“Jeremae, pupunta ka ba?” tanong ni Alron. Kasalukuyan silang magkasama ngayon sa may cafeteria.
“Gusto ko sana kaya lang....parang sumasakit ang ulo ko,” mahinang saad ni Jeremae. Napangiti lang naman si Alron kahit pa ang totoo'y nalulungkot siya.
“Ayos lang, magpahinga ka na lamang sa inyo,” wika nito. Kasabay din ng araw na ito ang kaarawan ni Jeremae. Hindi iyon nakalimutan ni Alron ngunit mas pinipili niyang huwag munang batiin si Jeremae dahil nga sa may sorpresa siya para rito.
Hinawakan ni Jeremae ang kamay ni Alron saka nagsalita, “Kaya mo iya. Kahit wala ako r'on, galingan mo,” saad naman ni Jeremae.
-----
“Andito na ba si Alron?” tanong ni Sir Julian kay Nehamas. Balak kasi nitong sa campus sila magkita-kita para sabay-sabay na ang pagpunta sa LGU grounds. Doon magaganap ang battle of the bands at iba pang patimpalak. Mayamaya pa ay may huminto na sasakyan at umibis doon si Alron. Black, that's the color of everything he wore. Mas lalong tumingkad ang kaputian nito. Para siyang hindi lalaban sa tugtugan bagkus sa isang pageant. He is indeniably handsome kaya naman may mga patagong nagkakagusto sa kaniya.
“Oh, andito na siya,” wika ni Ripoc at mahinang sinuntok ang kaibigan.
Nagpalingat-lingat muna si Alron at mukhang may hinahanap. Wala siyang ibang nakita kung hindi sina Ripoc at ibang guro. Their school gonna support them kaya lang may kaisa-isang tao siyang hinahanap si Jeremae.
“Alron.” Agad siyang napalingon sa kaniyang likuran kung saan nanggaling ang pagtawag.
“Heysel?” he disappointedly uttered. Akala niya ay si Jeremae na ang tumawag sa kaniya.
“Tayo na. Naroon na rin ang ibang schoolmates niyo na manonood sa laban niyo,” saad ni Sir Julian kaya naman sabay-sabay na silang sumakay sa sasakyang nakahanda para sa kanilang lahat.
-----
Maingay at may nagkikislapan. Ilan lang iyon sa mga napansin ni Alron nang makarating sila sa LGU grounds. Kasalukuyan pang ginaganap ang dance contest at pagkatapos n'on ay ang battle of the bands na.
Nagtungo na sila sa backstage dahil last dance group na iyon at pagkatapos ay susundan agad ito. Naroon na rin sa backstage ang galing sa ibang schools. Sa totoo lang, may limang grupo lamang ng banda ang naroon kabilang ang sa kanila. May limang highschool kasi ang kanilang munisipalidad at ang limang iyon ang magtatagisan ng galing sa pag-awit at kasanayan sa mga instrumento.
“Bakit parang hindi ka mapakali?” tanong ni Nehamas kay Alron na kanina pa pinapatay saka binubuksan ang kaniyang cellphone.
“Kinakabahan ka ba?” pagsabat naman ni Ripoc.
“Maliban sa kinakabahan, may isa pang rason,” sagot naman ni Alron na agad namang naintindihan nina Nehamas.
“Wala nga pala rito si Jeremae. Paano na iyong planong naisip mo?” tanong ulit ni Nehamas at mukhang nag-aalala ito dahil mauuwi lamang sa wala ang kanilang pinagplanuhan.
“Hindi ko alam,” tanging sagot ni Alron.
“Huwag mo na munang isipin iyon, Al. Mag-focus ka muna rito,” saad naman ni Ripoc saka tinapik-tapik ang likod ng kaibigan.
-----
Natapos na ang naunang banda at pang-apat sila sa magpe-perform. Mas lalo sila ngayong kinakabahan matapos marinig ang tugtugan ng iba.
“Talo na 'ata 'to,” wika ni Nehamas sabay hinga ng malalim.
“Kaya pa' yan,” saad naman ni Ripoc na pinapalakas ang damdamin ng mga kasamahan.
BINABASA MO ANG
Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED)
HumorStudying is one of the important pillars in succeeding but for Alron, it's a waste a time. He's not into taking down notes but updates his Diary most of the time. Diablox, that's what he calls his diary. The diary that know his idiosyncrasies and ma...