accidente
AMELIA DELA ROSA'S POVKaagad kong binisita si Mr. Fernandez, pagkatapos ng mga nangyari. Mukhang hindi ko na talaga mapipilit itong si Manuel, napilitan lang akong umalis sa bahay nila kahapon dahil ang lamig-lamig na ng tungo niya sa akin at hindi pa niya ako pinapansin. Parang hangin lang ako sa harapan niya, minsan naman dinadalhan ko siya ng mga masasarap na pagkain.
Kasi tuwing pumupunta ako doon, walang laman ang rice cooker niya, wala ring pagkain. Siguro bumibili lang siya ng de lata sa maliit na tinadahan, ilang metro lang ang layo mula sa bahay nila. Kung hindi ko lang talaga mahal ang lalakeng iyon, matagal ko na 'yung iniwan at pinabayaan nalang na bumagsak.
But I can't just let Manuel down. I love him so much, ngayon pa ako susuko na... wala na si Melanie.
Kaagad naman akong pinasuot ng mga nurses ng pang proteksyon. Habang sila Mr. Lazarus Fernandez at ang anak nitong si Jonas ay nasa waiting area lamang at mukhang nagpapahinga. Si Atticus naman at Constantine ang namamahala ngayon sa resort at sa kompanya nila.
Kaagad akong pumasok sa loob at nakita ko naman si Tita Ophelia na nakaupo habang hawak-hawak ang kaliwang kamay ni Mr. Fernandez.
Kung hindi lang na-coma si Mr. Fernandez, ay napaghihinalaan ko nang patay na ito. Lumapit naman ako sa kanilang direksyon at nagulat naman si Tita Ophelia nang makita ako.
Nginitian ko muna siya bago niya ibinaling ang kaniyang paningin sa asawa.
Mr. Manuel Fernandez Sr. reminds me of Manuel Fernandez Jr. His older son.
Magkamukhang-magkamukha sila nito. Manuel looks like the younger version of his Dad. Mula sa mala-perpekto nitong hugis ng mukha, makakapal na kilay, matangos na ilong. Mapupulang makurbang labi, mataas na mga pilik-mata. Pati kutis, halos namana niya sa kaniyang ama.
Narinig ko naman ang paghikbi ni Tita Ophelia kaya kaagad akong lumapit sa kaniya at hinawakan ko naman ang magkabila niyang balikat para mahimasmasan naman siya.
"I really can't believe this! Kampante ako dahil sinabi ng doctor na maayos na ang kalagayan niya, pero hindi pa pala! Mas lalo pang lumala."
Hikbing sabi ni Tita Ophelia, I don't know what to say. Siguro makikinig na lang ako sa kaniya, she's the mother of my love anyway.
"Mas lalong sumakit ang dibdib ko noong... iniwan kami ng panganay naming anak para lang sa isang walang kwentang babae!" galit na sabi ni Tita Ophelia sa akin.
"Melanie, cursed Manuel. Hindi magkaka-ganiyan si Manuel kung hindi niya ito pinaikot."
Sagot ko pabalik kay Tita Ophelia. Ramdam ko ang galit na nananalaytay sa ugat niya. Napangiti naman ako ng palihim, sorry Melanie. Kailangan kitang siraan sa soon-to-be-mother-in-law ko.
"Nasira ang pamilya namin nang dahil lang sa babaeng 'yan! Iniwan kami ng anak namin nang dahil lang sa babaeng 'yan! I promise to heaven and hell! I will never accept her! I'd wish she'd die in hunger and rot in poverty! Sisiguraduhin kong hindi na 'yun makaka-apak pa ng Malapascua."
"You're right, Tita. Tama nga siguro 'yung mga instinct ko about sa kaniya. She's not good for Manuel, Manuel deserves better..." me.
"Manuel just give up everything for that woman! He gave up, us! How could he do that to his own blood and family?! Kaya mas lalong lumalala ang kalagayan ng kanilang ama nang dahil lang sa pagta-trabaho. Sinabi ko sa kaniya na gumawa na lamang kami ng ibang paraan para makuha ang anak niya pero ang sinabi niya sa akin ay hindi niya pipilitin si Manuel."
So? Boto pala itong si Mr. Fernandez sa babaeng 'yun?
"Kung mawawala sa akin ang asawa ko... hindi ko na alam kung saan pa ako pupulutin. I love him so much, hindi ko kakayanin... hindi ko kakayanin ang mawala siya. Kaya parang awa mo na Nuel, don't leave me... please..."
BINABASA MO ANG
Against the Waves (Malapascua Series #1)
RomantizmManuel Fernandez, a determined and ambitious businessman, finds his world shattered when his father appoints his brother as Chief Executive Officer, leaving Manuel feeling sidelined and underestimated. Constantine, his brother, embodies everything M...