MELANIE DELA ROSA'S POV
Isang condom nalang ang natira sa loob ng kaniyang wallet. Yes, don't get me wrong, gumagamit siya ng proteksyon. Mas mapapanatag ang loob ko kapag may ginagamit kami.
Kaagad naman akong bumangon sa aming kwarto, pagkatapos kasi naming kumain kagabi ay kaagad naming ginawa ang bagay na 'yun. Totoo nga ang sinabi niya, kumuha siya ng isang magandang unit na bakante.
Pinagmasdan ko naman ang kabuuan ng kaniyang mukha, ang makakapal niyang kilay, ang matangos niyang ilong at ang kaniyang mapupulang mga labi, hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti. Hinaplos ko naman ang kaniyang braso, he's topless of course.
Sinabi niya rin sa akin kagabi na inheritance daw 'yun. I mean ang pagkapula ng kaniyang mga labi, dahil kahit pati si Constantine ay ganoon rin.
Napaayos naman ako sa aking pag-upo ng makita ko siyang gumalaw at unti-unti naman niyang idinilat ang kaniyang mga mata.
"Hey, ang aga mo naman atang nagising," mahina niyang sabi sa akin bago siya umupo sa kama habang mapupungay ang kaniyang mga matang nakatitig sa akin.
"May klase ako, syempre maaga akong gigising." Sabi ko sa kaniya.
Alas-singko pa naman ng umaga at eight am pa ang start ng unang klase ko, ilang tulak nalang... ga-graduate na ako. Hinagkan naman niya ang aking kanang kamay at ang aking kanang balikat.
"I'm sorry baby, napagod ata kita kagabi," halos pabulong niyang sabi sa akin.
Nilingon ko naman siya at hinawakan ko naman ang kaniyang magkabilang pisngi.
"It's okay, atsaka... nag-enjoy rin naman ako kagabi eh." Nakangiti kong sabi sa kaniya.
Lumambot naman ang aking puso ng makita ko siyang tumawa ng mahina.
"Of course you enjoyed it, I will never forget your moans and groans because of the pleasure I gave to you last night."
Uminit naman ang aking magkabilang pisngi dahil sa mga sinabi niya.
Pagkatapos naming kumain ng agahan ay kaagad naman niya akong inihatid sa scuelahan. Kaagad naman niya akong hinalikan sa aking mga labi bago siya ngumiti sa kaniya.
"Take care, okay?"
Kaagad naman akong tumango sa kaniyang sinabi, bago kami nagpalitan ng I love you's.
Medyo napagod ako ngayong araw dahil malapit na ang thesis defense namin, atsaka sumabay rin ang deadline ng research namin by group at mayroon ring individual.
Hindi na ako nagpasundo kay Manuel dahil paniguradong busy rin iyon, at ayoko rin na bumisita sa kaniya dahil paniguradong nandoon ang kaniyang ina. Hindi ko na rin sinabi kay Manuel ang tungkol sa panunugod ni Georgia rito, ayokong makadagdag sa problema niya. Kaya ko namang labanan ang babaeng 'yun eh.
Kunot ang aking noo habang nakatingin sa aking cellphone at nagre-research habang nakalatag sa isang maliit na lamesa sa sala ang mga papel para sa individual research at sa group research. Malas lang dahil ako ang ginawang leader nila, hindi naman ako makatanggi kaya pumayag na lamang ako.
Nabaling lang ang aking atensyon ng tawagin ako ng ka-board mate kong di Jelian.
"Melanie, may naghahanap sa'yo sa labas," sabi niya sa akin.
Mas lalong kumunot ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi. Tumango na lamang ako at pumanhik papuntang pintuan. Umaliwalas ang aking mukha ng makita ko si Manuel na may dalang paper bag.
"Oh? Anong ginagawa mo rito? Sabi mo sa akin kanina? Busy ka," nalilito kong sabi sa kaniya.
"I'm done with my work."
BINABASA MO ANG
Against the Waves (Malapascua Series #1)
RomanceManuel Fernandez, a determined and ambitious businessman, finds his world shattered when his father appoints his brother as Chief Executive Officer, leaving Manuel feeling sidelined and underestimated. Constantine, his brother, embodies everything M...