Capítulo 06

51 6 0
                                    


Melanie Dela Rosa's POV

Hindi pa rin ako makatulog dahil sa mga sinabi ni sir Manuel kanina. Ginulo talaga niya ang isipan ko, hindi naman sa assuming ako pero iba talaga ang dating para sa akin eh. Napapailing iling na lamang ako at hindi ko namalayan ang oras na alas singko na pala ng umaga. Kailangan ko ng bumangon, bubuksan ko na sana ang pintuan ng kwarto para makaligo na ako ng mahulog ang brown envelope na ibinigay sa akin kahapon ni sir Manuel.

Napangiti naman ako ng wala sa oras, hindi ako makapaniwala na makakapasok na ulit ako. Matutupad na ulit 'yung mga pangarap ko, dahil may scholarship na ako.

Napatalon naman ako ng marinig ko ang boses ni Auntie.

"Hoy! Melanie! Gumising ka na dyan at magsaing ka dito ng bigas! Ikaw talaga kahit kailan wala kang kwenta!"

Napapikit naman ako dahil sa mga sinabi ni Auntie sa akin. Nagmamadali naman akong lumabas ng kwarto at nakapamewang naman siyang nakatingin sa akin.

"Magsasaing na po ako Auntie."

Kaagad kong sagot ko sa kaniya at tinaasan niya lamang ako ng kilay. Dumiretso kaagad ako sa kusina para magsaing ng bigas at magluto ng uulamin namin ngayon.

Pagkatapos kong magluto ay naligo kaagad ako at hindi na ako nagpaalam sa kanila na aalis na ako para magtrabaho. Ano naman ang pakialam nila? Magbabait-baitan lang naman sila pag may kailangan sa akin o di kaya ay manghihiram ng pera. Ano pa bang aasahan ko? Ganiyan na talaga ang pag-uugali nila. Pinapangako ko sa sarili ko na hahanapin ko ang aking ama, hahanapin ko siya at susumbatan ko siya bakit niya kami iniwan ng ina ko! Gusto ko siyang gantihan kung pwede!

Mabigat ang aking dibdib ng pumasok sa restaurant. Dumiretso kaagad ako sa locker's room at inilagay doon ang aking gamit. Habang naglalagay ako ng aking hairnet ay bigla namang pumasok si Ma'am Pauleen.

"Good morning manager. May kailangan po ba kayo?"

Pagtatanong ko sa kaniya at tinaasan naman niya ako ng kilay. Hindi ko sila maintindihan, palage nalang silang galit sa akin kahit wala naman akong ginagawa.

"Pinapasabi ni sir Manuel na ngayon daw ang lipat mo sa hotel."

Unti unti na lamang akong tumango sa kaniya at kinuha ko naman ulit ang aking sling bag at aalis na sana ako ng higitin niya ang aking braso.

Nanlaki naman ang aking mga mata dahil sa ginawa niya.

"Malandi ka talaga kahit kailan! Gumawa ka pa talaga ng eksena para mailipat ka sa hotel na tinutuluyan ni sir Manuel! Dapat sayo tinatanggal sa trabaho eh!"

Hindi ko na talaga sila matiis, below the belt na ang ibinibintang nila sa akin!

Inis ko namang hinablot ang braso ko at parang hindi naman siya makapaniwala sa ginawa ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Hindi porke't manager ka Pauleen, ay gaganituhin mo na ako. Tao pa rin ako at may damdamin ako, nasasaktan ako sa mga sinasabi mo! Hindi ko ginusto ang mga nangyari kahapon at mas lalong hindi ko ginusto ang mailipat sa ibang branch! Nasanay na ako dito, kaya pwede ba?! For once, act like a real manager! Hindi 'yung binabantayan mo nalang palage 'yung ikinikilos ko!"

Hindi naman siya nakasagot at kaagad akong umalis sa kaniyang harapan at tinungo ko ang hotel. Ang bagong restaurant na pagtatrabahuan ko.

Against the Waves (Malapascua Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon