Capítulo 28

32 3 0
                                    

MELANIE DELA ROSA'S POV

Lumipas ang ilang araw ay ganoon na ang naging estado ng mga buhay namin. Nakatira ako sa iisang bubong, kasama si Manuel. 

Hindi na rin naman kami ginugulo ng kaniyang ina pero hindi pa rin mapanatag ang aking loob. Kahit na ako 'yung pinili ni Manuel, parang... parang mali pa rin, iniwan niya ang buhay niya para lang sa akin. Iniwan niya ang pamilya niya at responsibilidad niya bilang isang anak para sa akin. Mas lalong iniwan niya ang mga pangarap niya, para sa akin.

Ang pang-kabuhayan lang namin rito sa Bantayan ay ang kaniyang pangingisda. Atticus wants to help us, pero palage nalang niyang sinasabi na kaya niya na raw. Pero sa tuwing nakikita ko siyang maagang gumigising para mangisda kasama sina Manong Edgar ay parang sinasaksak ang aking puso ng ilang beses. Kahit hindi niya sabihin sa akin? Alam na alam ko at nararamdaman kong nahihirapan siya.

Hindi siya sanay sa buhay na ganito, hindi dapat siya nandito sa akin. Hindi dapat siya ngayon naghihirap ng dahil lang sa isang babae. Ng dahil lang sa akin. 

"Okay ka lang?" 

Nabalik lang ako sa realidad ng biglang magsalita si Manuel habang nagmamaneho. Kaagad naman niyang ipinagsalikop ang magkabilang kamay namin. Napaawang na lamang ang aking bibig. Nasasaktan ako.

"Oo," tipid kong sagot sa kaniya.

Graduation na namin ngayong friday, hindi man naibalik ang scholarship ko, nagawa ko naman ang magtagumpay. Masaya si Manuel sa aking ibinalita sa kaniya na ga-graduate na ako, gusto niya na siya ang unang makasaksi ng tagumpay ko. 

Hindi rin nakatakas sa buong Malapascua ang issue tungkol sa mga nangyari. Lalong lalo na ang estado ng buhay ngayon ni Manuel, hindi  makapaniwala ang mga tao sa mga nasagap na balita pero binalewala lamang ni Manuel ang lahat. Na para bang wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba, wala siyang pakialam sa paligid niya. Ang tanging nasa isip niya ay... ako, ako lang. 

Kaagad naman akong bumaba ng kaniyang kotse at tuluyan ng pumasok sa loob ng Unibersidad. Nasa pathway pa lamang ako pero naririnig ko na ang ibang mga bulong ng mga studyanteng nandito.

"Hay naku! Kung hindi lang dahil sa kaniya, paniguradong hindi mangyayari ang lahat ng ito." 

Napalunok na lamang ako habang nakikinig sa kanila ng hindi lumilingon.

"Unti-unti ng bumabagsak ang kompanya nila dahil hindi na si Manuel ang nasa posisyon, atsaka 'yung ama naman niya ay narinig kong isinugod raw sa ospital kahapon."

Nagpantigan ang aking magkabilang tenga dahil sa mga sinabi ng isang mahabang buhok. Napalingon naman ako sa kanila at nagmadali naman silang umalis sa aking harapan. Totoo ba ang lahat ng iyon?

Unti-unti ng nalulugi ang kompanya nila? Paano kung tuluyan 'yung mawala, may posibilidad pang mawala ang Malapascua... sa mga kamay nila kung sakaling i-bente nila ito. Atsaka si Mr. Fernandez, napasapo naman ako ng aking noo. Kung sasabihin ko naman kay Manuel na iwanan nalang niya ako, paniguradong magwawala 'yun at mas lalong hindi 'yun papayag sa gusto kong mangyari. 

Ayoko mang magkahiwalay kaming dalawa, naaawa naman ako sa mga taong nagmamahal sa kaniya. Ang pamilya niya, ang ina niya at higit sa lahat? Ang mga trabahanteng umaasa sa kanila. Nabanggit sa akin ni Manuel na hindi magaling si Constantine pagdating sa negosyo, kaya siya ang ginawang Vice President.

Ngayong wala na siya sa posisyon niya? Paniguradong... pwedeng maglaho ang lahat ng mga pinaghirapan nila. Ang lahat ng mga pinaghirapan niya.

Punong-puno ang aking utak ng problema ng biglang may humintong SUV sa aking harapan. Papunta na ako ngayon sa trabaho ko sa restaurant, hindi na ako nagpapasundo kay Manuel tuwing papasok ako sa restaurant dahil mapapagod lang 'yun.

Against the Waves (Malapascua Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon