Capítulo 03

62 6 0
                                    

Imagen

Manuel Fernandez POV

Kaagad akong nakabalik sa hotel room ko pagkatapos kong ihatid si Melanie sa bahay nila. It's a tiny house, pero sabi niya hindi ko na raw kailangang bumaba so I stayed in my car and left pagkapasok niya sa gate nila.

I don't know what is wrong with me, bakit ko nagawa 'yun. I mean never pa akong naghatid ng trabahante o employer ko. Hindi nga ako nagpapasakay sa kotse eh. Habang pinapatuyo ko ang buhok ko gamit ang blower ay biglang tumawag si Atticus. Anak siya ng kaibigan nang Daddy ko na ka-business partner namin ni Daddy sa kompanya at sa negosyo. Magkababata sila Dad at si Uncle Erwan, ama ni Atticus. Ang iba kasing mga kapatid ni Daddy ay may sarili rin silang mga negosyo. Kaya naisipan ni Dad na silang dalawa nalang ni Uncle Erwan ang magkasundo pagdating sa negosyo.

Kaya tinawag ng Fernandez-Alcazar Group of Companies. Dahil napag-isipan nila Dad na magkasundo nalang, isa si Atticus sa mga namamahala dito sa Malapascua, since siya 'yung pinakamatandang lalakeng ipinganak na Alcazar.

He badly wants to go back to US pero hindi siya pinayagan ng Daddy niya, I don't know why pero may madilim na sekreto kasi 'yang si Atticus at hanggang ngayon hindi pa rin mawala wala dito sa Malapascua. At wala akong oras para alamin 'yun, buhay niya 'yun bakit pa ako makikialam?

Ini-loud speaker ko nalang dahil busy ako sa ginagawa ko. Kaka-shower ko lang kasi.

"What's up?"

Kaagad naman siyang sumagot.

"Hey! Bro, how's your day?"

Sinagot ko naman siya kahit nasa salamin pa rin ang paningin ko.

"It's okay. Though naninibago talaga ako sa mga tao dito dahil hindi sila katulad sa Manila, pero mababait naman sila, approachable."

Tumawa naman siya sa kabilang linya.

"Bro, I heard na may pinasakay ka raw na waitress sa sasakyan mo? Is that true?"

Hindi makapaniwalang sabi niya sa akin. Malakas naman akong napabuntong hininga. Ang bilis naman atang kumalat, hindi pa nga nasisikatan ng araw.

"Yes? Why? May mali ba sa ginawa ko? Alangan namang hayaan ko siyang ihatid ng Dante na 'yun, baka mapano pa siya. Ako pa ang sisisihin ng Dad ko dahil sa pagiging pabaya kong President."

Pagkatapos kong magpatuyo ng buhok ay dumiretso ako sa kusina para kumuha ng wine. At umupo sa bar stool .

"Oh? Come on dude. Hindi mo 'yan gawain, I know you. Eh kahit nga si Georgi-"

Kaagad naman akong sumingit sa usapan naming dalawa. Biglang dumilim ang paningin ko dahil sa mga sinabi niya.

"Atticus, how many times do I have to tell you? Don't mention her name ever again! Ayokong naririnig ko ang pangalan ng babaeng 'yun."

Galit kong sabi sa kaniya at tinawanan lang ako ng gago.

"Okay! Sorry! Relax dude! Mukhang special ata 'yang waitress mo dahil ikaw mismo ang naghatid."

Napahilot naman ako ng aking sentido.

"Lahat nalang ba talaga ng galaw ko kailangan alam ninyo? Fck, I hate issues. Wala akong pakialam kung may nakakita man sa aming dalawa o sa akin na hinatid ko siya. There's nothing wrong with that."

Against the Waves (Malapascua Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon