Capítulo 13

42 3 0
                                    

Melanie Dela Rosa's POV

Pagkatapos ng party na 'yun ay kaagad akong umuwi. Hinatid naman ako ni Sir Manuel sa hotel at nagpaalam na rin siya sa mga ka-batch mate niya na uuwi na rin siya. Mabuti nalang 'yun kesa sa makikita ko si Rheanne. Hindi ko lang talaga nagustuhan 'yung mga ibinatong mga tanong niya sa akin.

Tapos na kasi ang klase ko kaya heto ako ngayon sa restaurant, nagtatrabaho. Habang naglilinis ako ng lamesa ay may biglang lumapit sa akin. Paglingon ko naman ay nakita ko si Manager Gwen. Ano naman kaya ang kailangan niya.

"Bakit po Manager Gwen?"

"May naghahanap sayo sa labas Melanie."

Sahi sa akin ni Ma'am at napakunot naman ang aking noo. Sino naman kaya ang naghahanap sa akin? Tumango naman ako sa kaniya at tinapos ko muna ang ginagawa ko bago ako lumabas ng restaurant.

Nabigla naman ako ng makita ko si Amelia sa labas. Nitong mga nakaraang araw ay hindi ko na siya nakikita. Mas mabuti na 'yun para iwas gulo at iwas away. Sa school naman ay bihira ko lang siyang makita, sa laki ba naman ng University talagang hindi niya ako makikita.

Lumapit naman ako sa kaniya habang may pagtataka.

"Bakit na nandito Amelia? May kailangan ka ba?"

"Melanie... si Mommy, nagkasakit siya! Malubha ang karamdaman niya. Dinala siya ngayon sa ospital."

Bigla namang bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa mga sinabi niya. Nakita ko naman ang unti-unting pagtulo ng mga luha niya. Nagulat naman ako ng bigla niyang hawakan ang aking mga kamay.

"Alam kong malaki ang galit mo sa amin Melanie pero kailangan ko ang tulong mo. Kailangan namin ng pera para para ma-operahan si Mommy sa mas lalong madaling panahon."

Naiiyak niyang sabi sa akin. Bigla naman akong nakaramdam ng awa kay Auntie. Kahit na hindi maganda ang pagtrato nila sa akin ay kamag-anak ko pa rin sila at kadugo ko pa rin sila. 

"Huwag kang mag-alala Amelia, gagawa ako ng paraan."

Unti-unti naman siyang tumango sa aking mga sinabi at nabigla na naman ako ng bigla niya akong niyakap.

"Thank you Melanie! Thank you!"

Pagpapasalamat niya sa akin bago siya nagpaalam na pupunta siya ngayon ng ospital. Siguro inatake na naman si Auntie ng high blood at sumabay ang ulcer niya. Marami kasing sakit si Auntie eh kaya minsan kapag nag-aaway kami ay hindi ko nalang siya pinapatulan dahil makakasama lamang 'yun sa damdamin niya.

Kaagad nalang akong bumalik sa loob at dumiretso ako sa kusina para makainom ng tubig. Ano kaya ang gagawin ko, sakto lang din 'yung pera ko para sa pang-araw-araw kong gastusin. Tumabi naman sa akin si Nikki habang may pag-aalala sa mukha.

"Ayos ka lang ba Melanie?"

Pagtatanong niya sa akin at napabuntong hininga naman ako. 

"Si Auntie kasi nagkasakit at sabi ng pinsan ko na malubha daw 'yung kalagayan niya."

Malungkot kong sabi sa kaniya at kaagad naman niya akong sinagot.

"Kailangan mo ng pera?"

Napalingon naman ako sa kaniya at bigla ko namang naalala ang calling card na ibinigay niya sa akin noon.

"Nikki, tungkol doon sa trabaho na inaalok mo sa akin? Kailangan ba talaga na makipag-make out ka muna bago ka bigyan ng pera nila?"

"Depende kasi 'yun, may pick-up at pwede mo rin silang i-table. Yung usap-usap lang, at depende sa kanila kung magkano ang ibibigay nila sayo. Ako nga noon pa table-table lang ako pero umaabot hanggang dalawang libo ang kita ko. Kung hindi mo talaga gusto 'yung pick-up, pwede mo naman silang i-table. Malaki rin kita nun."

Against the Waves (Malapascua Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon