KATAMARANTADUHAN 28

46 18 11
                                    

August 30, 2019
Hoy Diablox,

Still broken. Umiiwas pa rin si Jeremae sa akin. I tried everything pero ayaw niya pa rin akong kausapin. However, she can't stop me from doing everything para lang makausap siya. I kept on calling her pero puro “The number you have dialed...” Tinatadtad ko rin siya ng texts pero hindi siya nagrereply sa akin. Sa facebook naman, blocked pa rin ako. Sa campus, palagi ko siyang hinihintay na dumating sa room nila pero umaabot na lang ang time para mag-start ang klase, wala pa siya. Alam kong sinasadya niyang hindi kami magkaabutan. Sa tuwing recess, lunch break at uwian, pumupunta rin ako sa room nila pero hindi ko siya nakikita. Baka tumatago siya sa loob ng classroom niya o 'di kaya ay lumalabas dahil inaasahan niya ang pagpunta ko classroom nila. I even tried asking for her classmates kung asan siya pero iisa lang ang sagot nila, “Nakauwi na si Jeremae.” Simula n' ong August 28, palagi akong pumupunta sa bahay nila at umaasang makikita siyang nasa bintana nakadungaw pero hindi ko rin siya makita.

Last date of the month and nagsimula na rin ang practice namin kanina, Diablox. Pagpunta ko kanina sa music room ay naroon na sina Nehamas at Ripoc at sinusubukan ang mga instrumentong naroon. Naroon din si Sir Julian at matagal na pala nila akong hinihintay. Kahit hindi ako okay emotionally, pumasok ako at para mapag-usapan ang kantang tutugtugin namin. Sinabi na rin kung kailan gaganapin ang Battle of the bands, it's on September 12.

Gabi na naman at ito ang oras kung kailan ako aalis ng bahay. Nakita ko si Tito na nanonood ng t.v. kaya ninakaw ko na ang pagkakataon para makapagpaalam.

“Tito, maari po ba akong lumabas? May bibilhin lamang ako para sa activity namin sa Science,” pagsisinungaling ko. Pinahinaan nito ang television, tumayo at humarap sa akin.

“Napapadalas na ang iyong paglabas tuwing gabi. Baka naman malayo ang tindahang pinagbibilhan mo.” Naaalala ko si Papa sa pag-aalala ni Tito Davis sa akin.

“Malapit lang naman po at isa pa, lalaki naman ako,” giit ko sabay ngiti.

“Kahit na, ihahatid na lang kita,” wika pa nito. Bigla na lang dumating si Tita at nakisali sa usapan.

“Ako na po. Kaya ko naman po basta may motor,” pagpaparinig ko.

“Alron, alam mong naka-stock na iyang motor natin dahil ayaw kong magmo-motor ka at mayroon naman tayong kotse,” katuwiran ni Tito Davis. Tinitigan ko si Tita Coreen. Isang makahulugang titig.

“Mabilis lang naman po ako. Asahan niyong uuwi ako ng ligtas,” paninigurado ko. Lumapit si Tita Coreen kay Tito at hinimas nito ang likuran ng asawa.

“Sige na, payagan mo na si Alron. Ngayon lang naman 'yan gagamit eh. Mukhang importanteng-importante ang lakad niya.” Akala ko talaga ay pipigilan din ako ni Tita. Ilang gabi na akong nagpupunta sa bahay nina Jeremae na naglalakad lang. Medyo malayo pa naman.

Nagpunta si Tito sa k'warto nila at kinuha ang susi ng motor. Hindi na gaano nagagamit ang motor dahil may kotse naman. Hinihingi ko nga ang motor kaya lang ayaw nina Tito, nakakabahala raw kasi kung magpatakbo ako.

Agad ko binaybay ang daan patungo sa bahay nina Jeremae matapos ibigay ni Tito ang susi. Kasabay ng paghinto ko sa tapat ng kanilang bahay ay ang pagdungaw niya sa kanilang bintana.

Bumagal ang paggalaw ng oras nang masilayan ko ang dahan-dahan nitong paghalumbaba habang nakatingin sa kalangitan. Napapangiti naman ako dahil sa wakas naabutan ko rin siya.

“Jeremae!” tawag ko rito. Napatingin ito sa kung saan nanggaling ang pagtawag. Nagulat siya at pagkatapos ay nagpanggap na wala lang sa kaniya ang pagpunta ko rito.

Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon