Invitación
AMELIA DELA ROSA'S POVDalawang linggo na ang nakalilipas pero hindi pa rin gumigising si Manuel. Nag-aalala na ako sa kaniya, nasasaktan ako.
Please, Manuel... wake up.
Hawak-hawak ko naman ngayon ang kaniyang kaliwang kamay habang nakapikit at tumutulo ang aking mga luha. Parang awa mo na Manuel, gumising ka na please? Hindi ko kakayanin.
"Lage mong tatandaan, hindi kita iiwan Manuel. Kahit na ano pa ang mangyari," sabi ko sa kaniya kahit na alam kong hindi naman niya iyon maririnig.
Mabuti nalang at pinayagan ako ng mga Fernandez na makadalaw sa kaniya at makausap. Hindi pa rin nila ito pinapaalam kay Mr. Fernandez at baka atakihin na naman ito sa puso kung sasabihin nila ang tungkol sa mga nangyari kay Manuel.
"Gumising ka na please," pagmamakaawa ko sa kaniya bago ko hinalikan ang ibabaw ng kaniyang kaliwang kamay.
Biglang bumilis ang pagtibok ng akong puso nang maramdaman kong biglang pumisil ang kaniyang kamay sa akin. Napangiti naman ako at nabuhayan naman ako ng wala sa oras.
"Manuel," masayang banggit ko sa kaniyang pangalan.
Mas lalong lumundag ang aking puso nang makita kong unti-unti niyang ibinubuka ang kaniyang mga mata.
"Oh my god! Gising ka na! Kailangan nilang malaman ito," sabi ko sa kaniya at nakita ko naman ang paglingon niya sa akin.
Hindi pa siya makakapagsalita dahil may apparatus pang nakalagay sa bibig niya. Kaagad ko naman siyang hinalikan sa noo bago ko siya kinausap.
"I'll be back okay? Sasabihin ko lang kay Tita Ophelia na gising ka na, at para na rin ma-check ka ng doktor mo."
Masaya kong sabi sa kaniya bago ako lumabas ng ICU. Kaagad kong hinanap ang nurse station at pinaalam ko naman sa kanila kaagad na gising na si Manuel Fernandez. Kaagad naman silang gumawa ng aksyon at pati na rin ang doktor ni Manuel ay nagmamadaling pumasok sa ICU.
Kaagad ko namang pinuntahan sila Tita Ophelia sa hospital room kung saan nakalagay si Mr. Fernandez, ang ama ni Manuel.
Napatingin naman silang lahat sa akin at napakunot naman ang noo ni Tita Ophelia habang nakatingin sa akin.
"Tita Ophelia... may sasabihin po ako sa inyo, sandali."
Mahinahon kong sabi sa kaniya para hindi mahalata ni Mr. Fernandez na may itinatago kaming sikreto sa kaniya. Mukhang nakuha naman nila ang gusto kong iparating kaya nauna naman si Tita Ophelia na lumabas ng hospital room at kinausap ako.
"What happened, hija? May nangyari ba?"
Nag-aalalang tanong ni Tita. Kaagad namang lumabas si Constantine at Jonas.
"Gising na po si Manuel, Tita."
Masaya kong balita sa kanila at nakita ko naman ang unti-unting pag-ngiti ni Tita Ophelia at narinig ko rin ang pagbuntong hininga nila Constantine at Jonas nang dahil lang sa aking ibinalita.
"Oh God! Thank you!" sabi niya at kaagad naman kaming dumiretso sa ICU para mapuntahan na namin si Manuel.
"Hulog nang langit ka talaga hija, ikaw lang ang nagpagising sa anak namin."
Masayang sabi ni Tita Ophelia at napangiti naman ako nang dahil lang doon.
Kaagad naman kaming sinalubong ng doktor at sa labas ng ICU at ngiti naman ang isinalubong niya sa amin.
"How's my son, Doc?"
"It's a miracle. Bihira na lang ang mga pasyentemg nakaka-recover from a coma experience. Sa ngayon, kahit na gising na siya, kailangan pa rin namin siyang obserbahan. Para magtuloy-tuloy ang kaniyang paggaling."
BINABASA MO ANG
Against the Waves (Malapascua Series #1)
RomanceManuel Fernandez, a determined and ambitious businessman, finds his world shattered when his father appoints his brother as Chief Executive Officer, leaving Manuel feeling sidelined and underestimated. Constantine, his brother, embodies everything M...