Capítulo 20

39 3 0
                                    


Melanie Dela Rosa's POV

Pagkatapos ng mga nangyari ay parang bumalik na sa normal ang lahat. Hindi ko pa rin pinapaalam kay Manuel na umalis na ako- erase that. Pinaalis ako ng kaniyang ina, ayoko kasi na mag-away silang dalawa nang dahil lang sa akin.

Baka mas lalo lang akong kamuhian ng kaniyang ina kapag ginawa ko 'yun. 

Napabuntong hininga naman akong muli bago 'ko tinungo ang table number eighteen. Kaagad kong inilapag ang kaniyang order at napatingin naman ako sa kaniya. Kaagad naman niyang hinubad ang kaniyang sungglasses.

Napalunok naman ako nang dahil sa kagandahan niya, maganda siya. Sobrang ganda, isama mo pa 'yung mahabang legs niya at ang matangos niyang ilong at ang katayuan niya na nagsasabing hindi siya basta-bastang babae. She's class, and elegance. 

Ngumiti naman siya sa akin bago siya nagsalita sa aking harapan.

"Thank you." 

Napatango na lamang ako sa sinabi niya at kaagad akong bumalik ng kitchen. Nakita ko rin sila Nikki at iba pang mga kasamahan ko sa trabaho na nakatingin rin sa babaeng kumakain. Napakunot naman ang aking noo at nagulat naman ako nang kinausap ako ni Nikki.

"Bumalik na talaga siya, ano naman kaya ang dahilan ng pagbabalik niya rito? Diba? Hindi na rin naman siya welcome rito?" Sabi ni Nikki sa akin. 

"Bakit naman ako ang tinatanong mo niyan? Hi-hindi ko rin alam 'yan."

Napaawang naman ang bibig ni Nikki sa aking sinabi.

"Anong ibig mong sabihin na hindi mo alam? Don't tell me? Hindi mo siya kilala?" 

Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko at napatingin ulit ako sa babaeng hinatidan ko ng order niya kanina.

"Sino ba siya?"

Bumulong naman sa akin si Nikki at parang huminto ang mundo ko dahil sa sinabi niya sa akin.

"Ex-girlfriend 'yan ni Sir Manuel na boyfriend mo ngayon. Siya si Georgina. Georgia for short."

Kung ganoon nga, ano naman kaya ang ginagawa niya rito? Nandito ba siya para kay Manuel? Makikipagbalikan ba ito sa Manuel ko? 

"Nagbakasyon lang siguro." 

Maikli kong sagot sa kaniya bago ko ipinagpatuloy ang aking ginagawa. Hour has passed at kaagad akong umuwi sa boarding house na tinutuluyan ko. Wala na kasi akong choice eh, nanghingi ako ng tulong kay Nikki since siya lang 'yung medyo ka-close ko dito sa restaurant.

Nagbihis kaagad ako ng uniform at kaagad kong isinarado ang pintuan sa boarding house at biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko nang makita ko si Manuel sa tapat ko. Nakasandal siya sa labas ng kaniyang kotse habang nakakunot ang noong nakatingin sa akin.

Nagkatinginan muna kaming dalawa bago siya unti-unting lumapit sa akin. Nakapang-polo at slocks pa siya, halatang nanggalin pa siya sa isang meeting. Paano naman niya nalaman na nandito ako?

"Why you didn't tell me? Huh? Kung hindi ko pa pinilit si Nikki na sabihin sa akin ang totoo, hindi ko 'to malalaman." 

Pagalit niyang sabi sa akin, napabuntong hininga naman ako at tinignan ko naman siya. 

"I'm sorry Manuel, ayoko lang kasi na mag-alala ka nang dahil lang sa akin."

"Bullshit!" 

Napatalon naman ako sa biglaang pagsigaw niya sa akin. Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko, alam kong hard-headed siya at mas lalo ko lang siyang ginalit nang dahil lang sa paglilihim ko sa kaniya, and I understand that.

Against the Waves (Malapascua Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon