PRÓLOGO

157 6 0
                                    

El principio

Manuel Fernandez POV

Habang nasa kalagitnaan ako ng aking pagtatrabaho bilang isang Vice President ng kompanya ay biglang may tumawag sa akin.

Napakunot naman ang aking noo, sino naman kaya ang storbong tatawag sa akin sa kalagitnaan nang aking pag-ta-trabaho?! Inis kong kinuha ang telepono na nasa gilid ng aking laptop at napahilot ako sa aking sintido dahil sa inis! I don't want anybody to disturb me, lalong lalo na pagdating sa trabaho!

"Hello?! Who is this?"

Iritado kong bati sa kabilang linya.

"Ganyan ka na ba bumati ngayon sa iyong ina? Manuel?"

Marahas naman akong napabuntong hininga. Dahil sa inis ko ay hindi ko na inabala kung sino ang tumawag.

"I'm sorry, Mama. I'm just really busy. Alam niyo naman 'di ba? Gusto ko lang ipakita kay Papa na mas magaling ako kaysa sa isa niyang anak."

Masungit kong sabi kay Mama at napatahimik naman siya sa kabilang linya.

"Anak, Manuel? Kailan ba kayo magbabati ng kapatid mo? It's almost been five years na hindi kayo nagkikibuan. Tapos ngayon, parang may namumuong competition dahil sa pataasan nang pride ninyong dalawa."

Ini-off ko muna ang Macbook ko at bumuntong hininga.

"Wala akong pakialam, Mama. You already know the reason why I hate your son. This is all Constantine's fault!"

Sabi ko sa kaniya. Hinding hindi ko makakalimutan ang lahat nang mga ginawa niya sa akin. Kahit mag kapatid kami, hindi pa rin nawawala ang galit ko para sa kaniya.

"Manuel, huwag mo namang isisi lahat sa kapatid mo. May damdamin rin siya, anak."

Ayokong magalit sa kaniya dahil malaki ang respeto ko, pero hindi ko lang talaga mapigilan. I'm not being childish, pero sumusobra na kasi talaga ang pagtatanggol nila sa lalaking 'yun!

"Mama, I don't give a damn. Wala akong pakialam kung mas kakampihan mo siya. I just want you to know na ginagawa ko pa rin ang makakaya ko para ako ang pumalit sa posisyon niya bilang isang CEO! I am the one who deserve to be the President, not him, Mama! Anong ba'ng alam niya sa pag-ne-negosyo?! Anong alam niya sa pagpapatakbo ng kompanya? Wala 'di ba ?! He knows nothing!"

"Let's talk later, Manuel. Ayokong makipag-usap sayo sa telepono kapag umiiral na naman 'yang pag-uugali mo."

Sasagot pa sana ako kaso binabaan na ako ni Mama ng tawag. Fck.

Napamura naman ako sa aking sarili. Ngayon ko lang napagtanto lahat nang mga nasabi ko kay Mama. Magtimpi ka nga, Manuel!

Dahil sa aking inis ay iritable kong kinuha ang susi ng aking sasakyan at lumabas ng opisina. Nagkasalubong naman kami ng sekretarya ko.

"Mr. Fernandez, may appointment pa po kayo kay Mr. Damano, mamayang seven pm."

Tinignan ko lang siya bago ko siya sinagot.

"Sabihin mo nalang na bukas na kami magkita. May pupuntahan lang akong importante."

Kaagad kong sabi sa kaniya habang nakasunod pa rin siya sa aking likuran.

"Pero, sir wala na po daw free time si Mr. Damano, dahil may business trip po siya bu-"

I turned to her and give her a dagger look. She's not listening to me.

"Gumawa ka nang paraan para matuloy ang meeting namin bukas. Hindi naman ako ang nangangailangan ng tulong eh. Kompanya niya, kaya siya dapat ang mag-aadjust. I'll go ahead."

Against the Waves (Malapascua Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon