Manuel Fernandez POV
Lumipas ang ilang linggo at natapos na rin ang renovation. Naghahanda na kami ngayon para sa Grand Opening ng Malapascua. Lahat ng mga tauhan at mga trabahante ko rito ay abala sa mga pag-aayos. Darating ngayon sila Mommy at Daddy. Kaya mas lalo akong kinakabahan.
Nawala lang ng kaonti ang aking kaba ng may yumakap sa aking likuran. Nilingon ko naman ito at nakita ko naman si Melanie. Kaagad akong humarap sa kaniya at nakita ko naman na nakabihis na rin siya. Ang ganda ganda ng girlfriend ko. Ipapakilala ko rin siya sa mga magulang ko, at sa buong Malapascua.
"You look beautiful, Melanie."
Pagpupuri ko sa kaniya at ngumiti naman siya sa akin at inilagay ko naman ang aking mga kamay sa kaniyang maliit na baywang.
"Thank you so much Melanie. Kasi hindi mo ako iniwan. Kahit na minsan, napaka-hard headed ko."
Pagsusumbong ko sa kaniya at hinaplos naman niya ang aking pisngi.
"Napakababang rason naman 'yun kung iiwan kita diba? Masyado ata kitang mahal para iwan ko."
Napangiti naman ako sa mga sinabi niya at inilapat ko naman ang aking mga labi sa kaniya at tinugon naman niya ito kaagad. Inilagay naman niya ang kaniyang mga kamay sa aking leeg at mas inilapit pa niya ang sarili niya sa akin. Napangiti naman ako dahil sa ginawa niya.
Napatigil lang kami ng may kumatok bigla sa aking opisina. Napabaling naman kami sa pintuan.
"Baka sekretarya mo 'yun. Baka may gustong sabihin sa'yo."
Sabi ni Melanie sa akin at napakunot naman ang aking noo.
"Storbo talaga."
Sabi ko sa sarili ko at kaagad ko namang tinungo ang pintuan at pinagbuksan ko ito.
"Sir Manuel, I'm really sorry to interupt you but Mr. Benavente is here and he wants to talk to you."
Sabi ng sekretarya ko at nilingon ko naman si Melanie.
"Sige, papasukin mo siya."
Tumango naman siya sa akin at kaagad namang pumasok si Mr. Benavente sa aking opisina.
"Good morning Mr. Benavente."
Bati ko sa kaniya at kaagad naman siyang tumango sa akin at lumipat naman si Melanie sa sofa ng aking opisina at dumiretso naman kaagad ako sa aking swivel chair.
"I heard na, ngayon magaganap ang Grand Opening ng Malapascua right? Your brother said to me earlier."
"Yes Mr Benavente. Napagplanuhan ko kasi na ipa-renovate ang ibang mga places rito sa Malapascua to attract more tourists and visitors."
Sabi ko sa kaniya at napatango naman siya sa akin. Napalingon naman siya kay Melanie at nagtagal naman ang tingin niya rito.
"Who is she Manuel?"
"She's my girlfriend Mr Benavente."
Sabi ko sa kaniya at nginitian naman niya si Melanie. Ngumiti din sa kaniya si Melanie pabalik.
"Hija? You look familiar. Nagkita na ba tayo noon?"
Napakunot naman ang aking noo sa sinabi ni Mr. Benavente. Nilingon ko naman si Melanie at kaagad naman niyang sinagot ang matanda.
"Yes po Mr. Benavente, nagkita na po tayo noon. Noong nagpunta po kayo sa bahay namin nila Auntie at hinahanap niyo po siya."
Napatawa naman ng mahina ang matanda na parang may naalalang pangyayari.
![](https://img.wattpad.com/cover/243481872-288-k301364.jpg)
BINABASA MO ANG
Against the Waves (Malapascua Series #1)
RomanceManuel Fernandez is a smart and trying hard businessman. Kaya nang ibinigay ng kaniyang ama ang posisyon bilang Chief Executive Officer sa kaniyang kapatid, ay gumuho ang kaniyang mundo. Constantine is his greatest enemy. Sabi nga niya, walang alam...