ni Ripoc. Sumakit lang ang ulo ko sa kanila, Diablox. Ulo sa taas huwag kang ano.

Sabay-sabay na naman kaming nagpunta sa may waiting area. Bago pa man sila makasakay, muli ko na naman silang sinabihan ng plano ko.

Sa pagkakataong iyon, nakuha rin nina Ripoc at Nehamas. Naroon din si Jeremae pero bago ko pa man siya mapapayag, nagkaroon muna kami ng diskusyon.

“Naku, Alron! Baka hindi ako sumama,” nag-aalangang sabi ni Jeremae na siyang ikinalungkot ko naman.

“Bakit naman?” tanong ko at maging sina Nehamas ay nagtataka rin.

“Kasi nga kung may sleep over, may mangangak the following year.” Naguluhan ako sa sinabi niya.

“Ano? Sino ang manganganak? May buntis? Hindi mabubuntis si Tita dahil baog si Tito 'no,” giit ko naman dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

“Alam mo, ang bobo mo. Siyempre idadahilan niyo lang na sleep over o 'di kaya'y overnight pero ang totoo, lalasingin niyo ako at hahalayin. Yuyurakan niyo ang aking pagkatao at kakamkamin ang hiyas na aking pinakaiingat-ingatan.” Nagtawanan sina Ripoc sa sinabi ni Jeremae. Medyo nasaktan ako sa sinabi niyang bobo ako. Medyo lang naman, Diablox.

“Sige, Alron, aalis na kami. Ikaw na ang makipag-usap sa assumera pa sa palakang bundat,” ani Nehamas saka sumakay sa taxi kasama si Ripoc. Akala ko ay makakapag-usap pa kami ni Jeremae ngunit hindi nagtagal ay nakasakay din ito.

Assuming ba si Jeremae? Actually, iyon ang plano ko. Joke! Joke lang, Diablox. Tamad lang ako mag-aral pero nasa katinuan pa ako.

Sa totoo lang, pakiramdam ko talaga, si Jeremae ang magiging dahilan ng aking pagbabago. Gusto kong magsipag at magpa-impress sa kaniya. Diablox, ipagdasal mo ako na sana ay hindi na ako tamarin.

Bobo raw,
Alron

Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon