Capítulo 10

47 5 0
                                    

Melanie Dela Rosa's POV

Ilang araw rin ang lumipas at ganoon pa rin ang mga nangyayari. Hindi ko hinahayaan na magkita kaming dalawa o magkatagpo kaming dalawa ni Sir Manuel. Mas mabuti na 'yung maputol na 'yung komunikasyon naming dalawa. Mas mapapanatag pa ang kalooban ko.

Ito ang unang araw na papasok na ako sa klase, sa wakas. Maitutuloy ko na rin ang mga pangarap ko sa buhay. Humarap muna ako sa salamin ng aking kwarto at napabuntong hininga. Nagi-guilty ako, nagi-guilty ako dahil nakikitira lang ako dito sa hotel ni Sir Manuel at may gana pa akong hindi siya pansinin. I mean, yes pagkatapos niyang ipabigay sa akin ang bulaklak ay hindi na rin niya ako tinawagan at tinext. Hindi naman sa hinihintay ko ang text niya o tawag niya, naninibago lang talaga ako.

Pagkatapos kong mag-ayos ay dumiretso kaagad ako sa elevator at pipindotin ko na sana ito ngunit may isang taong humabol para makapasok. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko ng makita ko si Sir Manuel. Halos habolin ko ang hininga ko at hindi ko maintindihan kung bakit ko ito nararamdaman ngayon! Hindi ko dapat ito nararamdaman!

Nananatili pa rin sa sahig ang aking mga paningin, habang siya ay ilang dangkal lang ang layo sa akin. Walang nagsasalita, hindi ko nga rin alam kung bakit parang bumagal ang pag-usad ng numero na nasa itaas. Ang bagal kumilos.

Bigla naman siyang tumikhim at napalingon naman ako sa kaniya. Sakto rin na nakatingin din siya sa akin, bakit ba ang gwapo-gwapo niyang tignan sa kaniyang business suit na suot ngayon. Napapailing na lamang ako sa aking isip.

"Melanie, I'm sorry. Alam kong hindi madali sayo ang patawarin ako. I'm sorry."

Nanlaki naman ang aking mga mata sa kaniyang mga sinabi. Ngumiti naman ako sa kaniya ng walang pag-aalinlangan.

"Tapos na po 'yun Sir Manuel, nangyari na po 'yun. Atsaka naiintindihan ko naman po kayo kung bakit niyo po 'yun nagawa sa akin."

Parang umismid ata ang dila ko dahil hindi ako makapagsalita ng maayos.

"Can I ask you a favor?"

Napalingon naman ako sa kaniya habang nasa akin pa rin ang buong atensyon niya habang nakalagay ang dalawa niyang kamay sa kaniyang magkabilang bulsa.

"Ano po 'yun sir?"

Ano naman kaya ang gusto niyang iparating sa akin?

"Can you be my d-"

*Ting!*

Hindi niya naituloy ang dapat sana niyang sabihin dahil biglang tumunog ang elevator. Nasa tamang palapag na ako. Bago ako umalis ay nagsalita muna ako sa kaniya.

"Sir Manuel, hmmm... i text niyo nalang po sa akin 'yung gusto niyo pong sabihin. Male-late na po kasi ako sa klase ko ngayon eh."

Yun nalang ang aking sinabi bago ko inapak ang aking mga paa palabas ng elevator. Alam kong nasa akin pa rin ang paningin niya at hindi pa rin niya inaaalis ito. Napahawak naman ako sa aking dibdib. Ano ba Melanie tama na!

Inalis ko na lamang 'yun sa aking isipan at pumara kaagad ako ng trycycle papuntang skwelahan. Bigla naman akong kinabahan. Hindi ako sanay, I mean 'yung mga iba kong ka batchmate ay grumaduate na sila. Mukhang ako nalang ata 'yung nahuli.

Against the Waves (Malapascua Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon