Melanie Dela Rosa's POV
Inalalayan ko naman si Mr. Fernandez kahit na nabibigatan na ako sa kaniya. Kulang nalang ay matumba kami dahil sa paglalakad niya eh! Huminto muna kami, tatanungin ko muna siya kung ano ang hotel room number niya.
"Mr. Fernandez, anong room number kayo?"
Pagtatanong ko sa kaniya habang nakaakbay pa rin siya sa akin. Mabuti nalang at wala masyadong tao rito dahil gabi na at paniguradong tulog na ang mga tao, at ang iba naman ay paniguradong nasa labas. Nagba-bar.
"I-I don't know. Hindi pa ako nagkuha ng room ko."
Nabigla naman ako sa mga sinabi niya, ano naman kaya ang ibig niyang sabihin?! Kung ganoon? Paano siya nakapasok dito sa loob kung hindi naman siya nakapag check in dito!
"Sir What do you mean? Eh hindi naman po kayo makakatuloy rito kung wala kayong kinuha na kwarto."
Naiirita kong sabi sa kaniya. Naaamoy ko na ang hininga niya, amoy alak.
"I told them that I want to visit my brother. Kaya pinatuloy nila ako dito."
"Tatawagan ko nalang po si Sir Manuel at magpapatulong nalang ako sa isang bellboy na buhatin ka papu-"
Nagulat naman ako ng bigla niya akong pinahinto sa pagsasalita. Nakita ko naman ang unti-unting pagdilim ng kaniyang mukha. May nasabi ba akong hindi maganda?
"No, don't do that. Patuluyin mo nalang ako sa hotel room mo. I promise I'll be gone tomorrow morning. Kahit na sa sofa nalang ako matulog okay lang sa akin. I just want a space to in."
Sabi niya sa akin, hindi siya pwede doon! Lalake siya, atsaka hindi ako sanay na may lalaki sa loob ng silid ko!
"Pero-"
"Please? Miss?"
Marahas naman akong napabuntong hininga at pinatuloy ko nalang siya sa aking kwarto. Kaagad naman siyang napahiga sa mahabang sofa. Nanakit ag mga braso ko, ang bigat niya kasi eh.
"Kung hindi mo naman kayang uminom, edi sana hindi mo nalang dinamihan."
Hindi ko mapigilan ang pagsalitaan siya ng ganoon. Naiinis lang talaga ako sa kaniya, bakit kasi hindi nalang siya tumulad sa kapatid niyang si Sir Manuel.
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya sa mga sinabi ko.
"Don't worry Miss, I'll pay you tomorrow. Just don't call my kuya. Malalagot ka sakin."
So? Kuya pala niya si Sir Manuel? Bakit naman kaya ayaw niya na tawagan ko ang kapatid niya? Kung alam naman niya na mas malaki ang maitutulong ng kapatid niya kaysa sa akin.
Hinayaan ko nalang siya na matulog sa sofa at dumiretso ako kaagad sa sarili kong kwarto. Napagod ako, nakakapagod palang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. Lahat, magagamit mo. Utak mo, katawan mo. Kinuha ko nalang muna ang aking bagong libro at notebook, may quiz kasi na magaganap bukas kaya kailangan kong mag-aral.
Ano kaya ang gustong sabihin ni Sir Manuel kanina bago ako lumabas ng elevator. Tawagan ko nalang kaya siya? No, hindi pwede. Baka magkita kami bukas, tatanongin ko nalang siya tungkol sa bagay na 'yun.
***
Constantine Fernandez POV
Nagising ako dahil sa sakit ng ulo, kaagad naman akong napabangon at inilibot ko ang aking paningin. Ang ganda ng kwartong ito, mukhang ito 'yung pinakamahal na hotel room dito.Napapailing nalang ako sa mga naalala ko, sa mga nangyari kagabi. Fck! May atraso pala ako sa babaeng tumulong sa akin! Napalingon naman ako sa kaniyang kwarto pero nakita kong sarado pa rin ito, mukhang tulog pa siya.
BINABASA MO ANG
Against the Waves (Malapascua Series #1)
RomanceManuel Fernandez, a determined and ambitious businessman, finds his world shattered when his father appoints his brother as Chief Executive Officer, leaving Manuel feeling sidelined and underestimated. Constantine, his brother, embodies everything M...