Capítulo 24

38 3 0
                                    

Melanie Dela Rosa's POV


Nagising naman ako dahil may naaamoy akong mabangong pagkain. Pikig ang aking mga matang bumangon sa aking kama at bigla namang tuluyang nagising ang aking diwa nang maramdaman ko ang kakaibang pagkirot ng nasa aking gitna. 

Gi-ginawa ba talaga namin ang bagay na 'yun? Bigla namang nag-init ang aking paningin at biglang kumalabog ang aking dibdib nang makita ko ang pagkabukas ng pintuan sa aking kwarto at nakita ko naman si Manuel.

Nginitian naman niya ako bago niya inilapag sa aking munting kama ang niluto niyang pagkain. Napapikit naman ako nang maramdaman ko ang kaniyang mga labi sa aking noo.

"Good morning baby." Pagbati niya sa akin.

Ngumiti naman ako sa kaniya hanang nakatingin ako sa pagkaing inihanda niya para sa akin.

"Hindi mo na kailangang gawin 'to." Mahinahon kong sabi sa kaniya.

Sana ginising nalang niya ako para ako na ang nagluto ng magiging agahan naming dalawa.

"Ayoko kasing storbohin ka sa pagtulog mo eh. Atsaka kumain ka na, baka ma-late ka pa." Biglang lumambot ang puso ko dahil sa sinabi niya.

Kaagad maman niyang kinuha ang kutsara na nasa pinggan at sinubuan naman niya ako ng kanin. Hinding hindi ako magsasaaa sa ganitong mga pangyayari.

"Akala ko, umalis ka na at bumalik na sa hotel." 

Seryoso kong sabi sa kaniya at napatigil naman siya sa kaniyang ginagawa at bigla namang nabaling ang atensyon niya sa akin.

"Hindi ako aalis Melanie, hihintayin kita." Mapupungay na mga matang sabi niya sa akin.

Bakit parang kinabahan ako bigla sa sinabi niya? Bakit parang kakaiba ang tunog nun pagdating sa akin?

Kaagad naman niyang hinawakan ang aking kamay at hinagkan naman niya ito. Naiiyak ako, pakiramdam ko? Anytme, pwede siyang kunin sa akin ng mundo, ng tadhana.

"Dito lang ako, pangako 'yan... atsaka maligo ka na, ihahatid kita sa school niyo. Kukunin ko nalang muna 'yung sasakyan ko sa hotel tapos babalik kaagad ako rito." 

Napabuntong hininga naman ako... marami pa siyang aayusin sa kompanya nila, tapos sa hotel din, ano nalang ang sasabihin ng kaniyang mga magulang? Na binabakuran ko ang anak nila?

"Kaya ko naman eh, bumalik ka nalang sa hotel Manuel. Magkita nalang tayo mamaya sa restaurant." Marahas naman siyang bumuntong hininga at biglang nagkasalubong ang kaniyang mga kilay.

"Ihahatid kita." Ma-awtoridad niyang sabi sa akin bago siya lumabas ng aking kwarto.

Wala naman akong magawa kung hindi ang sumunod sa gusto niyang mangyari. Pagkatapos kong maligo ay siyang pag-alis niya sa bahay. Nag-ayos na lamang ako ng aking sarili at nagbihis kaagad ako ng aking uniporme.

Habang nagsusuklay ako ay napalingon naman ako sa pintuan ng bahay. Ang bilis naman atang makarating ni Manuel, sabi ko sa sarili ko at kaagad ko naman siyang pinagbuksan ng pintuan.

Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko nang makita ko si Georgia, ang ex-girlfriend ni Manuel. Ano naman kaya ang ginagawa niya rito? Napatingin naman ako sa kaniya mula ulo hanggang paa.

She's wearing a formal extravagant dress, floral ang design nito. Isama mo pa ang seven inches ng kaniyang suot-suot na silhoutte. Nakalukot din ang kaniyang buhok, napaka-red din ng kaniyang mga labi, at ang kaniyang kutis ay nagsusumigaw na galing siya sa isang marangyang pamilya.

Against the Waves (Malapascua Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon