KATAMARANTADUHAN 29

30 17 2
                                    

September 2, 2019
Hoy Diablox,

Walang mapaglagyan ang tuwa ko ngayon kahit pa may nangyaring hindi kaaya-aya. Matapos ang naging pag-uusap namin ni Jeremae habang umuulan noong Biyernes, everything went so smooth.

Ni-unblock na niya ako sa facebook, nakaka-text ko na naman siya at nagkakatawagan. Hindi nga pala ako nagkasakit pero napagsabihan ako nina Tita Coreen at mas lalo pang naghigpit si Tito Davis sa pagpapahiram ng motor. Ayos lang, ang importante nagkaayos kami.

Marami ang naganap kanina sa campus. Huwag kang mabibigla pero hayaan mong isa-isahin ko.

“Alron!” tawag sa akin ni Heysel nang makapasok ako sa room. Umagang-umga at mukha niya ang tumambang sa akin. Kaunti pa lang kami room n'on, napaaga kasi ako.

“Bakit?” tila galit kong tugon sa kaniya saka nilagpasan siya. Muli na naman ako nitong sinundan.

“Alam mo na ba?” tanong nito sa akin sanhi para mapasulyap ako sa kaniya. Umiwas ako ng tingin at kinuha ang cellphone.

“Ang alin?” pagbabalik ko ng tanong without looking at her. “Huwag mo akong bitinin.”

“So hindi mo pa talaga alam.” Muli akong napasulyap sa kaniya at tiningnan siya nang masama.

“Magtatanong ba ako kung alam ko?” pilosopo kong wika.

“Fine!” parang napipilitan nitong usal. “Usap-usapan kayo simula n'ong Thursday. Kayo n'ong baduy na girl.” Inilapag ko ang cellphone ko at direktang tumingin sa kurtina ng board.

“Ano naman? As long as hindi masama ang issue na kumakalat, wala akong pake,” I coldly said.

“Eh kasi,” nag-aalangan siya. “Sabi nila, mas inuna niyo pa raw mag-usap at mag-drama sa halip na pumasok sa kaniya-kaniyang room. The two of you are promoting relationship na hindi raw dapat pamarisan. Kahit sa harap ng teacher, nagawa niyo pang lumandi.”

Tumayo ako at humarap sa kaniya.

“Sino'ng nagpakalat niyan?” seryoso kong tanong.

“Umabot lang din iyan sa akin. Huwag ako ang pagalitan mo,” wika nito at naglakad palayo sa akin.

Ilang oras kong inisip ang sinabi ni Heysel sa akin. Nakakainis man pero ano ang mapapala ko kung patulan ko pa.

Hinintay ko na muna na dumating sina Nehamas para mag-usap para sa darating na battle of the bands. Lumabas muna ako ng room at pinagmasdan ang quadrangle. May mga nagsisidatingan ng estudyante. Nakita ko na naman 'yong batang babaeng sinubsob ko sa work sheets niya. Napaisip talaga ako kung bakit ko 'yon ginawa. Dahil sa pagkaboryo, kawalan ng gana mag-aral o 'di kaya'y dahil hindi ko pa nakikilala si Jeremae.

“Excuse me,” saad ko sabay higit sa braso ng bata. Tiningnan ako nito nang masama, siguro naiinis pa rin siya sa akin ngayon.

“Gusto ko sanang humingi ulit ng tawad sa 'yo,” pagsisimula ko nang may sinseridad.

“Wala akong oras sa 'yo, layas!” wika lang nito sa akin saka sinipa ang kayamanan ko. Halos hindi ako makagalaw sa sobrang sakit. Ako na nga itong mabait na lumapit, ako pa 'tong nasaktan.

Nagkasama-sama na naman kami nina Jeremae sa may karinderya. Masaya kaming kumain doon, nilibre ko silang tatlo dahil nga parang selebrasyon ito sa akin—sa amin ni Jeremae.

Bumalik na kami sa room at ipinagtataka namin kung bakit sila nagsisigawan. Late kaming nakapasok nina Ripoc, marami kasi ang nakain namin dahil sa panlilibre ko.

Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon