Capítulo 02

60 6 0
                                    

Señor Fernandez

Melanie Dela Rosa's POV

Maaga akong pumasok ngayon sa restaurant na pinagtatrabahuan ko kasi sabi nila darating daw ngayon ang may-ari ng resort. May pa welcome party kumbaga. Kaya heto ako ngayon nagtutulong habang naglilinis ng lamesa, mamayang 4 pm ay ico-close muna namin ang restaurant kasi may surprise na magaganap.

Wala namang bago eh, ang matandang lalaki lang naman ang pumupunta dito, bibisita kung ano na ang kalagayan ng kanilang resort. Halos lahat ng resort dito sa malapascua ay pag-aari ng mga Fernandez, pero hindi ko na 'yun pinagtuunan ng pansin. Wala akong oras para riyan.

Nilapitan naman ako ng manager namin at may iniabot na lists ng mga bibilhin.

"Pasensiya ka na talaga Melanie pero wala kasi akong ibang mautosan eh. Busy rin si Dante sa pagbubuhat ng ibang gamit atsaka nagse-serve rin ang ibang mga kasamahan mo. Pwede bang ikaw nalang muna ang bumili nito? Maliit lang naman eh."

Tumayo muna ako at kinuha ang papel na may lamang mga lists ng bibilhin ko.

"Wala pong problema Ma'am."

Nakangiti kong sabi sa kaniya at tinanggal ko muna ang itim kong apron at hairnet tsaka ako lumabas ng restaurant. Napalingon naman ako ng lumapit sa akin si Dante.

"Miss Ganda! Saan ka pupunta?"

Umikot naman ang aking mga mata ng palihim. Isa din ito sa mga dahilan kung bakit ayoko siyang sagutin eh, kasi napakaseloso. Aalis lang ako saglit, ang dami ng gustong itanong, kung ano daw ba ang gagawin ko? Kung sino daw ba ang kasama ko? Kung marami bang mga lalake sa pupuntahan ko? Alam mo 'yun? Napakahigpit at ayokong sinasakal ako.

"Bakit? Bakit ka nagtatanong Dante?"

Kumunot naman ang kaniyang noo habang buhat buhat pa rin 'yung gamit.

"Wala lang nagtatanong lang, sinong makakasama mo? Gusto mo? Samahan kita?"

"Dante hindi mo na ako kailangang samahan dahil sa palengke lang naman ako pupunta eh. Bibili ako ng mga ingridients. Dadating na mamaya ang may-ari kailangan kong magmadali. Ano nang oras? 2 pm na. Maraming tao ngayon sa palengke kaya kailangan ko nang kumilos."

Iritado kong sabi sa kaniya.

"Nagtatanong lang naman ako eh! Atsaka naninigurado lang ako, ayokong may kaagaw sayo Melanie! Tandaan mo 'yan!"

Nagulat naman ako sa mga sinabi niya sa akin. Bigla akong kinabahan, hindi naman ganito dati si Dante eh hindi siya naninigaw, lalong lalo na sa akin. Sinamaan naman niya ako ng tingin, tsaka siya umalis sa harapan ko. Kinakabahan na ako sa mga ikinikilos ngayon ni Dante, kailangan kong mag-ingat sa kaniya.

Hindi ko muna inisip si Dante at pumunta kaagad ako ng palengke. Maraming tao sa palengke kaya mukhang matatagalan talaga ako. Mahigit isang oras din akong natapos sa pamamalengke at pumara kaagad ako ng trcycyle pabalik ng resort.

Pagkarating ko ay nakita ko naman na close na, close na kaagad? Eh sabi sa akin ay 4 pm pa nila isu-surprise ang Mr. Fernandez, bakit napaaga naman ata? Pagkapasok ko sa harapan ay nagulat naman ako ng bigla silang sumigaw sa harapan ko sabay paputok.

Against the Waves (Malapascua Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon