KATAMARANTADUHAN 32

42 14 12
                                    

September 15, 2019
Hoy Diablox,

Hindi naman nakaka-drain ng utak kasi gamay ko ang math pero kasi sunod-sunod ang review namin. Mula n'ong sabado, magpapatuloy ito hanggang Huwebes. Araw-araw at puro kapangitan ng mukha nila ang nasa harap ko. Gusto ko na lang sa homeroom kasi kahit minsan nakakatamad, atleast d'on may libreng oras ako, naroon sina Nehamas at walang disturbo.

Mas gusto ko pang mag-review ng ako lang. Kapag nasa principal's office kami para mag-review ay kinukulit ako ni Heysel at parang lintang umaaringking sa 'kin.

“Alron, paano ba' to?” tanong ni Heysel na halos pumatong na lang sa akin kakadikit.

“Si Ma'am ang tanungin mo. Huwag mo akong disturbuhin,” reklamo ko saka umusog. Napapagitnaan namin ni Houston si Heysel. Nasa principal's office kami at dito na naman kami nakaupo sa mahabang upuan.

“Kausap niya ngayon ang papa niya. Ikaw na lang kasi,” pamimilit nito at muli na namang lumapit sa akin.

“Anong papa? Si matandang principal ang kausap niya,” nagugulahan kong saad. “D'on ka! Kay Houston ka magpaturo!” bulyaw ko. Si Houston ay nasa dulong bahagi ng upuan pero nakaharap ito sa amin. Hindi siya nagre-review, nagce-cellphone lang siya habang tumatawa.

“Si uugod-ugod at best in jackstone nating principal ay ama ni Mrs. Dela Rama. Anak sa labas si Ma'am at kab—” Biglang tinamaan ang bibig ni Heysel ng lipstick. Tumingin ako sa direksyon ni Ma'am at nakita kong nakatalikod pa rin ito habang kausap ang kaniyang ama. Wait, what?! Ama ni Mrs. Dela Rama? No! Pinag-isipan ko pa naman sila ng kakaiba. Diablox, hindi pa rin ako makapaniwala. Anyway, ang galing ni Ma'am umasinta 'no? Palagi kasi siyang nasa basketball court. Siya kasi ang bola.

“Ang sakit! Dumudugo ba, Alron?” Hinawakan niya ang dulo ng kaniyang labi at parang hinugot ito para ipakita sa akin kung dumudugo ba.

“Hindi dumudugo pero..” pambibitin ko sa kaniya.

“Walang signal!” biglang sigaw ni Houston at tumayo ito. Wala talaga siyang pakialama sa amin at puro cellphone lang. Maghahanap na nga lang siya ng signal, sa harap pa talaga namin. Sarap talagang durugin ng mukha at cellphone ng hambog na 'to.

“Pero ano? Alron, sabihin mo!” natatarantang saad ni Heysel. Sobra sa kaartehan ang gaga.

“Hindi dumudugo pero ang kapal na ng kiki mo, gago! Mag-toothbrush ka nga!” Malakas kong itinulak si Heysel kaya dumausdos ito patungo sa dulo ng upuan.

“Pagpasensiyahn mo na, tatlong linggo na kasi akong hindi nagsisipilyo,” saad nito sabay kuskos ng kaniyang daliri sa ngipin nito. Parang kulangot niya itong ipinilantik sa akin kaya naman ay mabilis akong umilag sanhi para tamaan ang butiki na nasa kisame. Biglang bumagsak ang butiki at patay on the spot. Iba rin pala ang galawan ni Heysel.

“Okay! Let's continue,” bigla kaming nagsiayos nang magsalit at bumalik na si Mrs. Dela Rama.

Excused kami sa lahat ng subjects namin. Wala raw kasi kaming dapat gawin kung hindi ang mag-review lang. Nang binigyan kami ni Ma'am ng break dahil recess, agad akong nagtungo sa room nina Jeremae.

“Tara,” saad ko kay Jeremae na kakalabas lang sa may room nila. Tahimik lamang siya at mukhang malungkot. “Bakit, may problema ba?” tanong ko sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.

