Capítulo 18

31 3 0
                                    

Manuel Fernandez POV

Nagising ako dahil parang puputok 'yung ulo ko dahil sa sakit nito. Napasapo naman ako sa aking ulo at napatingin naman ako sa paligid.

Nasa bahay pala ako ngayon ni Atticus, bigla namang bumalik ang lahat ng mga alaala na nangyari kagabi. Nanlaki ang aking mga mata nang maalala kong nagpunta pala dito si Melanie kagabi at ipinagtabuyan ko lamang siya.

Damn it! Ang tanga-tanga mo talaga Manuel! Girlfriend mo si Melanie, bakit mo siya ipinagtabuyan?! Inis naman akong pumunta sa kusina at naabutan ko naman doon si Atticus na umiinom ng alak.

"Mabuti naman at gising ka na." Sabi sa akin ng kaibigan ko at napatango na lamang ako.

"Atticus, sabihin mo nga sa akin? Ano ba ang mga ipinagsasasabi ko kagabi?"

Narinig ko naman ang kaniyang pagbuntong hininga 'tsaka niya ako sinagot.

"You don't really remember? Ipinagtabuyan mo lang naman si Melanie kagabi tapos paulit-ulit mo pang sinasabi sa kaniyang harapan na Georgia is back, my ex is back." 

Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa mga sinabi ni Atticus sa akin. Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil lang sa mga walang kwentang mga sinabi ko kagabi.

"Fck! I need to talk to her. I need to go." 

Aalis na sana ako kaso bigla akong pinigilan ni Atticus. 

"Mas mabuti pang hayaan mo nalang muna siya ngayon. Mamaya mo na siya kausapin." 

Inis ko naman siyang nilingon.

"Bakit naman?! Kailangan kong humingi ng tawad sa kaniya! Nasaktan ko siya." Sabi ko sa kaniya at napabuntong hininga naman siya 'tsaka siya tumayo.

"Tinawag ko siya nang paulit-ulit kagabi pero hindi man lang siya lumingon. Mas mabuti pang hayaan mo muna siya. Tsaka mo nalang siya kausapin kapag hindi na mainit ang ulo niya."

"No Atticus, hinding hindi ako mapapakali kung hindi ko siya makakausap ngayon. I need to go, thanks for your concern." 

Hindi ko na siya hinintay na makasagot at kaagad kong kinuha ang susi ng aking sasakyan at tinahak ko ang daan pabalik. 

Baby, i'm sorry for what happened. I'm really really sorry baby...

Kaagad naman akong nakarating sa hotel namin at hindi ko na inabala kung nakatingin silang lahat sa akin. Kailangan kong makausap si Melanie. Napatingin naman ako sa aking wrist watch. Seven am pa nang umaga, eight am ang pasok niya kaya paniguradong maaabutan ko pa siya sa room niya.

Kaagad ko namang kinuha ang aking cellphone at tinawagan ko siya. Damn it! Kanina pa ring ng ring ang phone niya pero hindi man lang niya ito sinasagot. 

Pagkarating ko sa itaas ay kaagad akong kumatok sa pintuan ng kwarto niya pero wala pa ring nagbubukas. Kaya kaagad kong tinanong ang housekeeper na napadaan sa floor.

"Excuse me? Nakita mo ba si Melanie na lumabas dito?" Napahinto naman siya at napatingin naman siya sa pintuan ni Melanie.

"Si Melanie po? Mukhang hindi po siya umuwi kagabi eh. Ako po kasi ang naglinis ng kwarto niya kagabi kaya hindi ko po alam kung nasaan po siya ngayon at kung bakit hindi po siya umuwi kagabi."

Napatango na lamang ako sa mga sinabi niya at dumiretso nalang ako sa opisina ko. Pagkapasok ko roon ay kaagad akong napasapo sa aking noo.

Puntahan ko kaya siya sa school nila, paniguradong nandoon na siya. Papapasukin naman siguro ako ng guard dahil kilala naman ako doon. 

Against the Waves (Malapascua Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon