Capítulo 31

29 3 0
                                    

MELANIE DELA ROSA'S POV

Life doesn't always end like that, hindi ibig sabihin na lumaki kang mahirap ay tatanda ka na ring mahirap. Minsan kasi sa buhay, kung hindi ka magsusumikap at hahayaan mo lang ang sarili mo na manatili diyan sa kinauupuan mo, hinding hindi ka magbabago. Life thought me that no matter how hard to achieve our futures, there's always a light at the end of the tunnel. Hindi naman sa lahat ng panahon ay mananatili ka na lamang sa nakaraan mo, hindi sa lahat ng panahon mananatili ka na lamang sa dilim. God is always by my side, kaya nga siguro ako... nagkaroon ng marangyang buhay ngayon, tinulungan niya ako sa lahat ng bagay. Sa lahat ng mga challenges ko sa buhay, nandiyan pa rin siya para gabayan ako sa lahat ng bagay. 

Pinagmasdan ko naman ang nakalagay sa ibabaw ng aking lamesa. 

"Elina Dela Cruz" 

Napangiti naman ako ng pait, all these years. Dala-dala ko ang pangalang iyan, nagpagawa pa ako ng mga pekeng dokumento, in case lang kung may magtanong tungkol sa nakaraan ko. Alam kong masama ang magsinungaling, pero nagawa ko lamang iyon dahil... ayokong mahanap ako ng lalakeng mahal na mahal ko noon.

Don't fool yourself, Melanie. Your heart is too full for your pretty lies about the man you really love. Napabuntong hininga na lamang ako habang pinagmamasdan ang kabuuan ng France. Nasa loob ako ng aking opisina, ginawa ako ni Tita Amore bilang Vice President dito sa Valenciaga Apparel, dito mismo sa France. 

Akala ko nga, hindi na magbabago ang buhay ko. Akala ko, hindi na ako makakaalis ng Maynila na may dinadamdam. Parang sinasaksak ang puso ko ng ilang beses noong umalis ako sa Cebu at lumipad papuntang Maynila. It's been five years... simula noong umalis ako at pumunta rito.

Kamusta na kaya ang Maynila? May nagbago kaya doon? Kamusta na kaya ang Malapascua? Napapikit ako at biglang kumirot ang aking puso sa mga naiisip. Akala ko nakalimot na ako sa lahat-lahat, pero hindi... gaano man iyon katagal, kung napamahal ka na sa isang lugar ay hindi mo iyon makakalimutan ng basta-basta nalang.

Melanie? Hanggang kailan ka magpapanggap sa mga taong nagmahal at tumulong sa'yo? Hanggang kailan ka magpapakilala bilang si Melanie Dela Rosa at hindi bilang Elina Dela Cruz. Hindi na dapat ako matatakot dahil... sa tinagal na ng panahon, limang taon na nga ang lumipas eh. Paniguradong nakalimutan na niya ako, siguro nga... may asawa na 'yun ngayon at pamilyado na. May mga anak na kaya siya? Masaya kaya siya sa buhay niya ngayon?

Hindi ko maiwasan ang hindi isipin 'yun, lalong lalo na dahil hindi ko siya hinanap sa social media. Pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ko na guguluhin ang buhay niya, kung ano man siya ngayon? Masaya ako para sa kaniya. Dahil iyon lang ang pwede kong ialay sa aking sarili.

Palage naman akong nagpaparaya para sa ikakakasaya ng ibang tao. Hindi nila alam kung gaano ako nahirapan dahil sa pagsa-sakripisyo ko sa sarili kong kaligayahan. Because in the first place? They never really cared about me, mas inuuna nila ang nararamdaman nila. Di bale nang makasakit sila ng ibang tao. 

Palage akong naggi-give way sa lahat ng bagay. Pero... ipinapangako ko naman ngayon, na hinding hindi na 'yun mangyayari sa buhay ko. I will fight for my rights. Especially... when it comes to love. Pero sino ba ang niloloko ko? Wala nga akong boyfriend, sa nagdaang limang taon hindi ko man lang sinubukan ang pumasok sa isang relasyon ulit.

Siguro this time... susubukan ko na, ang magmahal ulit... pero sa ibang tao.

Napabaling naman ako sa aking table dahil biglang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko muna ito at nakita ko naman si Tita Amore ang tumatawag. 

"Yes, Tita?" 

Pambungad ko kaagad sa kaniya habang hindi ko inaalis ang paningin sa magandang tanawin ng France. 

Against the Waves (Malapascua Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon