July 9, 2019
Hoy Diablox,Magkakaroon ng Acquaintance Party ang campus next week. Diablox, What do you think? Should I give it a try? Parang nakakatamad naman 'yang Acquaintance Party na iyan. Isa pa, isasabay din diyan ang Induction of officers, eh hindi naman kasi ako officer kaya mas lalo akong tinatamad.
Kahapon pala, inutusan ako ni Sir Julian na maglinis ng homeroom. Hindi kasi ako pumasok sa last subject namin which is TLE. Absent din naman si Sir Elmer at alam kong wala kaming ibang gagawin sa oras ng klase kung hindi ang mangbunot ng damu at magdilig ng halaman. Nakakatamad ang gan'on, so I chose to stay inside.
Dahil sa ginawa ko, naabutan ako ni Sir Julian na nakaupo habang nakasalpak ang earphones. Napansin niyang wala akong ginagawa kaya ninakaw niya ang pagkakataong utusan ako. Hindi naman na ako nakapalag dahil may hawak siyang class record at tila ba nagbabanta nang sabihin niyang, “You can say no. I can also say no to your grades.” Diablox! Alam mo naman 'di bang tamad lang ako mag-aral pero ayaw kong bumagsak. Alam mo iyan, sinabi ko na iyan sa 'yo eh. Kaya ayon, naglinis din ako agad.
Pinunasan ko muna ang sliding windows. Tae, may mga marka pa na makikita sa bintana. Mga marka na binugahan ito ng hininga saka sinulatan ng kung ano. Paano ko ba nalaman na binugahan iyon ng hininga maliban sa mga marka? Well, inamoy ko. Natumba nga ako at nahilo nang amuyin ko ang mga markang naiwan eh. Grabe, Helcurt ang dating ng pakiramdam ko n'on. Pakiramdam ko kasi dumilim ang surroundings.
Pagkatapos ko sa pagpupunas, nagsimula na akong magwalis. Hindi na muna magma-mop dahil kaka-mop lang kahapon at madadala pa naman ng walis.
Habang nagwawalis, iniisa-isa ko ang mga desks. May isang desk akong natabig kanina kaya naman may mga nagsilaglagan na mga papel. Kinapa ko uli ang ilalim ng desk at may nakapa akong kakaiba.
Isang napkin.
Nabuksan na siya pero hindi pa ginagamit. Dahil lumabas si Sir at ako lang mag-isa sa room, binusisi ko muna ang napkin.
Halos hindi ako makapaniwala sa aking nabasa matapos kong malaman na may kung anong nakasulat dito.
“Yummy toasted na magatang talong ni Troy.” Iyon ang nakasulat sa pinakagitna at may nakaguhit na ari ng isang lakaki. Kumbaga kasing laki ng ari ng lalaki na iginuhit ang napkin at sa gitna nito ay may nakasulat. I wonder who's sitting here. Wala rin kasi akong pakialam minsan sa mga kaklase ko kaya pati ang p'westo nila 'di ko alam.
Naghanap pa ako sa ilalim at may nakita akong isang sobre. Agad ko naman itong kinuha dahil baka may pera itong laman na pag-aari ng kaklase ko.
Nang buksan ko ang sobre ay wala itong laman. Wala itong nakasulat sa harap pero sa likod, bulgar na isinulat ng malanding kalabaw kong kaklase ang kati ng perlas niya. Paano ba kasi Diablox, kakaibang level na ang kakatihan ng kaklase ko.
Ang napkin kasi na nauna kong nakita ay isisinilid niya pala dapat sa may sobre at ibibigay niya sa lalaking nagngangalang Troy. May nakasulat din sa likod kaya nalaman ko iyon. Ang laswa niya katulad ng pagkakasulat niya sa speech niya.
“Troy kong masarap pa sa tasty bread, ibibigay ko na sa 'yo ang napkin ko. Nagamit ko na iyan sa aking kepyas pero huwag kang malelerki, wala akong red tide that time. Thanks nga pala sa idea mo na guhitan iyon, nang gamitin ko iyon, feel na feel ko ang kahabaan mong parang hinahagod sa kepyas ko. May maaamoy ka nang empanada, laspagin mo sana ang napkin ko.”
Oh ano Diablox? Nakakadiri 'di ba? Hinawakan ko pa man 'din ang napkin. Yucks! Ew! At napansin mo, napakahaba ng sinulat niya at sa likod talaga ng sobre. Lantaran talaga ang kahindutan ng kaklase ko.
Pero hindi lang natatapos 'yon don. Nagpatuloy ako sa paglilinis at muli na namang nangapa ng desk. Na-bad trip talaga ako nang may dumikit na bubble gum sa kamay ko. Malaway pa ang bubble gum at halos mapasigaw ako nang mapagtanto kong may pustesong nakadukot doon. Grabe, ano'ng akala niya sa bubble gum, babaran ng posteso?
Maliban sa bubble gum na may posteso, may kakaiba pang dumikit sa kamay ko. Hulaan mo kung ano. Hmmm. Gago! Kulangot! Diablox kulangot! Tae, bakit nila pinapahid iyon sa ilalim ng desk? Sticky bomb? Ang baboy talaga nila.
Nang matapos ko nga palang maglinis, umupo na naman ako at nakinig sa kanta ng Rex Orange Country. Nahinto lang ako sa aking magandang moment sa pakikinig sa kanta nila nang may estudyanteng kumatok at tinawag ako. Pagkaraa'y sinabi nito ang kaniyang sadya.
“Ah kuya, pinapatanong po ni Mrs. Dela Rama kung may posteso po ba kayong nakita rito. Kung mayroon, pinapabigay sa akin para maibigay ko sa kaniya.”
Bigla akong napatayo. Saan ko itinapon ang posteso? Letche! Kay Mrs. Clown na palakang maldita pala ang postesong iyon. Ano'ng ginagawa n'on sa ilalim ng desk ng kaklase ko?
Habang nag-iisip, napalingon ako sa isang sulok nang marinig ang pagtunog ng tubig. Napatingin ako sa aquarium. Confirmed! Sa aquarium ko pala itinapon ang posteso para mababad. Habang nakatingin sa may aquarium ay nakatitig naman sa akin ang isda kung saan naroon ang posteso. Ang postesong tila ginamit ng isda dahil nakadikit na ito sa bunganga niya.“At panghuli, baka raw nakita mo ang sobre niya na naiwan niya raw dito. Ang sobre ni Miss Cathlyn,” dagdag pa ng batang estudyante sanhi para manlaki ang mata ko at mapanganga ako.
Nawindang sa katotohanan,
Alron
BINABASA MO ANG
Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED)
HumorStudying is one of the important pillars in succeeding but for Alron, it's a waste a time. He's not into taking down notes but updates his Diary most of the time. Diablox, that's what he calls his diary. The diary that know his idiosyncrasies and ma...