Epilogue

67 4 0
                                    

Epílogo

A/N: Thank you so much! For supporting Melanie and Manuel's love story. Hindi lang talaga ako makapaniwala na... magtatapos na ang aking Series 1. Nagsimula akong magsulat nito noon, na dalawa hanggang lima lang ang readers ko... pero sinabi ko pa rin sa sarili ko na... atleast may nagbabasa at may nakaka-appreciate ng aking gawang akda. Sana... may natutunan kayo sa kwentong ito, kasi ako? Ang natutunan ko sa kwentong ito... ay ang magpatawad... kahit na gaano pa ka-laki ang nagawang kasalanan ng isang tao, kung karapat-dapat naman siyang patawarin, bakit hindi, 'di ba? I jusr want you to learn and accept, it is not just all about love... it's all about family, sacrifices and forgiveness. Thank you, till next time! I love you, royalties!

Ps: Gagawa ako ng special chapter, hihihi mahal ko kayo eh.

***


MELANIE DELA ROSA'S POV

Mahirap magpatawad, oo totoo. Pero ang pinakamahirap, ay iyong hindi mo mapatawad ang sarili. People's change, ika-nga nila. But they really deserve our second chance? Katulad nalang ng mga ginawa nila Auntie Anna at Amelia, nagsinungaling sila... para lang sa pera at para lang sa sarili nilang kaligayahan. How can they be that happy? Knowing that... there are people suffering for years. Kinuha man nila sa akin ang kaligayahan ko? Hindi ko pa rin ma-i-aalis sa aking systema, na ka-dugo ko pa rin sila. They're still my family, my own blood.

"Nagmana nga talaga si Melanie sayo, Becca."

Nakangiting sabi ni Papa kay Mama.

We're having a dinner... together with the Fernandez Family. Yes, hindi nga ako makapaniwala eh. Pagkatapos ng mga nangyari? Hindi ko akalain na...  magpapakita sa amin sina Mrs. Fernandez, hindi pa kami nakakapag-usap at panay lamang ang pagsulyap niya sa akin habang kumakain kami. Katabi ko naman ay si Manuel, katapat ko naman sila Mama at Papa.

Ngumiti naman si Mama bago niya sinagot si Papa.

"Of course, naman."

Napangiti na lamang ako sa kanipang dalawa. Kahit na paghiwalayin pa kayo ng tadhana, pagtatagpuin pa rin kayo nito pabalik sa isa't-isa. Katulad nalang ng aking mga magulang, akala ko nga... hindi na matutupad ang lahat ng ito, na baka sa panaginip ko nalang ito mararanasan. Totoo nga ang sinabi nila, walang imposible, sa taong nangangarap.

Napalingon naman ako kay Manuel at napakunot naman ang aking noo nang makita ko siyang humigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay.

"Mr. Benavente," pagtawag niya sa aking ama.

"Napalingon naman si Papa at napatigil sa pagkain.

"Mr. Benavente, I want to marry your daughter. I love her more than anything in this world. Alam ko pong galit kayo sa mga ginawa ko noon, pero ginawa ko lang naman po iyon... ng dahil kay Melanie. She's my everything, pinapangako ko po na gagawin ko ang aking makakaya... para protektahan siya at mas mahalin pa siya lalo. I will protect her and to our future family."

Napalunok naman ako sa mga sinabi ni Manuel kay Papa. Bigla namang tumahimik ang lahat, nakita ko naman ang pag-inom ni Papa ng tubig bago niya sinagot si Manuel.

"You know what, hijo... hindi ko pa nakakasama ang aking unica hija. Kung hindi lang sana ako nagbulag-bulagan at napagdalos-dalos sa aking mga desisyon noon? 'Edi sana... hindi mangyayari ang lahat ng ito. She's the real heiress and she's a Benavente. But I can feel your true love for my daughter and how much you love her. I trust, young man. Take care of my daughter."

Napangiti naman si Manuel sa mga sinabi ni Papa para sa kaniya. Hinaplos ko naman ang kaniyang balikat nang makita kong nangingilid na ang kaniyang mga luha. Napakagat labi na lamang ako.

Against the Waves (Malapascua Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon