Capítulo 40

50 3 0
                                    

WARNING: SPG Ahead! If you're not for it, you can skip the last part of this chapter, and wait for my next update. Thank you!

Enamorado

MELANIE DELA ROSA'S POV

I can't believe of what Manuel's sait to me, earlier. Hindi ko inakala na ganoon pala ang mga ginawa niya.

Iniwan niya si Amelia sa araw ng kasal nila. Imagine, how painful is that, right? Pwede naman niya itong kausapin ng harap-harapan.

"How 'bout you? Care to share your thoughts and explanations?" his low baritone voice makes my legs trembled for a bit.

Nakalimutan ko nga palang magpaliwanag sa kaniya, pero kailangan pa ba 'yun? Pero... napaka-unfair naman nun para sa kaniya kung hindi ako magpapaliwanag.

He sipped on his wine, without leaving his eyes on me. Those piercing dagger look, makes my heart beats faster! Hindi ko akalaing... magbabago siya ng ganito ka-tindi!

"Umalis ako... kasi... 'yun ang nasa isipan ko, noong mga panahon na 'yun." 

Mahinahon kong sabi sa kaniya, bago ko inalis ang paningin sa kaniya.

"Really? Melanie? Hindi ka man lang ba nagdalawang-isip na iwan ako?" matabang niyang sabi sa akin.

Napalunok ako, kumirot bigla ang aking puso.

"I just did... what is right," sabi ko sa kaniya.

Hindi niya rin alam kung ano ang naramdaman ko, noong umalis ako at iniwan ko siya. Hindi niya rin alam kung gaano kahirap 'yun para sa'kin. I would willingly... leave him, for everyone's happiness... also to build himself again, not to me, not to others, but for his family. Look at him now, he's a successful CEO and businessman. Hindi 'yun mangyayari kung... hindi ako umalis.

Sometimes, leaving someone is not just for our own happiness and selfishness. We leave, because for their own good and success in life. Kasi... minsan, kahit na gustong-gusto pa nating makapasok sa mundo nila? Magiging isang malaking disaster lang tayo, and I wouldn't let that happen.

"You just did what is right? Kahit na masaktan ako? Ganoon ba 'yun, Melanie?"

Pagalit niyang sabi sa akin. Tuluyan ng tumulo ang aking mga luha. Kung alam niya lang rin ang mga pinagdaanan ko, ang pagsasakripisyo ko para sa kaniya. Tiniis ko 'yun lahat, dahil ayokong... maging makasarili.

"Yes, Manuel. Look at you now, you're a successful Manuel Fernandez. Ano ba'ng kaya kong ipagmalaki sa'yo? Sa mga magulang mo? Diploma ko? Pinipilit nga nila tayong paghiwalayin noon eh. Tinanggalan nila ako ng scholarship, inalis nila ako sa hotel, binayaran ng Mama mo ang Landlady ng boarding house para mapalayas lang ako doon. Ano sa tingin mo? Ang pwede kong ipanglaban, laban sa ina mong makapangyarihan ha?"

Nanlaki naman ang kaniyang mga mata sa aking sinabi at umigting naman ang kaniyang panga. Napakagat-labi naman ako, ngayon ko lang ito nasabi sa kaniya ng tuluyan. Ngayon lang ulit ako nagkaroon nang lakas ng loob.

"Why you didn't tell me about that? Huh? Kung sinabi mo lang 'yun sa akin ng mas maaga? Makakagawa ako ng plano at aksyon! Pwede naman tayong magpakalayo-la-" kaagad ko naman siyang pinahinto sa kaniyang mga sinasabi.

"Magpakalayo-layo? Manuel, nabalitaan kong unti-unti ng bumabagsak ang kompanya n'yo, tapos isinugod pa sa ospital ang ama mo. Sa tingin mo ba? Mas uunahin ko pa 'yung kaligayahan ko at kaligayahan mo? Kung tayo, tayo talaga! Pero kung hindi? Hindi! Matagal ko nang tinanggap na hindi ka talaga para sa'kin, Manuel. Matagal na," napapaos kong sabi sa kaniya.

Wala akong ibang nakikita sa kaniyang mga mata kung hindi sakit. Alam ko, dahil nararamdaman ko rin 'yan ngayon.

"Yeah right, because this is what you really want, right? The sucessful Manuel Fernandez," aniya.

Against the Waves (Malapascua Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon