Capítulo 09

39 5 0
                                    

Manuel Fernandez POV

Nagising ako dahil sa sakit ng aking ulo, parang bibiyakin ata ang ulo ko eh. Dahil siguro ito sa alak na ininom ko kagabi. Lumingon naman ako sa bedside table ko at tinignan kung ano ng oras. Nakita ko naman na alas-ocho na ng umaga at kailangan ko pang bumangon dahil kailangan ko pang pumasok sa opisina. Bigla naman akong natigilan ng maalala ko ang mga ginawa ko kagabi.

Fck! Marahas naman akong napabuntong hininga, did I just kissed Melanie yesterday?! Kaagad ko namang iniabot ang alak na nasa bar counter ng kitchen ko. Kaagad ko itong nilagok at napapikit naman ako ng dahil sa tapang nito. Ano nang maihaharap ko kay Melanie?! Naalala ko lahat, ang buong pangyayari!

Nag shower muna ako bago ko kinuha ang susi ng sasakyan ko, kinuha ko muna ang shades ko at tinungo ang parking lot. Nang makarating na ako sa parking lot ay hindi ako lumingon sa restaurant na pinagtatrabahuan ni Melanie, napapikit naman ako. Bakit ko pa kasi siya hinalikan kagabi?! Nasira tuloy ang isang Manuel Fernandez ng dahil sa akin!

Napagplanuhan ko na bumili ng flowers sa flower shop. Hindi ko alam kung ano ang paborito niyang bulaklak, siguro I should pick tulips for her.

Kaagad akong lumapit sa cashier at nginitian naman niya ako. Tinanggal ko muna ang shades ko at pinagmasdan ang mga bulaklak na naka-display doon.

Hinarap ko naman ang babae tsaka ako nagsalita.

"Miss, may tulips ba kayo rito?"

"Yes sir, kararating nga lang po kahapon eh. Medyo mabigat lang po sa bulsa ang presyo pero paniguradong magugustuhan naman po ito ni Madam Georgia."

Nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang mga sinabi. Napakunot ang aking noo, calm down Manuel. Hindi maganda ang makipag-away sa isang trabahante.

"No, hindi si Georgia ang bibigyan ko ng  bulaklak, just give me 1 dozen of pink tulips."

Malamig kong sabi sa kaniya at nataranta naman siyang bumalik sa loob at pinaayos ng worker nila ang malaking bulaklak. Kaagad namang natapos ang pag-aayos nila sa bulaklak at kaagad nilang ibinigay sa akin. Kinuha ko naman ang card ko sa wallet at iniabot sa kaniya.

"How much?"

Tumingin muna siya sa kaniyang computer tsaka niya ako sinagot.

"Fifteen thousand po lahat 'yan Sir Manuel."

Tumango lang ako sa sinabi niya at kaagad ko itong binayaran. Pagkatapos kong magbayad ay tinungo ko kaagad ang hotel pabalik. Napamura naman ako ng lihim, bakit ba hindi pa nila makalimutan ang babaeng 'yun?! Bakit hanggang ngayon usap-usapan pa rin siya ng buong Malapascua! Kaya nga ayoko ng bumalik dito eh, dahil ayokong bumalik ang lahat sa dati! I'm not the old Manuel Fernandez! Hinding hindi ko na hahayaan na bumalik 'yun!

Ipinark ko kaagad ang sasakyan ko at dumiretso kaagad sa loob ng elevator. Mabuti nalang at hindi nila nahalata na may dala akong bulaklak. Mukhang maraming customers ang restaurant ngayon kaya hindi nila ako napansin.

Pagkarating ko sa opisina ay kaagad kong tinawagan ang front desk.

"Hello, Mr. Fernandez speaking. Gusto kong magpadala ng bell boy dito ngayon na."

Kaagad kong utos sa kabilang linya at sinunod naman nila kaagad. Naglagay muna ako ng ilalagay ko sa maliit na note na nakasabit sa bulaklak. I look like an idiot, smiling alone here in my office. Fck! What's wrong with me?! She's just Melanie, a simple Melanie!

Against the Waves (Malapascua Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon