Capítulo 25

30 3 0
                                    

MELANIE DELA ROSA'S POV

Pagkatapos ng aking pang-huling klase ay kaagad akong dumiretso sa restaurant at doon nalang ako nagbihis ng aking damit na susuotin bilang uniporme ko. Pagkatapos kong magbihis ay kaagad akong lumabas ng banyo at narinig ko naman ang pag-uusap nila Nikki at JC.

"Ibig mo bang sabihin Nikki? Hindi na si Mr Fernandez ang may-ari ng restaurant na ito?" Natigilan naman ako sa itinanong ni JC kay Nikki.

"Anong ibig mong sabihin? Nikki?" Napakunot naman ang aking noo, hindi ko lang kasi maintindihan eh.

Tumigil muna si Nikki sa kaniyang ginagawa at hinarap naman niya kaming dalawa ni JC.

"Hindi ba sinabi ni Sir Manuel sa'yo ang tumgkol rito Melanie?" Kaagad naman akong umiling sa kaniya.

"Ganito kasi 'yan, binili ni Mr Benavente ang restaurant na ito dahil nagustuhan raw ito ng kaniyang anak na babae." Ito ba 'yung sinasabi ni Manuel sa akin? Yung nawawalang anak ni Mr Benavente?

"Anong pangalan ng anak na babae ni Mr Benavente?" Hindi ko alam pero kinabahan talaga ako ng sobra at hindi ko ito maipaliwanag.

"Amelia Benavente." Magsasalita pa sana ako kaso bigla nalang pumasok si Manager Gwen sa loob at napalingon naman kami sa kaniya.

"Ano pang ginagawa niyo rito? Lumabas na kayo, paparating na ang may-ari nang bagong resort." Sabi sa amin ni Manager Gwen kaya kaagad naman naming inayos ang aming mga sarili at lumabas na mula sa loob.

Nang makita na namin ang dalawang SUV ay hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Biglang huminto ang aking mundo nang makita kong unti-unting pumasok sa loob si Mr Benavente at ang pinsan kong si Amelia.

Pa-paano namgyari?! Pa-paano siya naging anak ni Mr Benavente?! Si Uncle Arthur lang ang nag-iisang ama ni Amelia!

"Good afternoon everyone! I want you to meet my long lost daughter, Amelia Benavente. The new owner of this restaurant." Nakaawang pa rin ang aking bibig habang hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang lahat ng mga nakikita ko ngayon.

Nabaling naman ang atensyon niya sa akin at nagulat naman ako nang nginitian ako ni Amelia, ano ba talaga ang nangyayari? Bakit pumayag si Manuel na i-benta ang isa sa mga restaurant niya?

"Good morning Madam Amelia!" Bati ni Manager Gwen sa kaniya at ipinakilala rin niya kami.

Nang ako na ang maglahad ng kamay ay nagulat maman ako nang bigla niya itong tanggapin at hawakan.

"A-amelia?" Nakakunot noo kong banggit sa pangalan niya.

"Hi! Nice to meet you... melanie," parang ang bilis ng mga pangyayari, pagkatapos siyang ipinakilala ng kaniyang ama bilang bagong may-ari ng resort ay bumalik na ulit ang lahat sa normal.

Pagkatapos kong i-serve 'yung isang order ng customer ay kaagad akong pumasok sa wash room para makausap si Amelia, alam kong wala akong pakialam sa buhay niya pero...curious lang kaso talaga ako, ang laki ng pinagbago nang buhay niya.

Napatigil naman siya sa kaniyang ginagawa at napatingin naman siya sa akin gamit ang malaking salamin na nasa aming harapan ngayon.

"Melanie? What are you doing here?" Unti-unti naman akong lumapit sa kaniya.

"Pwede bang ipaliwanag mo sa akin ang lahat-lahat? Nabigla lang kasi talaga ako," mahinahon kong sabi sa kaniya.

Kaagad naman niyang ibinalik sa mamahalin niyang sling bag ang lipstick na hawak-hawak niya kanina.

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa'yo Melanie, pero...ako 'yung nawawalang anak ni Mr Benavente." Sabi niya sa akin.

"Paano nangyari 'yun? Diba? Si Uncle Arthur naman ang tunay mong ama?" Hinarap naman niya ako bago niya ako sinagot.

Against the Waves (Malapascua Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon