Capítulo 01

87 7 0
                                    

Vida

Melanie Dela Rosa's POV

"Melanie! Table number eight!"

Sigaw ng manager namin sa akin. Abot-abot ang aking pawis dahil sa kaliwa't kanang utos sa akin. Bilang isang waitress, wala ka talagang ibang choice kung hindi ang sumunod sa utos ng manager. Wala naman akong ibang choice eh, kailangan kong mag trabaho. Kulang na nga lang palayasin ako ng Auntie ko dahil sa pagpaparinig sa akin na pabigat lang daw ako sa buhay nila.

Namatay ang Mama ko pagkatapos akong ipinanganak. High blood kasi siya, kaya inatake. Hindi ko man lang nasilayan si Mama, ang Papa ko naman? Ewan ko, hindi ko alam. Ang kuwento kasi ni Auntie sa akin ay hindi raw pinagutan si Mama. Iniwan nalang daw ito na parang isang tuta, walang gustong kumuha.

Buong buhay ko wala akong ibang naririnig kung 'di ang mga sigaw ni Auntie na masakit na sa tenga. Pabigat lang daw ako at wala daw akong silbi. Sayang nga at napatigil ako sa pag-aaral ko. Fourth year college na sana ako ngayon kung hindi lang ako pinahinto ng Auntie ko. Samahan pa nang demonyita niyang anak na si Amelia.

Walang ibang ginawa kung hindi siraan ako sa Mama niya, kung may sapat na pera lang sana ako? Hinding hindi ako makikisiksik sa pamamahay nila, kulang na nga lang isuka nila ako na para bang hindi ako isang kapamilya. Pamangkin pa man din sana ako ni Auntie pero kung ituring niya ako ay parang isang pulubi na walang pinag-aralan.

Gusto kong sisihin ang ama ko sa sitwasyon ng buhay ko ngayon. Siguro, kung pinakasalan lang niya si Mama? Siguro hindi ako maghihirap nang ganito. Hindi sana ako nagpapakapagod dito para lang kumita ng pera para may pang tustos sa pang-araw araw ko. Napapamura nalang talaga ako sa buhay ko ngayon.

Pagkatapos kong maibigay ang lahat ng mga orders nila ay pumunta muna ako sa locker ko at kinuha ang panyo, para punasan ang nanunubig kong pawis.

Napapitlag naman ako nang may nagsalita sa aking likuran. Nakita ko naman si Dante na nakangiti sa akin.

Manliligaw ko siya. Actually, matagal na siyang nanliligaw sa akin pero wala pa akong plano na sagutin siya. Aahon muna ako sa hirap bago ko siya pagtuonan nang pansin.

"Oh? May kailangan ka ba, Dante?"

Pagtatanong ko sa kaniya. Kaagad naman siyang umiling at nginitian ako.

"Wala lang, gusto ko lang masilayan ang kagandahan mo."

Napatawa nalang ako sa sinabi ni Dante sa akin. Magkasama kami sa trabaho, waiter din kasi siya dito.

"Bakit? Araw ba ako kasi gusto mong masilayan?"

Lumapit naman siya sa akin. Nasasanay na ako sa presensiya niya, hindi na ito bago sa akin. Kung hahalikan naman niya ako, paniguradong sampal ang aabotin niya sa akin.

"Oo, ang ganda ganda mo kasi Melanie, eh. Sagutin mo na kasi ako para makapagpakasal na tayong dalawa."

Malambing niyang sabi sa akin. Nginitian ko naman siya ng sarkastiko bago ako tumalikod sa kaniya.

"Anong tingin mo sa akin? Kaladkaring babae? Na papayag nalang basta-basta? Para lang makatikim nang pag-ibig? Pasensiya ka na, Dante. Wala pa kasi talaga akong plano para diyan. Wala pa nga akong plano na sagotin ka eh. Pagpapakasal pa kaya?"

Against the Waves (Malapascua Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon