Capítulo 04

49 6 0
                                    

Melanie Dela Rosa's POV

Maaga akong nagising dahil nagluto ako ng kakainin namin ngayong umaga. Atsaka kailangan ko ring pumasok ng maaga, ayokong maging pabaya sa pagtatrabaho ko.

Nagulat naman ako ng biglang lumapit si Amelia at tinignan ako ng nakataas ang kilay.

"Bakit? May kailangan ka?"

Pagtatanong ko sa kaniya. Kaagad naman siyang umupo sa lamesa at kumuha ng pagkaing niluto ko.

"Wala. Sabihin mo nga sa akin Melanie, nilalandi mo ba ang anak ng may-ari ng resorts dito?"

Pagtatanong niya sa akin. Napabuntong hininga naman ako.

"Hindi, atsaka bakit ko naman siya lalandiin? Wala akong oras para lumandi Amelia."

Tinawanan naman niya ako ng sarkastiko.

"Talaga lang ha? Mark your word Melanie."

Napakunot naman ang aking noo at nilapag ang itlog na niluto ko at tinignan ko siya ng mata sa mata.

"Ano naman ang ibig mong sabihin Amelia?"

Nginitian naman niya ako ng plastik.

"Malapit na akong makapagtapos ng pag-aaral at kapag naka graduate na ako ay mag-aapply kaagad ako bilang isang receptionist sa isa sa mga hotel ng mga Fernandez dito sa Malapascua at kapag natanggap na ako? Gagawa ako ng paraan para lang mapansin ni Manuel Fernandez. At kapag napansin na niya ako? Hindi ako titigil hangga't hindi siya nagiging akin. Matagal ko ng pinangarap na bumalik siya dito sa Malapascua, at ngayong nandito na siya? Hinding hindi ko na pakakawalan ang pagkakataong ito."

Mahabang sabi niya sa akin. So? Matagal na pala siyang may gusto kay sir Manuel? Ang taas naman ata ng pangarap ng pinsan ko. Pero kung 'yan ang gusto niyang mangyari sa buhay niya? Susuportahan ko siya, kung susuporta din ang tadhana sa gusto niyang mangyari.

Napapailing nalang ako ng palihim. Mas mabuting hindi ko nalang sasabihin sa kanila na si sir Manuel ang magbibigay sa akin ng scholarship, dahil paniguradong magwawala ang dalawang bruha sa buhay ko.

Kumain nalang ako ng aking agahan bago ako pumasok sa restaurant. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko si Dante, napatingin din siya sa akin pero kaagad niyang iniwas ang kaniyang paningin sa akin. Mas mabuting kausapin ko nalang siya mamaya para magkamabutihan na kaming dalawa.

Dumiretso kaagad ako sa kusina at parami na ng parami ang mga customers. Nakita ko naman na dumaan si Sir Manuel sa harapan ng resort habang may kausap na dalawang lalake, mukhang trabahador din 'yan ng resort. Bigla namang lumakas ang pagtibok ng puso ko ng napabaling ang kaniyang atensyon sa akin. Nagulat ako ng bigla niya akong nginitian.

Nabalik lang ako sa realidad ng nabuhusan ko ng juice ang isa sa mga customer namin.

Kaagad naman siyang napatayo at galit na galit na tumingin sa akin. Namantsahan ko kasi ang floral dress na suot niya. Ang tanga tanga ko naman kasi eh!

"Oh My God! What did you do?!"

Pasigaw na sabi niya at kaagad naman akong kumuha ng tissue para punasan ang namantsahan niyang damit pero tinabig naman niya ito kaagad. Halos nasa amin na lahat ang atensyon ng mga customers na kumakain dito.

Against the Waves (Malapascua Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon