Capítulo 27

31 3 0
                                    

MELANIE DELA ROSA'S POV

Nagising naman ako dahil sa katok na nagmumula sa labas ng boarding house namin. Kaagad naman akong lumabas ng kwarto at napatingin naman ako sa kwarto ng aking ka-boardmate pero mukhang tulog pa siya kaya ako nalang ang magbubukas.

Nanlaki naman ang aking mga mata ng makita ko ang may-ari ng bahay. Kunot-noo ko naman siyang tinignan.

Ano ang ginagawa niya rito? Sa susunod na buwan pa ang bayaran namin. Nginitian naman niya ako bago siya pumasok sa loob.

"Ma'am? May kailangan po ba kayo?" 

Pagtatanong ko sa kaniya. Kaagad naman siyang umiling bago siya bumaling sa akin.

"Hija, may sasabihin lang sana ako sa'yo," hindi ko maintindihan kung bakit parang kinakabahan ako ng wala sa oras.

Umupo na lamang ako sa katapat ng inuupuan niya. 

"Ano po 'yun, Ma'am?" 

May kinuha muna siya sa kaniyang slig bag at inilapag naman niya sa isang maliit na lamesa ang puting sobre.

"Pasensiya ka na, pero... kailangan niyo ng umalis rito sa bahay na ito. Uuwi kasi bukas ang kapatid ko at kailangan nila ng matutuluyan pansamantala."

Bigla namang bumilis ang pagtibok ng puso ko, bukas na agad? Parang ang bilis naman, kahit na bigyan nalang niya kami ng palugit.

"Ma'am? Baka naman po? Pwede sa susunod na araw nalang para makapaghanap pa, po kami ng matutuluyan." 

Kaagad naman siyang napailing sa aking naging suhestiyon.

"Pasensiya ka na hija, biglaan lang talaga. Atsaka naaawa na rin ako sa kapatid ko eh, kailangan nila ng bahay."

Napabuntong hininga na lamang ako 'tsaka ako tumango sa kaniyang mga sinabi.

"Sige po, salamat," kaagad ko namang kinuha ang perang nandoon at may nakalagay naman na dalawang libo.

"Hatiin niyo nalang 'yan ng ka-boardmate mo, paniguradong maiintindihan naman niya eh." 

Alam ko sa sarili kong kulang ang perang ibinigay ng may-ari sa amin, pero wala naman akong karapatan na mag-reklamo dahil boarders lang kami rito.

Pagkatapos naming mag-usap ay kaagad akong pumasok sa aking kwarto, hindi nalang siguro ako papasok ngayong araw. Maghahanap nalang ako ng ibang matutuluyan.

Bigla ko namang naalala si Manuel. Kailangan niyang malaman ito, sumusulpot lang kasi 'yun basta-basta rito. 

Kinuha ko nalang muna ang aking telepono at kaagad kong tinawagan si Manuel.

"Yes, baby?" Pambungad niya sa akin.

Paano ko ba sasabihin 'to sa kaniya? Hindi naman sa ayokong ipaalam sa kaniya, pero paniguradong tutulungan na naman niya ako.

"Manuel, may sasabihin sana ako sa'yo," kagat-labi kong sabi sa kaniya.

"What is it, baby?" Halatang galing pa siya sa pagtulog at mukhang nagising ko ata siya.

"Maghahanap ako ngayon ng bagong matitirahan," sabi ko sa kaniya sa kabilang linya.

"Hintayin mo ako diyan," malamig niyang sabi sa akin.

Sasabihin ko na sana sa kaniya na huwag na pero bigla na lamang niya ako binabaan ng telepono. Bakit pahirap ng pahirap ang sitwasyon ko? 

Naging mabait naman ako sa lahat, pero bakit parang... ako pa ang pinaparusahan ngayon. Si Amelia, maayos na ang buhay niya, buo na ulit ang pamilya nila. Habang ako? Wala na ngang ina, wala pang ama na nagmamahal.

Against the Waves (Malapascua Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon