Melanie Dela Rosa's POV
Kaagad naman niya akong hinatid ng gabing iyon. Ewan ko ba, naiilang ako na parang ewan. Ganoon ba talaga kapag gusto mo ang isang tao? Ganoon kasi ang nararamdaman ko para kay Manuel eh.
(Flashback)
Kaagad naman kaming nakarating sa hotel at nagulat naman ako ng pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan. Napangiti naman ako dahil sa ginawa niya. Kaagad naman niyang ipinagsalikop ang aming mga kamay, pinagtitinginan naman kami ng mga receptionist at ibang bellman na nandito sa hotel. Kukunin ko na sana ang kamay ko kaso ang higpit ng pagkakahawak niya rito.
Nilingon naman niya ako at nginitian.
"Hey, it's okay. Hayaan mo sila na nakatingin. Mas mabuti 'yun para ma-aware sila na... tayo na."
Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa mga sinabi niya. Parang may mga nagliliparang mga paru-paro sa aking tiyan dahil lang doon. Napabuntong hininga naman ako at hinayaan ko na lamang siya. Hindi dapat ako matakot dahil nandiyan naman siya, alam kong po-protektahan niya ako sa lahat. Lalong lalo na sa mga taong gusto ako hilahin pababa, lalong lalo na si Dante.
Kaagad naman kaming pumasok sa elevator. Nang makarating na kami sa itaas ay huminto lang kami ng nasa tapat na kami ng hotel room ko. Hinaplos naman niya ang aking pisngi at napapikit naman ako nang dumampi ang palad niya doon.
"Melanie, I have something to offer."
Napakunot naman ang aking noo. Ano naman kaya ang ibig niyang sabihin?
"Ano 'yun?"
"I want you to be my executive officer."
Nanlaki naman ang aking mga mata ng dahil sa mga sinabi niya. Kaagad ko naman siyang sinagot.
"Pe-pero, college student pa ako. How can I be your executive officer kung wala naman akong kaalam alam?"
"Don't worry, malayo pa naman 'yun eh. After your graduation dito ka magtatrabaho okay? Huwag ka ng lumayo sa akin."
Bigla naman akong napatahimik dahil lang doon. Sinabi ko sa sarili ko na kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral ay pupunta ako ng Manila dahil doon ako magtatrabaho at hahanapin ko rin ang ama ko doon. I need to find my father, gusto ko lang ipaalam sa kaniya na may naiwan siyang anak dito sa Malapascua.
Tumango na lamang ako sa kaniyang mga sinabi. Wala pa rin namang kasiguraduhan kung kami pa rin hanggang dulo. Hindi natin alam kung ano ang magiging bukas. Kasi ang alam lang natin, ay ang ngayon. Kung ano tayo ngayon.
Kaagad naman akong nagpaalam sa kaniya at tatalikod na sana ako ng bigla niya akong hilahin at halikan sa aking mga labi. Bigla na namang bumilis ang pagtibok ng puso ko ng dahil lang sa ginawa niya. Napahawak naman ako sa kaniyang mga braso. Mapupungay naman ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin.
"Sige na, pumasok ka na sa loob."
Napatango naman ako sa sinabi niya at kaagad kong isinara ang pintuan ng aking kwarto. Halos habolin ko ang hininga ko dahil sa ginawang paghalik niya sa akin. Nababaliw na nga ata ako kay Manuel.
(End of Flashback)
Habang umiinom ako ng aking kape ay napatingin naman ako sa pintuan ng aking kwarto. May nag bell kasi eh. Nakakasiguro ako na hindi 'yan si Manuel dahil tumawag siya sa akin kanina mga five am. Sinabi niya na may meeting raw siya together with his clients kaya hindi siya makakasabay sa akin sa pagkain.
Napakunot noo naman ako at pinagbuksan ko naman ito kaagad ng pintuan. Nanlaki naman ang aking mga mata ng makita ko ang isang lalake na may dalang magandang bulaklak.
![](https://img.wattpad.com/cover/243481872-288-k301364.jpg)
BINABASA MO ANG
Against the Waves (Malapascua Series #1)
RomansaManuel Fernandez is a smart and trying hard businessman. Kaya nang ibinigay ng kaniyang ama ang posisyon bilang Chief Executive Officer sa kaniyang kapatid, ay gumuho ang kaniyang mundo. Constantine is his greatest enemy. Sabi nga niya, walang alam...