“Wala naman. Baka gutom lang ako,” saad nito at tahimik naming nilakad ang daan papuntang cafeteria. Kahit pa bulgaran ko nang nasabi ang lahat n'ong battle of the bands, may iilan pa ring nakatingin sa amin.

“Kapag maganda ka, kahit bobo ka pa, magkaka-boyfriend ka!”

“Lakas makabudol ng gaga!”

“Boba plus matalino, perfect!”

“Ang ganda nga niya. Kaso sabi nila, bopols daw 'yan.”

Nagkuyom ang aking mga kamay sa mga salitang narinig ko. Bigla namang hinawakan ni Jeremae ang braso ko nang mapagtanto niyang papatulan ko ang mga estudyanteng nagsalita.

“Huwag mo na silang patulan. Tama naman sila,” aniya at napayuko.

“Hindi ka boba. Kung mayroon mang boba rito, sila 'yon. Sila, na hindi marunong umintindi sa kung ano tayo,” paliwanag ko at kinurot ang pisngi niya.

Pumila na kami sa counter at saktong naroon din sina Heysel. Kasama niya ang ilan sa mga alipores niya.

“Alron ko, gusto mo ilibre kita?” malandi nitong tanong sa akin. Nagsitilian naman ang mga kasamahan nito na para bang kinikilig.

“Hindi! Kaya kong bumili. Gusto mo bilhin ko 'tong cafeteria para sa labas ka na lang bumili?” sarkastiko kong tugon at ni-flip niya ang kaniyang buhok. Tumama sa akin ang maganda niyang buhok pero maraming alaga. May naiwang kuto sa labi ko dahil sa pagtama ng buhok niya.

“Hey cheap girl! Oh, may ultimate change ka na pala sa looks. Nagparitwal ka ba? Inalay ang sarili sa engkanto para gumanda? Ano, sabihin mo? Sinong albularyo ang tumulong sa 'yo?” Bilis sabihin mo!” Hindi sumagot si Jeremae. Nagtataka talaga ako dahil palaban siya pero ang tahimik niya ngayon.

“Heysel, tigilan mo si Jeremae kung ayaw mong makalbo sa harap ng maraming tao. Oo babae ka pero tandaan mo, papatulan kita para kay Jeremae,” bulyaw ko. Nagtinginan naman sa amin ang ibang mga estudyante.

“At kayo, saka na kayo magyabang at maliitin si Jeremae kung kaya niyo na akong talunin sa math!” dagdag ko pa. “Tara na Jeremae, hindi rin naman masarap ang tinda rito!” Hinawakan kong muli ang kamay niya at lumabas kami ng cafeteria.

Nagpunta na lang kami sa may principal's office at kinuha ko ang bag ko. Habang hindi pa nagta-time tumambay kami sa likod ng stage habang kinakain ang mga chichirya sa bag ko. Sina Ripoc naman ay abalang-abala sa room dahil may extended quiz sila.

Diablox, naiintindihan mo naman siguro ako kung bakit nagalit ako kanina. Alam mo na, nagmamahal. Hanggat kaya ko, proprotektahan at ipagtatanggol ko si Jeremae. Pero nagtataka pa rin ako kung bakit napakatahimik ni Jeremae. Kanina kasi n'ong kumakain kami ako lang palagi ang nagsasalita.

Late akong nakuwi dahil nga sa review. Pero n'ong uwian na, sinabayan ko muna sina Jeremae patungo sa may sakayan.

“Jeremae, ayos ka lang ba talaga?” Nag-aalala na talaga ako sa kaniya.

“May iniisip lang ako.”

“Buti ka pa may isip,” pagbibiro ni Nehamas pero tanging kami ni Ripoc lang ang natawa.

Hinintay ko silang makasakay at pagkatapos ay bumalik na ako sa campus.

'Yong tungkol naman sa battle of the bands, kami ang nanalo. Sa galing ba naman ng leadership ni Ripoc, hindi kataka-taka. Nag-request nga ang ibang teachers kung p'wedeng mag-perform kami sa campus. Sabi namin ay pag-iisipan pa namin.

Busy pa kasi ako sa review samantalang sina Ripoc ay mukhang nagseseryoso na sa pag-aaral.

Naguguluhan sa ikinikilos ng bebe,
Alron

Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon