Capítulo 43

47 3 0
                                    

Família


MELANIE DELA ROSA'S POV

Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari sa kanilang dalawa. Lalong-lalo na dahil nayayanig ang galit nilang dalawa para sa isa't-isa. I need to see them, I can't just lay here and think what will happen next!

Babangon na sana ako kaso bigla akong pinigilan ni Tita Amore. Her eyes were full of concerns, regrets... mix emotions.

"Anak, huwag ka munang gumalaw. Don't worry, pinasundan ko naman sila ng bodyguard natin eh. You shoul rest," mahinahon niyang sabi sa akin.

Iniwas ko nalang sa kaniya ang aking paningin. I admit, I am mad. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ba ako ng tadhana o gusto niya talagang mangyari ito sa buhay ko. I want an explanation, from everything that happens!

"I want an explanation, Tita Amore."

Nagulat naman siya sa aking sinabi, pero napabuntong hininga na lamang siya. Hindi niya ako masisisi kung bakit hanggang ngayon... ay Tita Amore pa rin ang tawag ko sa kaniya. How can I call her a mother, even though for the past years of my life? Naniwala akong patay na talaga si Rebecca Dela Rosa, nagpalit lang pala ng pangalan. How could you believe that, anyway?

"Anak... nangibang bansa ako para matustosan ko ang mga pangangailangan mo. Dahil, alam ko naman... simula pa sa umpisa, na hindi talaga papayag ang mga magulang ni Ben, na ako ang makatuluyan ng kanilang anak. Nagtanan kami ng ama mo, nagpakalayo-layo. Dahil mahal namin ang isa't-isa, ay may nangyari sa amin. Nasabi ko noon sa sarili ko na... hindi ko siya bibitawan kahit na gaano pa kahirap ang sitwasyon namig dalawa. But his parents were too evil, wala silang pakialam kung masaktan man ang damdamin ng anak nila. They want Benedicto to manage their company and businesses, kaya kinuha nila si Ben. Sapilitan nila itong kinuha, tinutokan pa ako ng baril nang mga tauhan ng mga Benavente, pinapapili nila si Ben... kung ang pamilya ba niya, o ako. But Ben was always be Ben. Kung ano 'yung naging desisyon niya, 'yun ang pipiliin niya. But that time... he choose his family, he choose his career and I understand that. Dahil alam niyang babarilin ako ng mga tauhan ng kaniyang mga magulang kung... pipiliin niya ako. It's so hard to choose between love and sacrifices, anak. Kahit na alam niyang magkaka-anak kaming dalawa... wala pa rin siyang nagawa, he left me... broken..."

Suminghap muna siya bago niya ipinagpatuloy ang pagpapaliwanag sa akin. Tumutulo na rin ang kaniyang mga luha at niyayakap na nito ang kabuuan ng kaniyang pisngi.

"Palage kong pinapaalala sa sarili ko na... dapat maging matatag ako, para sa'yo. I need to be brave, because I am alone. Simula noon, hindi ko na inisip si Ben, pero bago ako umalis ng bansa? Nag-iwan ako ng sulat sa kaniya... hindi ko alam kung natanggap ba niya 'yun o hindi. Between those two important words anak, I choose... sacrifices, 'di bale nang masaktan ako, madurog ako... basta ang magiging buhay ng anak ko, hindi niya mararamdaman ang mga naranasan ko noon. I am inlove with your father, kahit na... ilang taon na rin ang lumipas at hindi ko na alam kung nasaan na siya ngayon. I am still... into him."

Marahas ko namang inalis ang mga luha sa aking pisngi. Umalis siya para magkaroon ako ng magandang buhay, pero ano itong mga nangyayari sa buhay ko ngayon? Walang pinagkaiba sa kaniya.

"Alam ko ang rason ni Anna kung bakit ginagawa niya ang lahat ng ito. Hindi dapat ikaw ang nagdudusa anak! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari... edi sana hindi nalang ako umalis. Edi sana tiniis ko nalang kahit na maghirap tayong dalawa, sana tiniis ko nalang ang ganoong buhay."

Lumambot ang aking puso sa mga sinabi ni Tita Amore sa akin. Kahit na anong gawin kong pagtitigas, nararamdaman ko pa rin ang lukso ng dugo. She's still my mother.

"Hindi man lang kita... naalagaan, hindi ko man lang narinig ang unang salita mo... patawarin mo 'ko anak, patawarin mo ako."

Napatango na lamang ako, wala rin naman akong magagawa at hindi ko na rin naman maibabalik ang nakaraan... kung magmamatigas pa ako. Syempre, naghahangad rin ako ng pagmamahal ng isang ina. Kahit na... iniwan niya ako, hindi niya pa rin iyon kasalanan... dahil inilayo ako ni Auntie Anna at pinaranas sa akin ang mamuhay na mag-isa, ang gawing katulong.

Against the Waves (Malapascua Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon