Capítulo 17

35 3 0
                                    

Melanie Dela Rosa's POV

 Umupo naman kaagad kaming dalawa ni Manuel sa upuan na katapat lamang sa inuupuan ng kaniyang mga magulang. 

Nang dahil sa kaba na nararamdaman ko, ay sa pagkain ko na lamang ito itinuon. Iba't iba ang inihahanda nilang mga pagkain rito. Napatingin naman ako ngayon kay Constantine, kaagad naman akong nailang nang makita ko siyang nakatitig sa akin. 

Ano kaya ang iniisip niya? Nabalik lang ako sa realidas nang hawakan bigla ni Manuel ang aking kanang kamay. Nilingon ko naman siya at nakita ko ang dalawang kilay niya na magkasalubong. Naputol lang ang titigan naming dalawa nang biglang magsalita ang Mommy ni Manuel.

"Hi, Melanie. Nice to meet you." Magalang niyang sabi sa akin. Nginitian ko naman siya kaagad at sinagot.

"Nice meeting rin po sa inyo, ma'am." Naiilang kong tugon sa kaniya at tinaasan naman niya ako ng kilay. Hanggang dito sa aking banda ay kumikinang ang mga dyamanteng bato na suot-suot niya sa kaniyang leeg. Nagsisigawan ito ng karangyaan at hindi basta-bastang babae. In short, malaki ang ibubuga niya sa buhay. 

"So? Saan kayo nagkakilala ng anak ko? Are you a tourist here?" Bigla akong kinabahan sa unang naging tanong sa akin ng kaniyang ina.

Kaagad naman nagsalita ang ama ni Manuel sa tabi nang kaniyang ina habang nakatingin sa akin.

"Ophelia, huwag mo namang i-pressure ang girlfriend ng anak natin." Binalingan naman niya ang kaniyang asawa.

"Hindi ko naman siya pini-pressure Emmanuel. I just want to know her." 

Ewan ko ba, sa mga ngiting ibinibigay sa akin ni Miss Fernandez ay kinakabahan ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Daddy's right Mommy. Huwag nalang po kayong magtanong tungkol sa kaniya. Nakilala ko po siya sa isang restaurant. It's corny to hear this but... na love at first sight ako sa kaniya." Nanlaki ang aking mga mata at kaagad akong napabaling kay Manuel. 

Nakita ko rin ang paglingon niya sa akin. Ngayon palang, kinakabahan na ako. Ang layo ng agwat naming dalawa. Mayaman siya, mahirap lang ako. Langit siya, lupa lang ako. 

Nananatili pa ring tahimik sa tabi ang kapatid niyang si Constantine habang umiinom ng wine.

"Really? Hijo? Kung ganoon? Saan ka ba nakatira Miss Dela Rosa?" Bumuntong hininga muna ako bago ko siya sinagot.

Magustuhan man niya o hindi ang magiging sagot ko? Hindi ko na problema 'yun, as long as nagsabi ako sa kaniya ng totoo.

Sasagot na sana ako ng biglang sumingit si Manuel sa usapan namin.

"She's a tourist here Mom, she came from Australia." Napakunot naman ang aking noo at biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa mga sinabi ni Manuel ngayon.

Bakit kailangan niya pang magsinungaling sa akin?! At sa harap pa ng mga magulang niya?! Ikinahihiya niya ba ako?

Nanlaki naman ang mga mata ni Miss Fernandez at huminga naman siya ng malalim na para bang galing siya sa init ng labanan. Kanina, ang talim niyang tumingin sa akin. Ngayon naman? Maamo na ito at parang naging tuta bigla.

"That's good to hear that! Lalong lalo na dahil lumaki ka pala sa Australia. Anong work ng parents mo hija?"

Nakita ko naman ang matatalim na tingin ni Constantine sa kapatid niyang si Manuel. Hindi ako makasagot, ayokong magsinungaling sa kaniya. Gusto kong pagsabihan si Manuel na itigil nalang ito pero bakit niya pa rin pinagpapatuloy ang pagsisinungaling?!

"May sariling business ang parents niya Mama, kaya Melanie is here to take a vacation. Dahil soon... siya ang magte-take over nang kanilang kompanya." 

Against the Waves (Malapascua Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon