RAISUN

75 24 11
                                    

“Ma, dala ko nga po pala ang card ko!” Isang maligayang sigaw mula sa isang paslit nang makapasok ito sa kanilang bahay. Tumakbo ito papunta sa kanilang kusina para ipakita sa kaniyang ina ang dalang card.

Seryoso ang mukha ng ina nito nang tanggapin ang envelope na naglalaman ng card ng anak. Samantala, abot tainga naman ang ngiti ng bata habang nakatingala sa kaniyang ina.

Nanatili ang seryosong mukha ng ina hanggang sa mabuksan nito ang envelope. Mayamaya pa ay biglang nakatanggap ng malakas na palo sa mukha ang anak gamit ang envelope.

PAGKADISMAYA.

Iyon ang namamayani sa buong pagkatao ng ina. Bigla namang napaiyak ang paslit at marahang inayos ang nagusot na envelope na kung saan nakasilid ang kaniyang card. Ang card kung saan nakatala ang mga pinaghirapang marka.

“Bakit 95 lang ang highest grade mo? Masyado bang mahirap ang lessons ng Grade 4 ha?!” pasigaw na tanong ng ina.

Humihikbi man, pinilit pa rin ng batang sumagot, “Hindi naman po. Iyan lang po talaga ang inabot ng pag-aaral ko da—”

Hindi na natapos pa ang bata sa pagsagot dahil nakatanggap na naman siya ng sampal.

“Huwag ka nang magbigay pa ng rason. Ang sabihin mo, bobo ka lang at hindi mo kayang pantayan ang pinsan mong palaging nasa top 1.”

-----

Nasa k'warto na niya ang bata at doon nito inilabas ang malalakas na hagulgol na kanina niya pa pinipigilan. Napatigil lang siya sa kaniyang pag-iyak nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang kaniyang ama.

“Why are you crying my son?” nag-aalalang tanong ng butihing ama.

“Papa, these grades of mine aren't enough right?” pagbabalik ng bata ng tanong at inabot sa ama ang bahagyang nagusot na envelope. Nginitian siya ng ama nito sabay tanggap sa envelope. Hinipo muna ng ama ang likod ng bata, napangiti at binuksan ang envelope.

“Wow! All your grades are impressive! Hindi dapat iniiyakan ang mga grades na katulad nito,” a proud father said. Niyakap niya ang kaniyang anak at huminto naman na kakaiyak ang bata.

-----

Bahagyang lumaki na ang batang iyakin. Nasa ika-limang baitang na ito at nananatili pa rin ang pagkamasiglahin nito sa kabila ng mga inaasahan ng kaniyang ina sa kaniya.

“Ah Ma, Pa, may maganda po akong balita.”

Kasalukuyan silang kumakain ngayon at pinagsasaluhan ang pagkaing naihanda dahil sa kanilang karangyaan.

“Smiling so widely, I guess it's a good news,” wika ng ama habang nakangiting nakatingin sa anak.

“Don't let us wait for too long. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin,” tila naiiritang sabi ng kaniyang ina. Ang inang walang ibang nais kung hindi ang perpeksyon ng kaniyang anak.

“It's about our honors assembly. I want to see the both of you there,” bakas sa mga mata ng bata ang lungkot.

Bigla na lang kasi nitong naalala na ang palagi niya lang nakakasama para tanggapin ang parangal na bunga ng kaniyang pagsisikap ay ang kaniyang ama.

“Bakit, are you on the first spot?” seryosong tanong ng ina sanhi para mapahinto sa pagkalansing ang mga plato't kutsara nila.

“It doesn't matter son. As long as all your efforts are being paid off, you deserve something," tila isang pagtatanggol ng ama.

“Ah Ma, Pa, 3rd honor po ako,” biglang saad ng bata. Halata ang takot sa kaniyang pagkakasabi dahil sa panginginig ng boses nito. Nasilayan naman ang napakagandang ngiti sa mga labi ng kaniyang ama. Samantala, gaya ng inaasahan ng bata, pinanlisikan siya ng mga mata ng ina. Padabog na nilisan ng ina ang hapag dahil sa kaniyang pagkadismaya sa sinabi ng bata.

Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon