Capítulo 19

29 3 0
                                    

Amelia Dela Rosa's POV

Pagkatapos ng klase namin ay kaagad akong umuwi sa bahay namin. Napatigil naman ako sa paglalakad nang may nakita akong isang maitim na sasakyan na naka-park sa tapat ng bahay namin. 

Kanino naman kaya ang sasakyang ito? Kaagad naman akong pumasok sa loob ng bahay at nagulat ako nang may nakita akong isang matandang lalake na naka-upo sa isang upuan.

"Oh? Nandiyan na pala ang si Amelia eh." Napakunot ang aking noo sa sinabi ni Mama.

Ano ba ang pinag-uusapan nilang dalawa? At sino naman 'tong lalakeng ito?

"Ma? Sino siya?" Pagtatanong ko kay Mama at bigla naman siyang tumayo at ngumiti sa akin.

"Siya si Benedicto Benavente, siya ang ama mo." 

Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko sa mga sinabi ni Mama sa akin ngayon. Ano naman kaya ang nais niyang iparating?! Hi-hindi ko ama ang isang 'yan!

Ang tunay kong ama ay iniwan kami! Kaya paano ko siya magiging isang ama? Sisingit na sana ako sa kaniya nang biglang lumapit sa akin si Mr. Benavente. Namumula ang kaniyang mga mata at kaagad niya akong niyakap.

"Sa wakas... nahanap rin kita anak. Pasensiya ka na kung ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na hanapin ka. Hindi kasi nagpadala ang ina mo sa akin ng sulat eh, nangako siya sa akin na padadalhan niya ako ng sulat pero walang dumating sa akin. Ikinulong kasi ako ng mga magulang ko anak eh kaya hindi ko siya nasamahan rito sa Cebu, naiwan ko siyang buntis at... ngayon ko lang rin nalaman na... patay na siya."

Ano bang pinagsasasabi niya?! Si Melanie ba ang tinutukoy niya? Kaagad naman akong kumalas sa yakap niya at nginitian naman niya ako.

"Pero ngayon na nakita na kita at masaya ako dahil inalagaan ka ng mabuti ni Anna, hindi ka niya pinabayaan. Mahal na mahal kita anak."

Napalunok naman ako sa lahat ng mga sinabi niya. Dahan-dahan naman akong lumingon kay Mama. Bakit niya ba ginagawa ito ngayon?! Malaking kasalanan 'to! Ito pala ang sinasabi niyang plano sa akin. 

"Heto, andito lahat ng mga ebidensiya na anak mo talaga si Amelia, Ben." Nakangiting sabi ni Mama kay Mr. Benavente.

"No, I don't need that anymore. Anak, hayaan mong makabawi ako sa'yo. All these years, ngayon lang ako makakabawi sa'yo."

"A-ano po ba ang ibig ninyong sabihin?" 

Natatakot ako, oo sobra. Hindi ko deserve ito. Kay Melanie 'to eh! Sa kaniya ito! Pero bakit hindi ko man lang siya magawang sabihin mismo sa harapan ng kaniyang ama?! 

"Kukunin na kita anak. Ipapakilala na kita at ipapalabas ko na rin sa Media na nakita na kita. Na ikaw ang tagapagmana ng Benavente company. Sa'yo ko lahat ipapamana anak." 

Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. No, mali ito! 

"Pe-pero.. hi-hindi po ako ang tu-"

"Ah! Mr. Benavente? Mukhang dumidilim na at delikado rito sa amin kapag sumapit na ang gabi. Bukas nalang po kayo mag-usap ulit."

Tinaasan ko naman ng kilay si Mama sa mga sinabi niya. Bakit niya ba ako pinipigilan?!

"Okay, bukas ng umaga? Babalik ako rito. Dahil simula bukas? Dadalhin kita sa Manila at patitirahin kita sa mansion natin." 

Hindi nalang ako pumalag ng yakapin niya akong muli at nagpaalam na siya sa aming harapan. Nang makaalis na ang kaniyang sasakyan ay galit kong nilingon si Mama.

"Ma?! Anong klaseng eksena 'yun ha?! Bakit niyo naman pinalabas sa kaniya na ako ang anak niya?!" 

Marahas naman akong pinapasok ni Mama sa loob ng bahay.

Against the Waves (Malapascua Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon