Capítulo 42

34 3 0
                                    

Embarazada


MELANIE DELA ROSA'S POV

I am extremely nervous right now! Based on Tita Amore's tone, talagang may gusto siyang sasabihin sa akin. Hindi naman ako manhid para sabihin na... hindi ako matatakot sa mga magiging kalalabasan ng aking pag-amin sa kanila.

Pumunta muna kami ni Manuel sa opisina para magpaalam sa aking sikretarya. Bago kami tumungo papuntang Airport. Sinabi niya sa akin kanina na, nandoon raw ang isa pa niyang pinsan na piloto.

Habang nasa kalagitnaan kami ng himpapawid ay bigla namang hinawakan ni Manuel ang aking kaliwang kamay at ipinagsalikop ito sa kaniya.

He look at me with full of concerns. Kailan ba matatapos ang problemang ito? Gusto ko ng mabuhay nang walang inaalala at iniisip na problema. This is actually... to much.

"Hey, are you okay? You look pale," he said in a low tone.

I smiled to him and nodded. I put my head on his shoulder, hinaplos naman niya ang aking buhok.

"Everything will be alright, Melanie. I'm here, I'll help you."

Sabi niya sa akin.

Everytime when I'm in trouble, Manuel will always be there to save my ass. To save my problems. Tapos noong siya naman ang nagka-problema, iniwan ko siya. Selfishness will eat your conscience. I never having a second thoughts, before I leave him... pero kalaunan... na-konsensiya ako at gustong-gusto kong bumalik ulit ng Cebu, pero hindi ko na magawa.

Ilang oras rin ang nagtagal, bago kami nakarating sa NAIA. Pinagtitinginan naman kami ng mga tao rito sa Airport. Habang si Manuel naman ay nakahawak sa isang kamay ko habang malamig ang ekspresyon na nakatingin lang sa dinadaanan. He's also wearing a Calvin Klein attire and shades from Dior. Nilingon naman niya ako at nginitian, bago kami lumabas ng Airport.

Kaagad namang may pumaradang isang itim na sasakyan sa aming harapan. Lumabas naman ang isang nakapang-unipormeng lalake. May airpad pa ang kabilang tenga nito habang nakasuot ng itim na sungglasses. Pinagbuksan naman nila kami ng pintuan.

"Fred, sa mansion ng mga Valenciaga tayo dumiretso," ma-awtoridad na utos ni Manuel sa driver, bago ito tumango sa kaniya.

Namilog ang aking mga mata sa sinabi ni Manuel.

"Manuel," tawag ko sa kaniya.

"Don't worry, ihahatid lang kita sa inyo. I want to make sure you're safe."

Sabi niya sa akin. Napatango na lamang ako, sana matapos na ang lahat ng ito. Sana maging maayos na ang lahat.

Nasa labas pa lamang kami ng gate ay kinakabahan na ako. Hindi ko naman pwedeng isama si Manuel sa loob, dahil paniguradong nag-aabang sila Tita Amore at Garreth doon. Ayokong mag-away sila Garreth at Manuel, lalong-lalo na dahil sinabi sa akin ni Manuel na mag-business partners silang dalawa ni Garreth.

Nilingon ko naman si Manuel at nakatitig lamang siya sa akin.

"Mauna na ako," mahinahon kong pagpapaalam sa kaniya.

He sighed and he look at me with his sorrowful eyes. He tilted his head and kissed me on the lips. Tinugon ko na lamang ito at kaagad naman siyang bumitaw sa aming halik.

Tinignan naman niya ako nang mapupungay ang mga mata. He caressed my neck softly.

"Take care, okay? Don't forget to text me."

Sabi niya sa akin. Napatango na lamang ako sa kaniyang sinabi. Inilapit naman niya ang kaniyang bibig sa aking kaliwang tenga.

"I love you," he whispered with full of sincerity and love.

Against the Waves (Malapascua Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon