Capítulo 08

42 5 0
                                    

Manuel Fernandez POV

Maaga akong pumasok ngayon dahil ngayon ko titignan ang mgah pending request ng mga clients at iba pa. Habang abala ako sa pagtitipa ng mga letra sa aking laptop at sa pagtingin ng mga papeles ay may biglang kumatok sa pintuan ng aking opisina.

"Come in."

Malamig kong sabi sa kaniya at hindi ko na nilingon ang aking sekretarya, masyado akong busy para lingunin pa siya.

"Sir nasa labas po si Melanie."

Napatigil naman ako sa aking ginagawa at iniangat ko ang aking paningin sa kaniya. Anong kailangan ni Melanie?

"Papasukin mo siya ngayon din."

Kaagad kong tugon sa aking sekretarya at napatango naman ito tsaka lumabas ng aking opisina.

Nakita ko naman si Melanie na may dalang kape. Napangiti naman ako ng wala sa oras. I guess I need to take some break sometimes, kahit ilang minuto lang.

"Sir Manuel, uminom po muna kayo ng kape dahil alam ko pong pagod po kayo. Sorry po kung dinalhan kita ng kape kahit hindi mo naman iniuutos."

Sabi niya sa akin at kaagad naman niyang inilapag ang kapeng dala niya sa table ko. Nginitian ko naman siya at sinagot.

"It's okay Melanie. Siguro kailangan ko munang magpahinga ng ilang minuto dahil sumasakit ang ulo ko sa mga binabasa ko."

Sabi ko sa kaniya at nagsalita naman siya kaagad.

"Sir Manuel, salamat nga po pala sa pagpapatira sa akin dito sa hotel ninyo. Huwag po kayong mag-alala, pag nakapagluwag-luwag na po ako ay hahanap po ako ng aking matutuluyan."

Napakunot naman ang aking noo, bakit pa siya hahanap ng ibang matutuluyan kung ibinigay ko na rin naman sa kaniya ang hotel room na 'yun.

"You don't need to do that Melanie, ibinigay ko na 'yun sayo. Atsaka huwag ka nang mag-abala pa na maghanap ng matutuluyan, save your money as your allowance."

Nanlaki naman ang kaniyang mga mata sa aking mga sinabi. Sinimsim muna ako ng kape tsaka ko ito inilapag ulit.

"Pero sir Manuel nakakahiya naman po."

"Huwag ka nang mahiya, dapat masanay ka na."

Natatawa kong sabi sa kaniya at bigla namang sumeryoso ang timpla ng kaniyang mukha.

"Naninibago lang po kasi talaga ako sir Manuel, kasi hindi naman po ganito si Mr. Fernandez noong siya pa ang namamahala ng buong Malapascua. Sa tingin ko po, iba kayo."

Bigla namang bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa mga sinabi ni Melanie sa akin. Nagkatinginan naman kaming dalawa, hindi ko nga rin alam kung bakit ko ito ginagawa sayo Melanie eh.

"Well, iba ako kay Dad kaya ko nagawa ito."

Yun nalang ang aking nasabi at hindi naman siya kaagad nakasagot. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kaniyang mukha. Matangos na ilong, maninipis at mapupulang mga labi, maputi at makinis ang balat, may mga mala-kayumangging mata.

"Alis na po ako sir, babalik na po ako sa trabaho."

Sabi niya sa akin at tango nalang ang aking iginanti. Naubusan na ata ako ng sasabihin pag siya ang nagiging kaharap ko. Napalingon naman ako sa aking telepono, napabuntong hininga naman ako tsaka ko ito sinagot.

Against the Waves (Malapascua Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon