Enfado
MELANIE DELA ROSA'S POVPagkatapos naming mag-usap ni Manuel kagabi ay kaagad akong bumitaw sa mga haplos niya sa akin. Hindi ko siya kayang titigan ng matagal, lalong-lalo na... dahil walana rin naman siyang nararamdaman para sa akin.
It's all over... hindi na pwedeng ibalik ang nakaraan.
Hindi ako nakatulog ng maayos nang dahil lang doon. Gising ang aking diwa buong gabi. Hindi ko na nga namalayan na umaga na pala eh, kaya lumabas muna ako para masaksihan ang pag-angat ng araw.
The cold with hot wind, embracing my heart as I watch the sun rises slowly from above. With the crystal blue waves. Ang ganda nitong tignan, mas lalo lamang akong nahuhumaling, sa tuwing pinapanood ko ang paghampas ng alon. Marahan ito, hindi kagaya kagabi na... halos mag-uunahan nang dahil lang sa galit.
Nanlaki naman ang aking mga nang maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran. Kaagad naman akong napaigtad at lumayo muna ng ilang distansiya kay Garreth.
Gulat na ekspresyon ang isinagot niya sa aking biglaang pag-usog. Hindi lang kasi talaga ako komportable eh, atsaka... sasabihin ko pa sa kaniya ang totoo kong nararamdaman. 'Tsaka na, kapag nakauwi na kami sa bahay.
"Good morning," he still greeted on me, even though there is something wrong with my actions.
"G-good morning."
Nauutal ko pang sagot sa kaniya.
Kaagad ko nalang ibinalik sa tanawin ang aking paningin, naiilang ako sa tuwing nakikita ko siyang nakatitig sa akin.
"I know it's too fast, Elina. And I understand, alam kong... naninibago ka pa sa'kin, pero... pwede naman nating kilalanin ang isa't-isa, hindi ba? Hindi bilang magkaibigan, kung hindi bilang magkasintahan."
Napalunok naman ako sa mga sinabi ni Garreth sa akin. Ayokong umasa siya, pero pinapaasa ko naman siya.
Sinagot ko lang naman siya kagabi, dahil ayokong mapahiya siya sa harap ng maraming tao. I don't want to erase thoses hopes in his yes, but I need to. Not in this situation.
Hindi naman ako makasagot sa kaniya, pakiramdam ko? Umismis ang dila ko at hindi na makapagsalita.
"Elina... are you mad at me?"
Kaagad naman akong napalingon sa kaniya at kaagad naman akong napailing. Bakit naman ako magagalit sa isang taong... wala namang ibang ginawa sa akin kung hindi ang magpakita ng kabutihan at pagmamahal. Parang ang sama-sama ko naman kung magagalit pa ako. After all he have done to me, ganoon lang ang isusukli ko sa kaniya?
"No, Garreth. Bakit naman ako magagalit sa'yo? Na-naninibago lang talaga ako, huwag kang mag-alala. I'll make it up to you."
Sabi ko sa kaniya, nginitian naman niya ako at niyakap ng napakahigpit. Hinagod ko naman ang kaniyang matigas na likod habang inaalon ang aking mahabang buhok sa likod.
"I love you, Elina."
Don't worry, Garreth. Babawi ako sa'yo sa ibang paraan. Sasabihin ko sa inyo ang totoo... pero bago iyon, kailangan ko muna ng sandamakmak na confidence.
Hindi ko kayang sagutin si Garreth, dahil pakiramdam ko... masasaktan ang puso ko, kung magsisinungaling pa ako. Kung dadagdagan ko pa ang mga kasinungalingan ko.
Pagkatapos naming mag-usap ni Garreth, ay kaagad naman akong nag-ayos ng sarili at lumabas na kami sa yacht. Nalaman ko rin sa isa sa mga crew na nauna nang umalis si Manuel. Kaninang mga alas-singko ng umaga.
Siguro... hanggang dito nalang talaga kami. Siguro... hanggang sa panaginip nalang mangyayari ang tunay kong kaligayahan.
Because the world, only shows to me the cruelness and harshness. I don't believe in fantasy, anymore. Kung noon... naniniwala pa ako, na balang araw, mangyayari at matutupad rin ang mga pangarap ko. Ngayon, biglang nagbago ang lahat.
BINABASA MO ANG
Against the Waves (Malapascua Series #1)
RomanceManuel Fernandez, a determined and ambitious businessman, finds his world shattered when his father appoints his brother as Chief Executive Officer, leaving Manuel feeling sidelined and underestimated. Constantine, his brother, embodies everything M...